It's been three days since the incident.
Napakalugkot sa bahay. Nakakasakit ng loob na makitang walang gana ang sarili kong ina dahil sa ginawa ni Papa. Gabi-gabi, rinig ko ang hagulgol ni Mama sa kanyang kwarto, and every time I try to go to her room, she always says she's fine. I just end crying alone in my room, too.
Kinakamusta naman ako ni Fred, pero feel ko nagiging burden na ako sa kanya. Habang tumatagal, narerealize ko na nagiging pabigat na ako, at nadadamay siya sa problema namin. Ayaw ko siyang mamomroblema rin sa problema ko, lalo pa't wala pa talagang kami.
I just watch my phone ringing, flashing his name. Nakakatatlong missed calls na ako galing sa kanya, pero nawawalan na ako ng gana na mag-open up ulit sa kanya. Instead of answering his call, nagsend na lang ako ng message na okay lang ako.
Ngayon, dahil sa nangyari nina Mama at Papa, naapektuhan ang negosyo namin kaya naghihirap na kami financially. Gusto ko sanang isalba pero yun nga lang, hindi ko alam kung paano yun patakbuhin. Hindi ko kaya.
Kinamusta rin ako ni Auntie about sa nangyari. Nabalitaan niya kasi ang nangyari no'ng nagtaka siyang hindi na ako umuuwi sa apartment ko. Alam niya ang nangyari at nagalit siya sa kuya niya, I mean kay Papa.
Plano ko ring sanang lumipat ulit dito at dito na lang magtatapos ng college para masamahan ko si Mama at ang kapatid. Kung hindi, pwede ring magddrop na lang ako this year, saka ako magre-resume sa studies kapag okay na ang lahat. Maghahanap na lang ako muna ng trabaho para may tustos kami dito sa bahay.
Alas tres na ng umaga bago ko naisipang umidlip at matulog. Kinabukasan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa sa pinto ng kwarto ko. Pagtingin ko sa orasan, mag-aalas 10 na pala ng umaga kaya nagmadali akong bumakod mula sa kama.
Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko ang kapatid ko. Siya pala ang kumakatok sa pinto. "Kuya, let's go to the kitchen!" sabi niya at bigla akong kinabahan.
Kay raming pumasok sa isip ko nang sinabi niyang pumunta kami sa kitchen kaya tumakbo ako patungo doon hanggang sa dalawang bulto ang nakita kong nag-uusap doon.
"Oh, Valeri, gising ka na pala. Kumain ka na dito," sabi ni Mama, at ni wala man lang bahid ng lungkot sa kanyang mukha ngayon.
Yung kausap naman niya, nakatalikod sa akin ngunit kilalang-kilala ko ang batok niya. "Kuya Freddie, kuya is here!"
Lumingon naman ang tinawag ni Shayne na 'Kuya Freddie' at nakilala ko siya agad. Nagulat ako sa presenya niya at saka ko lang narealize na andito siya sa bahay. Andito si Fred sa bahay, talking to my mother.
"He told me everything, Valeri. There's nothing to worry about," sabi pa ni Mama na ikinanganga ko.
"You mean everything? Between us?" I ask, trying to clarify what she said and she just nodded before sipping her tea.
Tawang-tawa naman si Fred sa naging reaksyon ko. Parang ako pa ata ang nahiya sa sitwasyon namin ngayon. Tumabi ako sa kanya at hinarap kaagad. "Kailan ka pa dito?"
"Mga 6am andito na ako. Ayaw mo kasi akong sagutin sa tawag ko kaya pinuntahan na lang kita dito. Buti na lang, pinatuloy ako ni Tita Lucy," he replied, calling my mother 'Tita Lucy.'
"Ikaw, Ma, how's your feeling?" I asked Mama.
"Well, I'm still not fine, but I'm better than yesterday," she said. "But you! I'm not fine dahil hindi mo sinabi sa akin na manliligaw mo pala siya."
Napasapo na lang ako sa sentido nang marinig iyon kay Mama. Parang kailan lang noong wala siyang gana pero seeing her better is okay. I just thought lalala lang ang lahat kapag alam niya ang tungkol sa amin ni Fred.
Mama started asking me about us. Ikinwento ko sa kanya kung saan at bakit kami nagkakilala, pero hindi ko na dinetelyado. Baka pagalitan pa niya ako kapag nalaman niyang nahalikan ko na siya sa labi ng dalawang beses. I was about to continue when we stopped me after mentioning about Camille.
