It’s been two days after the incident. Nasa probinsiya ako kasama ang pamilya ko. Nag-email naman ako sa professors na nag-absent dahil may emergency, kahit na ang totoo ay wala naman.
Medyo naka-move on na ako sa nangyari, medyo lang.
Gusto ko na sanang manatili ulit dito at magswitch na lang ng course para dito ulit ako mag-aral pero sayang naman yung sinimulan ko doon. Siguro babalik na lang ako, pero hindi ngayon.
Pagkatapos na lang ng Acquiantance Party na bukas na gaganapin. Sana magsaya ang lahat na dadalo do’n dahil hindi nila ako makikita.
Masaya naman ako dito sa bahay. Buti na lang nasa vacation yung parents ko kaya solo ko yung bahay namin. Kasama ko naman si Roel, childhood bestfriend ko, kaya may nakakausap ako sa mga problema ko kahit papaano.
Nagulat nga siya no’ng kinuwento ko sa kanya na hinalikan ako ng isang lalaki nang dalawang beses at akala ko mandidiri siya akin, eh tinawanan pa ako.
Sabi pa niya, ganito ako kaguwapo sa paningin ng nila dahil pati pinakagwapo sa university, nagkakagusto sa akin.
Wala naman daw mali na magmahal ng kapwa-lalaki pero ang mali daw ay ang hinayaan ko ang sarili kong nararamdaman na paglaruan ng taong kakakilala ko lang.
“Don’t let your feelings be played by people you have just met.”
Mas higit pa sa sampal ni Camille ang sinabi ni Roel sa akin. Parang akong natauhan pagkatapos kong narinig ‘yon. Na-realize ko na sa maikling panahon na nagkakilala kami ni Fred ay biglang nagkaroon ng gulo sa puso at isip ko.
Sobra akong nadala sa pinagagawa niya, at ‘yon ang pinakamalaking mali na nagawa ko.
Bigla namang nag-ring ang phone sa kalagitnaan ng pagpapahangin ko sa balkonahe. Napansin kong pangalan ni Camille ang nag-flash sa screen. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, tatawag siya bigla.
Tumunog naman ang notification bell ng phone ko kaya binasa ko na lang ang message na galing ulit kay Camille.
From: Camille
Valeri, I’m very sorry for what I’ve done to you. Nadala lang ako sa galit nung araw na yun. Sana mapatawad mo pa ako dahil papunta na ako jan sa bahay mo. Huhu help me I’m lost na.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. WTF papunta na siya rito?! How did she even know my home address?! Saka alas otso na ng gabi, nagawa pa niyang bumiyahe dito?
To: Camille
Leave this town. Sabi mo ayaw mo na akong makita sa paningin mo. Pag nawala ka, baka ako sisisihin mo.
I sent my reply to her, pero naka-receive na ako ng message na nasa kabilang barangay na siya mula sa amin. Napamura na lang ako sa pinaggagawa ng babae na ‘to.
I sighed before texting here the exact street where our house is located. Nagdadalawang-isip pa ako pero bahala na. Pwede ko na siya palasin bago siya sipain palabas ng teritoryo namin ng mga kapitbahay ko kapag nagkataong gagawa siya ng eskandalo tulad ng ginawa niya sa akin sa university.
Ilang minuto ang lumipas ay may dumaan na SUV sa harap ng gate namin at huminto. Nasa balkonahe ako sa second floor, kaya nakikita ko kung sino ang nasa labas. Naaninag ko naman ang babae na nakatayo na sa tapat ng gate at palinga-linga na halatang napapraning. Malamang, hindi niya kabisado ang lugar.
Bumaba ako at lumabas ng bahay. Sinalubong ko naman ang babaeng kanina pa naghahanap sa akin. Akala niya siguro pagbubuksan ko siya ng gate pero hindi ko ginawa at huminto lang sa tapat niya. “Anong kailangan mo dito?”
“Uhm, Valeri. I just want to apologize for what I did 2 days ago. Hindi ko talaga intensyon na ipahiya ka sa harap ng mga tao—“
“Gigi!”
Naputol ang pag-uusap namin ni Camille nang lumabas rin si Roel sa bahay. Nagulat rin siya na may babaeng nakatayo sa labas ng gate. “Ah, Gigi, sino siya?”
Bumulong ako sa kanya at sinabihan ko siya tungkol kay Camille. Tumango naman siya, at tumugon. “Di mo naman sinabi na maganda pala siya, sabi niya at biglang pinagbuksan ng gate si Camille na parang bang siya ang may-ari ng tinutulugan niyang bahay.
“Anong ginagawa mo?” sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
“Hayaan mo muna siyang manatili rito. Tignan mo gabi na, hahayaan mo lang ba siyang tumayo sa labas?” sabi pa niya at sumunod na lang ako.
“Salamat,” sabi pa ni Camille at sumunod sa amin papasok ng bahay.
“Ah actually, may dinala akong food sa car. Kukunin ko lang—“
“Tutulungan na kita,” singit naman ni Roel at nakita kong ang lagkit ng tingin niya kay Camille.
Eh ang isa naman, pakipot kay Roel. “Sige.”
Sa halip na tulungan sila ay nag-antay na lang sa sofa. Pagpasok nila, nanlaki ang paningin ko sa bitbit ni Roel sa pagbalik niya. Dalawang basket ng mga grocery items ang dala-dala niya kaya nagulat ako habang sinusundan ko ng tingin ang basket na dinala sa kusina.
Putek, ano ‘tong ginagawa ni Camille? Kinokonsensya ako?
BINABASA MO ANG
T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)
RomansaSa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa siyudad, isang panibagong hamon ang kahaharapin ni Valeri matapos magkrus ang kanyang landas at ang nag-iisang campus crush ng Cailer U. Hindi man naging madali ang kanilang simula, nagkapalagayan naman ng loo...