Chapter 5

108 2 0
                                    




Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko. Katatapos ko lang sa homework ko at sa mga assignment online. Mabuti nang maaga matapos sa lahat ng gawain kasya naman magpapanic na ako at magpupuyat mamaya.

It’s been a day since nakulong ako sa music room. Camille’s still not answering my calls. I’m kinda stressed thinking about my current situation. Habang tumatagal, mas dumadami na ang tinatago ko sa kanya. I was wishing to go back to the day she favored me to do it and refused instead, but I couldn’t.

Hanggang iniisip ko si Camille ay hindi ko rin ang makalimutan ang pagmumukha ng tarantado. Bakit ba kasi hinayaan ko ang sarili ko na ma-involve dito? Mas nagiging magulo na ang lahat.

Saktong pagbangon ko ay nag-vibrate ang phone ko. Akala ko si Camille pero unknown caller yung tumatawag. Hindi ko sinagot ang tawag pero nag-vibrate ulit at nakita ko ulit ang number. Sinagot ko na lang saka nagsalita. “Hello, sino po ‘to?”

“Buti naman sinagot mo, Valeri—“ sabi ng tumawag pero agad ko namang pinindot ang end call. Paano niya nakuha ang number ko?

Nag-vibrate na naman ang phone ko pero this time, isang message ang na-receive ko.

From: Unknown

Good morning, secret admirer. Tara gala tayo. Sagot ko.

What the f— is he inviting me for a date? Nababaliw na ba siya?

From: Unknown

Di ka rereply o ikakalat ko picture natin sa music room?

Putek, bina-blackmail pa talaga ako ha? Ang kapal ng mukha ng tarantado. Kaya nireply ko na agad.

To: Unknown

Gala ka nang mag-isa.


From: Unknown

Nasa labas na ako ng apartment building mo.

Nagulat ako sa nireply kaya agad akong dumungaw sa bintana ang labas ng building. Putek, nasa labas nga talaga siya kasama ang sasakyan niya.

Paano niya nalaman ang address ko? May mga schoolmate pa naman ako rito sa building. Baka mamaya magtaka kung bakit andito ang tarantado.

To: Unknown

Umalis ka na. Pagkakaguluhan ka lang dito sa loob. May mga taga-Cailer na nakatira dito.

Nakita ko namang na-receive niya ang message at nagt-type ulit siya saka palinga-linga na parang tanga.

From: Unknown

Lol kukunin ko jacket ko. Nasa ‘yo yun, remember?

Pagkatapos kong basahin ang message ay nakita kong papasok na siya ng building kaya agad kong dinial ang number niya pero hindi siya sumasagot. Mukhang may maninira na naman ng araw ko!

Buti na lang ay nalabhan ko yung jacket na pinahiram sa akin kahit hindi ko naman kailangan. Kaya, kinuha ko yun. Nagulat naman ako nang may kumakatok na sa pintuan ko. Putek.

Dali-dali akong lumapit sa pintuan saka dahan-dahang pinihit. Nakita kong nakatayo sa tapat ng pinto ang tarantado na naka-shades at sumbrero pa na parang bang artista—artistang tarantado.

Agad ko siyang hinila papasok ng apartment at sinara ang pinto. “Baliw ka ba ha? Pa’no kung may nakakita at nakilala sa’yo sa labas? Gumagawa ka lang ng gulo dito sa building at baka umabot pa ang pinagggagawa mo dito sa university. Hindi ka ba nag-iisip ha?”

“Chill, Valeri. See? Naka-disguise naman ako. Wala naman akong nakasalubong sa labas,” sabi pa niya sabay hubad ng shades niya at cap.

“How did you know my apartment, huh? You even have my phone number. Ano sa tingin ang ginagawa mo, ha?”


“I just want to know you—“

“No, you just got my personal information without my consent. My complete name, my address, my phone number. Are you stalking me?”

“I’m not.”

“Then why do you know about me?”

He sighed then walked towards me. Napaatras naman ako nang kaunti habang palapit nang palapit siya sa 'kin hanggang nasandal ko na ang pader na katapat ng pinto. Huminto naman siya sa paglapit pero nanatili ang mga titig niya sa akin.

“Before I could explain, can you please wear something?” sabi niya at tinignan ang baba ko.

Saka ko lang na-realize na naka-boxers lang pala ako, kaya naman tumakbo ako papunta sa CR at naghanap ng maisusuot ko. Putek, nakakahiya.

Paglabas ko ay nadatnan ko siyang nangingialam na naman ng gamit. Sobrang kati nga siguro ng mga kamay nito. Dumiretso ako sa sofa sa sala at sinamaan siya ng tingin sabay upo. “Then explain.”

“Oh, nakabihis ka na pala. ‘Di mo pala sinabi na sexy ka rin pala,” nakangisi niyang sabi na mas lalong nagpainis sa akin.

“Ang daming satsat. Umupo ka at sabihin mo na kung bakit natunton mo ako rito.”

Sinunod naman niya ang sinabi ko. “Okay.”

“Do you remember no’ng nahuli kita sa tapat ng locker ko? May nakita akong ID na nahulog sa stairs at ikaw lang ang huli kong nakitang umakyat kaya sinundan kita. Sakto, nahuli kitang naglalagay ng chocolate bar sa ibabaw ng locker ko. I was about to give it back to you pero tumakbo ka na lang bigla,” he explained.

“That’s the reason why you got my personal information and you gave my ID to the guard the next day?” I asked and he nodded.

“Anyways, bukod sa kukunin ko na ang jacket ko, yayayain ko sana kitang gumala,” sabi niya.

“At sa lahat ng yayayain mo, bakit ako pa?”

“Because I want to spend time with long-time secret admirer,” sabi pa niya na ikinainis ko na naman.

“And if I say no, ano naman ang gagawin mo? Ibablackmail ako? Tsk, asa ka pa—“

Ipinakita niya sa akin ang screen ng phone niya na may nakaattach na isang picture ko at isang click na lang ay mapo-post, na may caption na 'secret admirer ko'.

Sa sobrang inis ko ay sinubukan kong kunin ang phone niya pero nilayo niya sa akin ‘to. “Ibigay mo sa ‘kin ‘yan! Tarantado ka ha!”

“Samahan mo na kasi akong gumala. Bored kasi ako ngayon eh tapos hindi available lahat ng friends ko. Promise, ‘di ko ‘to ipopost ‘pag sumama ka. Sagot ko naman lahat eh,” sabi pa niya habang nilalayo ang phone sa akin.

"Sino ka ba para samahan kita? We're not even friends."

"Is that how you respect your senior?"

Lah, grabe siya. Porket senior siya, gagantuhin nya ako sa mismo kong apartment?

Pero, sikat siya sa school. Kung may ipagkalat siya tungkol sa akin, paniguradong madali lang siyang paniwalaan ng mga tao. Naku naman, wala pa akong isang buwan dito sa city.

“Fine. Sasama ako sa’yo, but here’s the deal,” sabi ko. “After this, lalayuan mo na ako para tumahimik na ang buhay ko. Deal?”

“Deal,” he smiled.

Sana nga lubayan niya ako pagkatapos nito.

T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon