Chapter One
"Alam mo jewel naiinis talaga ako sa demonyitang sachi na yon"
"Don't mind her" simpleng tugon ko.
"Eh nilalandi nya kasi si rex sinong hindi mabi bwiset doon? alam ng may girlfriend na yung tao nilalandi pa din" nakabusangot nitong reklamo.
"Kung hindi mo na sana sinagot si rexer edi sana hindi ka nakukunsume ngayon" i said
"Hello sinong pabebe ang tatanggi kay rexer? At saka ano kaba alam mo naman na matagal na akong may gusto sa kanya" kwento nito kaya napatingala ako sa maaliwalas na langit.
Andito kami ngayon sa park, Dito lagi ang tambayan namin dahil na din sa nakasanayan na.
Tumatambay ako dito kahit ako lang na mag isa. Ang pamilya ko naman ay nasa state at doon naninirahan.
Nag pumilit lang talaga ako na dito maka pag aral. Nasa kolehiyo na din kami at nakaya ko namang mamuhay ng walang magulang sa aking tabi.
"Ikaw bakit hindi kapa nag jo jowa? Madami naman ang nag kakagusto sayo" maya maya'y sabi nito kaya mabilis akong umiling dito.
"Hindi pa ako ready na masaktan" naka ngiting sambit ko.
"Sus sa pag ibig kasama talaga ang sakit hindi puro sarap lang, kung puro sarap lang yan hindi pag ibig ang tawag dyan" pasalungat pa nito kaya napanguso ako.
"Edi ikaw na ang madaming alam basta ayoko pa hindi ko pa nahahanap" tugon ko at muling lumanghap ng sariwang hangin.
Sa lumipas na taon ay tanging si yaya chadeng lang ang nakasama ko parang sya na din ang tumayong magulang ko.
Umuuwi lang sila daddy kapag may okasyon or kahit ano, hindi din sila nag tatagal dito sa pilipinas dahil na din sa kalagayan ni josh ang nakababatang kapatid ko.
Si sanya ay matagal ko na din na kaibigan dito sa pinas at masaya akong kaibigan sya, same vibes but not same goals.
"Wait lang ha bili lang ako ng ice cream" paalam nito kaya tumango na lang ako.
Nag simula akong ilibot ang paningin ko sa malawak na parke pero napalingon ako sa gilid ko ng may kumalabit sakin.
"Oh bakit ang—" napa hinto ako dahil akala ko ay si sanya ang kumalabit sa akin pero hindi pala.
"Hi miss" bati nito, mag tataray sana ako kaya lang ay sobrang amo ng mukha nito.
"Hello" sagot ko. "Elijah" pakilala nito kaya inabot ko na ang kamay dahil baka mapahiya pa ito.
"Hmm Jewel" sagot ko din. "Ah so hmm jewel pala ang pangalan mo" tumatango tangong sambit nito kaya agad kong nabawi ang kamay ko at inis na inirapan ito.
"Im jewel" pag lilinaw ko at peke itong nginitian. "Ah hello nice to meet you Im jewel" bati na naman nito kaya inis na akong napatayo.
"Ginagago mo ba ako?! Ang sabi ko ako si jewel!" gigil na sabi ko at dinuro duro pa ang kanyang dibdib.
"Easy lady im just kidding" he said then chuckled na mas lalo pang nag pa init ng ulo ko.
"Ang panget mong mag biro! kasing panget ng buhok mo" sabi ko bago padabog na kunin ang bag ko at lumipat ng bench pero sinundan naman ako nito.
"Uy eto naman hindi mabiro, sorry na seryoso na talaga" hinging paumanhin nito at nag peace sign pa.
Napatitig ako sa maamo nyang mukha, makapal na kilay, matangos na ilong, mamula mulang labi, makinis na mukha.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
DiversosAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...