Chapter 20

73 3 0
                                    





Isang taon ang lumipas. I started New Year without him again.

Simula noong hindi na nagpakita sa akin si Fred. Kahit social media accounts, wala. Hindi ko na nahagilap pa.

Hindi ibig sabihin na nawalan na ako ng pag-asa. Naniniwala naman ako na babalik siya at susulpot sa harap ko, na parang bang walang nangyari. Kay tagal ko na 'yong inaantay na mangyari. Kay tagal na.

Nasa Cailer pa rin ako. Camille's still my friend, yun nga lang busy rin siya sa lovelife niya with Roel. Naging malungkot rin sila sa pagkawala ni Fred. I mean, he just transfered into a new university sa US, sabi ni Camille na nakuha niya sa mga friends ni Fred.

Yun nga lang, they won't tell us kung saan. Their parents have connection with the Arcilla, kaya lagot rin sila pag ipinagkalat nila. Sinubukan ko pero ayaw talaga nila.

May mga araw na sinusubukan kong bitawan na lang ang lahat, pero bumabalik pa rin ang pag-asa ko na magkikita ulit kami. Hindi ngayon pero siguro sa susunod pa na mga araw. Nararamdaman ko 'yon.

Habang abala ako sa activities ko ay may natanggap akong message galing sa unknown  number. Isang complete address ang sinend ng number at mukhang hindi sa Pilipinas dahil may nakalagay New York.

I tried calling the number pero hindi ko na makontak. Nagtataka ako, baka nawrong send  lang pero iniisip ko, baka doon ko matagpuan si Fred.

Simula no'n, gabi-gabi ako binabagabag ng message na 'yon. Ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa kinabukasan, may event sa campus. Wala akong ganang sumali sa mga ganap kaya nagpasya na lamang akong umuwi pagkatapos ng attendance.

Pauwi na ako nang may humintong puting van sa harap ko at bigla akong hinila papasok sa sasakyan.

"Ahh tulo—"

"Shhh! Wag kang maingay! Ikaw na nga tinutulungan namin!"

Narinig ko ang boses ni Camille at narealize kong kilala ko ang humila sa akin sa Van. "Jameson?"

"Camille? Roel? Ano ginagawa nyo? Bakit nyo ba akon kinikidnap?!"

"Valeri, ang slow mo! Ipapadala ka na namin sa States! Hanapin mo si Frederick Arcilla! Binigyan ka nga ng address, hindi pa umalis!" inis niyang sabi sa front seat.

"Ha? Ngayon? Agad-agad?!"

"Andyan na maleta mo sa likod. Magbihis ka na. Don't tell me 'yan pa rin isusuot mo hanggang airport?" sabi ni Jameson at binigyan ng isang shirt.

Nang naghubad ako upang magbihis, narinig ko namang sumipol ang friend ni Fred. "Kaya pala baliw na baliw ang kaibigan namin sa'yo, bet nya rin pala isang hottie katulad niya."

Kakabihis ko lang ay nasa tapat na kami ng airport. May inabot naman si Camille sa akin. "Oh ticket mo. Tsaka passport mo—"

"Teka, ba't nasa sa'yo ang passport ko?"

"Valeri! Malapit na oras ng flight mo! Magmadali ka na!"

Nagmadali akong lumabas ng van at ibinigay nila sa akin ang maleta na dadalhin ko sa biyahe. I waved at them habang tinataboy nila ako upang makapasok na sa airport.

Tinignan ko ang oras ng flight ko sa ticket at nakita kong 8:45pm yung nakalagay. Sa relo ko naman, 8:40pm na. "Putek!"

Nagmadali ako hanggang sa nahanap ko ang eroplanong sasakyan papuntang New York. "Putek, hindi pa ako nakakapunta doon, baka mawala pa ako," sabi ko sa sarili ko.

Nakapasok na ako at akay-akay ang dala kong bagahe. Hindi ko pa naman alam kung anong laman nito pero sana hindi naman illegal drugs no.

Nahanap ko ang seat ko at saktong window seat pa. May nakausap naman akong babae na katabi ko lang na kasabay ko papuntang NY. Halos matanda siya kaunti sa akin at buti na lang medyo friendly, kaya nagawa kong magtanong kung saan makikita ang lugar ng address na ibinigay nila sa akin. Sabi pa niya, pwede niya raw akong samahan papunta doon dahil may friend din naman siya kikitain sa same place. Buti na lang talaga.

T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon