Nasa isang mall kami ngayon. Bihis na bihis ako pati ang kasama ko. Pareho kaming naka-mask ng tarantado.
Eh kasi naman daw, kapag may nakakita at nakakilala raw sa kanya na pagala-gala kung saan-saan, may palagi raw na sumusunod sa kanya kaya nagdi-disguise raw siya pati rin ako para safe.
Feeling artista.
Sumunod na lang ako sa kanya sa ngalan ng deal namin. Pagkatapos naman ng gala na ‘to, lulubuyan na niya ako at matahimik na rin sa wakas ang buhay ko sa Cailer.
“Halika, arcade tayo!” sabi niya sabay hila ng kamay ko.
Sa oras na iyon, parang kakaiba ang naramdaman ko.
Hawak lang naman niya ang kamay ko pero ang lakas na ng kabog na nararamdaman ko sa loob ko. Tila parang bumagal ang takbo ng oras, pati bawat hakbang namin sa pagtakbo ay bumagal.
Tanging narinig ko lang ang tawa niya habang papalapit na kami sa sa isang arcade.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, hanggang sa bumalik sa dati ang lahat nang nagtanong siya. “Oy, ayos ka lang ba ‘jan?”
“O-oo, ayos lang ako.”
Pumunta naman siya sa isang coin machine at bumalik siyang may dalang mga token. “Oh, ayan hati tayo,” sabi niya sabay abot ng mga token. “Here’s the catch.”
“Ano na naman?” reklamo ko.
“We will play same games at the same time. Kung sino ang may maraming panalo in three games, he will have the opportunity to alter the deal. Game?”
Sinasabi ko na nga ba. May ibang pakulo pa ‘tong tarantado. Wala akong choice, eh andito na naman kami kaya pumayag na lang ako. “Game.”
First game namin ay basketball. Sabay kaming nag-drop ng token kaya sabay ring nag-start ang timers namin. In one minute, dapat malamangan ko siya ng points para manalo pero nagulat ako dahil sunod-sunod ang pagkaka-shoot niya sa mga bola at agad niya siyang naka-5 points sa loob lang ng 10 seconds.
Ang ending, panalo ang tarantado. Ang laki pa ng ngiti.
Score: 1-0.
Babawi ako syempre.
Second game, Resident Evil arcade game. Unang mamatay, talo. Kinuha ko ang baril na connected sa machine saka sabay kaming nag-drop ng tokens. Hindi niya alam na kabisado ko na ang laro na ‘to. Hindi pa nga tapos ang first mission namin ay inatake siya ng isang zombie at namatay. In short, ako ang panalo.
Score: 1-1.
Last game. Tekken. Hindi pa nga kami nagsisimula ay kitang-kita kong inis na ang kasama ko. Eh unang talo pa nga niya eh. Tsk. Pinili ko si Devil Jin, my all-time favorite character. Natawa naman ako sa pinili niya. “Nina? Seriously?”
Sinamaan niya ako ng tingin. It’s my second time seeing those kind of eyes again, but I just laughed.
Kakasimula pa lang ng game ay sinugod niya agad ako. Galit na galit na ata kasama ko sa akin. Nagb-block muna ako ng mga tiraniya hanggang sa nakahanap ako ng magandang tyempo at tinadtad ko ng Flash Punch Combo ang Nina niya. Sinundan ko naman ng Demon Backhead Spin at bumagsak sa lupa si Nina. Nakarinig naman ako ng hiyawan sa likuran namin.
“Tol, ang galing mag-Devil Jin oh!”
“Oo nga, walang kalaban-laban ang Nina.”
BINABASA MO ANG
T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)
RomanceSa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa siyudad, isang panibagong hamon ang kahaharapin ni Valeri matapos magkrus ang kanyang landas at ang nag-iisang campus crush ng Cailer U. Hindi man naging madali ang kanilang simula, nagkapalagayan naman ng loo...