"So you had a bestfriend na may gusto sa kanya?" pointing her finger to Fred.
I just nodded, and something made me realized about that, but I tried to shrugged off that idea. "Ma, it's not what you're thinking. Camille has Roel, you know him right? Sila na ngayon, and she's very supportive on us."
"Valeri, look what happened to us. After all these years ng pinagsamahan namin bilang mag-asawa, your Papa still managed to cheat on me. Yung nabuntis niya? She was my bestfriend, too," she said and her voice starts to crack again.
"Tita, I promise to take care of him. I won't do anything na ikakasira namin dalawa—"
Siniko ko naman siya. "Oy, hindi pa kita sinasagot ah. Ba't parang pinapaubaya mo na ako sa'yo?"
"Why? I just knew na sasagutin mo pa rin ako. As if you didn't reply to my kiss—"
Mama just gasped after hearing that from him. "So totoo nga?!
"No, Ma, mali lang pagkaintindi m—"
Since that conversation, our house was better. Nagtatawanan lang sina Mama at Fred, pati si Shayne, habang punong-puno na ako sa kahihiyan. Pina-stay pa ni Mama si Fred dito sa bahay hanggang andito pa ako, and he will be sleeping in my room, instead sa guest room.
Naging mas makulit pa ang kapatid ko dahil kay Fred. Parang bang kapatid niya rin si Shayne kapag kinukulit siya nito.
Habang nakikipaglaro si Fred kay Shayne ay tinutulungan ko naman si Mama sa paghahanda ng hapunan namin. Nahuhuli ko naman si Mama na masayang pinagmamasdan sina Fred. "I saw your father in him," sabi niya.
"He has big dreams in life, Valeri, at handa niyang ialay iyon para sa iyo, just like your father did when he was courting me in front of your Lolo."
Pansin kong may tumulong luha ulit sa mata niya ngunit agad niyang pinahid iyon. "You're so lucky, Valeri. I just hope na hindi niya gagawin sa'yo ang ginawa ng Papa mo sa akin."
We had a happy dinner, even though wala si Papa. Thanks to Fred, kahit papaano, medyo gumaan na rin ang pakiramdam ni Mama. Tinulungan pa niya akong maghugas ng pinggan at halatang hindi sanay. Panay tingin lang sa akin kahit halos ako na ang tumapos sa mga pinggan.
That night, nagkatabi ulit kami sa kama. Niyakap ko siya, and thanked him for what he did. "Thank you."
"Nakakailang thank you ka na, wala bang kiss 'jan?"
Tinitigan ko muna ang mukha niya hanggang sa dumapo ang tingin ko sa labi niya. Nararamdaman kong lumalakas na ang kabog ng dibdib ko pero hindi ko nilayo ang aking tingin sa kanyang labi.
"Hey, I'm just kidding. Hindi naman kita pinipilit," sabi niya.
"Sinasagot na kita. Pwede na ba?"
Magsasalita na sana siya nang nilapat ko ang aking labi sa kanya. I just closed my eyes, feeling his lips moving over mine like it's our first time. I tried to enter his mouth with my tongue, and our kiss got even much torrid than we used to, but when I unconsciously move my fingers under his shirt, he slightly pushed me away from him. "Are you sure about this? Kase kung ipagpatuloy na natin 'to, you can't stop me anymore."
Sa oras na iyon, bumalik ang ulirat ko. Bigla kong napaisip sa ginagawa ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa sarili ko.
"Sorry, I didn't mean to. Masyado na akong nadala," I apologized but he instantly wrapped his arms around me.
"You don't have to say sorry. I know you're not ready for this, and I am willing to wait, okay? I want to be your first after we get married, can you promise me that?"
Sobrang nahuhulog na ang loob ko sa kanya as the day goes by. I feel safe in his arms, and his words calm me down when I have to. Hindi ako nagsisising dumating sa buhay ko ang isang Frederick Arcilla. I love him so much.
BINABASA MO ANG
T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)
Storie d'amoreSa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa siyudad, isang panibagong hamon ang kahaharapin ni Valeri matapos magkrus ang kanyang landas at ang nag-iisang campus crush ng Cailer U. Hindi man naging madali ang kanilang simula, nagkapalagayan naman ng loo...