Chapter 12

66 2 0
                                    





Kaharap ko ngayon ang sarili sa salamin. Halos hindi ko na makilala kung sino ang nakikita ko. Camille is very good with hair and makeup stuffs. She even chose what I should wear for the party. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sumulpot ako sa harap ng mga tao.

“Alam mo, kung hindi ko nakilala si Fred, baka sa’yo ako obsess ngayon. You have looks, Valeri Grietto Sales,” sabi niya at napatawa na lang ako.

After that chitchat, we decided to prepare ourselves already. Isang oras na lang, magsisimula na ang party. Inayos ko ang suot ko for the last minute then went outside the room with Camille.

Nag-aantay na sa amin ang maghahatid sa amin, si Roel. “Good evening, your majesty!”

“Majesty mukha mo, Halika na, baka ma-late pa kami,” sabi ko at pumasok na kami sa kotse.

Nasa front seat ang dalawa habang mag-isa naman ako sa likod. Makakapagmuni-muni pa ako habang hindi ko pa natatanaw ang university kung saan gaganapin ang Acquaintance Party.

Sabihan naman ako ni Camille kanina na kapag may mangyaring masama, agad kaming lalayas sa party. The issue between me and Fred is still fresh in the campus, kaya iiwasan namin ang gulo sa much as possible. I just hope everything will be fine there.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa university at pumasok sa gate. Mas lumakas ang kabang nararamdaman ko, kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.  Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kotse.

Magiging partner ko muna raw si Camille sa red carpet. Expected na maagaw ang atensyon sa amin sa pagpasok namin dahil nakagawa kami ng eskandalo no’ng nakaraang araw. This is it.

Natatanaw na namin ni Camille ang gym kung saan gaganapin ang party. Natatanaw na rin namin na marami nang attendees sa loob ng venue.

Kumapit muna si Camille sa braso ko bago kami tuluyang pumasok sa gym. Naglakad kami sa red carpet at kasabay no’n ang mga matang nakatingin sa amin—I mean sa akin.

“Di ba yung rumored boyfriend ni Fred?”

“OMG sila yung nag-away no’ng nakaraang araw!”

“Is that the faggot? Gosh.”

Tinapik naman ni Camille ang braso ko at pasimpleng bumulong. “Don’t mind those bitchesas,” sabi niya nagpakalma sa akin nang konti.

Saktong nagsalita na ang emcee sa stage kaya natuon sa kanya ang atensyon ng lahat mula sa akin. Nakatakas ako saglit pero paniguradong pinag-uusapan na ako ngayon ng ibang nandito.

Pasimple naman akong nagpalinga-linga sa paligid ko. May mga nakatingin pa rin sa akin dito sa kinatatayuan ko.

Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na namalayang nagsasayaw na pala ang mga attendee at nagpatugtog na ng slow music. Parang akong timang sa gitna ng spotlight na nakatayo pa rin at hindi ko alam kung paano makalabas dito sa gitna.

Si Camille na kasama ko lang kanina ay nawala naman sa paningin, hanggang sa nakita ko siyang may kasayaw na si Roel.

Putek, paano nakapasok ang lalaking iyon dit—

“Hey,” rinig kong sabi ng isang tao sa likuran ko na agad kong hinarap. “Valeri? Is that really you?”

Hindi ko alam anong sasabihin ko. We’re both wearing the same color of suit. What a coincidence. I just stared at him for a moment until he offered his hand. “Would like to dance?”

Music is still playing while he’s waiting for me to answer. It’s my first time to be asked to dance by a guy in the middle of the dance floor. I’m used to asking a girl to dance with me but tonight’s different.

Nakita ko na lang ang sarili ko na hawak na ang kamay saka ko ipinatong sa mga balikat niya habang ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko.

Natawa na lang ako bahagya na ikinatawa rin niya. “Why? What’s wrong?” he asked.

“It feels weird na imbitahan ng isang lalaki para sumayaw. I’m used to dance with girls,” I said.

“I also feel the same way. It’s weird but I like this feeling.”

I saw him smiling, like he’s enjoying the moment under the spotlight shining at us. I smiled back while we danced on the floor like there’s no one watching at us, but I thought I’d be enjoying the rest of the moment with him.

Napahinto ako sa pagsayaw, pati rin siya. Umatras ako at dahan-dahang umalis sa gitna ng spotlight. Nagsipaglingon naman sa akin ang mga taong nadaanan ko. Ang mahalaga ay makalabas ako sa venue.

Nakarinig naman ako na may sumisigaw sa pangalan ko nang makarating ako sa mini garden malapit sa labas ng gym. Huminto ako at hinarap muli ang taong nakasayaw ko kanina sa party.

“Wait, sa’n ka pupunta? Iiwan mo na lang ba ako do’n nang walang paalam katulad no’ng ginawa mo no’ng nakaraang araw?” tanong niya.

“It’s not like that. Sadyang hindi ko kayang tiisin pa yung lahat ng tingin nila sa akin, and so I left, but thank you for making this wonderful. I really don’t know what will happen after that incident.”

Lumapit naman siya sa akin habang nakatitig pa rin kami sa isa’t isa. He grabbed something behind him and showed a piece of red rose. “Siguro naman alam mo na kung sino ang nagbigay sa’yo nito the last time you entered the gate."

“Why do you have to do that? When in the first place, hindi naman talaga ako nagbibigay rin sa’yo ng chocolates sa locker mo?”

He giggled before he spoke again. “I already knew it’s Camille, matagal na. High school pa lang kami, nagpapansin na ‘yon. Hindi na ako nagtaka pa nang sinundan niya ako dito sa university. She’s not really my type pero hinayaan ko pa rin siyang maglagay ng chocolate sa locker ko. Naghahanap lang talaga ako ng magandang tyempo para sabihin na hindi ako interesado sa kanya.”

I just nodded after hearing what he said. Nabigla naman ako sa sunod na tinanong niya sa akin nang hinawakan niya ang mga kamay ko.

“Valeri Grietto Sales, will you be my boyfriend?”

No’ng una, naguguluhan ako sa isasagot sa tanong niya pero matapos ng ilang segundo ay naihanda ko na ang dapat kong sabihin kay Fred.

“After those things that happened between us, I had so many realizations that came up in my mind while spending my time alone. I discovered so many things while I was struggling to face those issues which involved me and you. I have to admit that I have feelings for you, Fred, in just a short period of time, but do I really need to rush things?”

I saw how Fred’s expression slowly faded from hearing my words but I continued.  “Look, I really admire you because of your looks and your personality, but I think I don’t deserve someone like you, Fred. You deserve someone else who’s destined to be yours and that’s not me—”

“But I love you, Valeri... You deserve me.”

"Then prove to me that I really deserve you, Frederick Arcilla. Hindi ako tulad ng mga babaeng nakukuha mo lang sa isang tingin. If you really wanted to be mine, then do everything to make me yours."

T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon