Chapter Two
Maaga akong nagising dahil sabado ngayon at tuwing weekend lang ako nakaka pag exercise.
Pag ka baba ko sa baba ay wala pang tao dahil malamang ay tulog pa si yaya chadeng.
5:30 am pa lang at medyo madilim pa sa labas.
"Gutchi come here" pag tawag ko sa alaga kong aso.
Si gutchi lagi ang kasama ko sa pag ja jogging tuwing weekends. ito na din ang bonding naming dalawa.
Nag simula na akong tumakbo kasama si gutchi at paikot ikot lang kami sa aming lugar.
Tumigil lang ako sa pag takbo para buhatin si gutchi dahil nag simula na itong bumagal sa lag lalakad.
Napag desisyunan ko na lang na mag punta sa park kung saan ako laging nakatambay.
May mga tao na din dito at iginagal din ang kanilang mga alagang aso medyo maliwanag na din dahil 6:00 am na.
Pinakawalan ko na si gutchi at hinayaang mag ikot ikot habang ako naman ay naupo sa isang bench.
Umiinom ako ng tubig ng biglang may lumapit sakin na cute na aso, agad kong ibinaba ang bottled water ko at kinuha ang aso.
"Hello" bati ko dito habang hinihimas himas ang kanyang ulo.
"Bakit mag isa ka? where's your amo ba?" tanong ko pa dito at natawa naman ako ng dilaan nito ang kamay ko.
"Sashi!"
Napa angat ako ng tingin ng may tumawag sa aso at ang aso naman ay nag mamadaling bumaba sakin.
"Come here" utos pa nito at napa salubong na lang ang kilay ko ng muling ma mukhaan ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Uy hello hmmm jewel" bati pa nito.
"Hi" pekeng bati ko at pinaswitan ang aso ko na malayo na ang nararating.
"Gutchi come here!" sigaw ko at agad naman itong lumapit sakin kaya binuhat ko na.
"Uy may aso ka din pala, mahilig kaba sa aso?" tanong ng buang na lalaki kaya hinarap ko ito at tinaasan ng kilay.
"Hindi to aso, pusa talaga to, hindi din ako mahilig sa aso, sa pusa ako mahilig" pamimilosopo ko pa.
"Pffft... Umagang umaga ang taray mo naman bahala ka nakaka bawas ng kagandahan yan" sabi nito kaya hindi ko maiwasang mapa irap dito.
"I don't care" pag tataray ko.
Hindi ito sumagot at naupo pa sa tabi ko agad naman itong inangilan ni gutchi.
"Good dog" sabi ko sa aso ko at tinap pa ang head nito.
"Luh pati aso mo mataray. Mana sa amo buti na lang so sashi good girl lang parang ako behave lang" salita nito at hinarot ang kanyang aso kaya napa buga na lang ako ng hangin.
"Galit talaga ang aso ko sa mga mahahanging tao" wika ko at pinunsan ang aking pawis.
"Napansin ko lang lagi kang nandito" sambit nito kaya napalingon ako dito.
"Oo. ikaw ngayon lang kita nakita dito" i said.
"Lagi akong nandito hindi mo lang talaga ako napapansin dahil busy ka sa pag babasa ng kung anong libro" wika nito bago ako kindatan kaya napangiwi na lang ako.
"Alam mo ang feeling close mo" nasabi ko na lang. "Edi makiki pag close ako sayo para hindi na ako feeling close" balik sagot nito.
"Ayokong maki pag close sa mga abnormal" honest na sagot ko dito.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
RandomAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...