Chapter Three
Umagang umaga at nagising ako sa pag tawag sakin ni yaya kaya nag hilamos muna ako bago bumaba sa baba.
"Jewel bumaba kana riyan tanghali na" sigaw na naman nito mula sa baba kaya nag madali na akong bumaba.
"Yaya ang aga aga pa wala namang pasok ngayon dahil holiday!" sigaw ko ng nasa huling palapag nako ng hagdan.
"Abay kahit na may bisita ka kaya halika na dito" sabi nito mula sa kusina kaya kunot noo akong pumasok sa kusina.
Wala naman akong inaasahan ngayong bisita. Si sanya lang naman ang laging pumupunta dito at hindi din sya nag sabing pupunta sya dito ngayon.
Sapag kakaalam ko ay may family trip sila kaya alam kong hindi sya makakapunta ngayon dito.
"Sino ba y–"
"What the hell?!" naisigaw ko ng mabungaran ang lalaking prenteng nakasandal sa upuan at nakangiting tumingin sakin.
"Anong ginagawa mo dito?! Diba sabi kong wag ka ng bumalik?" Asar na sabi ko pa.
"Good morning jewel" pag bati nito sakin na agad ko namang ikinairap.
"Walang maganda sa morning kung ikaw ang bubungad!" pag tataray ko at kita ko naman ang nananaway na tingin sakin ni yaya kaya napasimangot na lang ako.
"Asikasuhin mo ang bisita mk jewel" utos nito kaya agad na nag salubong ang mga kilay ko.
"Hindi ko yan bisita yaya bwisita yan! Ni hindi ko nga kilala ang lalaking iyan" sagot ko pa.
"Ay kahit ano mo pa yan bisita pa din yan" sagot din nito kaya napairap na lang ako kay elijah na kanina pang naka ngisi.
Lumabas si yaya ng kusina at hindi ko alam kung saan ang punta nya kaya padabog akong naupo sa harap ni elijah.
"Ano masaya ka ng nasira mo na naman ang umaga ko?!" tanong ko dito.
"Hindi" tipid nitong sagot at nagulat na lang ako ng mag labas ito ng flower kaya nag salubong na naman ang aking kilay.
"Ano yan?!" inis na tanong ko pa.
"Malamang bulaklak" pabalang na sagot nito na ikinainit ng ulo ko.
"Hindi pa ako patay para alayan mo ng bulaklak" pamimilosopo ko din bago tumayo.
"Jewel san ka punta?" habol nito kaya nag deretso ako sa garden dahil gusto kong maka langhap man lang ng sariwang hangin dahil feeling ko ay matutuyuan nako ng dugo kay elijah.
"Bakit ba kasi ang kulit kulit mo?!" tanong ko ng maka upo, tumabi naman ito sakin at muling inablt ang bulaklak kaya tinanggap ko na lang at inilagay sa vase na nasa table.
"Pogi ako hindi makulit" he said kaya napahinga na lang ako ng malalim.
"Bakit ka na naman nandito? Bakit kinukulit mo pa rin ako?" tanong ko na ikinangiti naman nito.
"Well gusto ko lang naman makipag kaibigan" sabi nito kaya napataas ang aking kilay.
"Weh? kaibigan lang ba talaga ang pakay mo sakin?" taas kilay na tanong ko. Agad naman itong tumawa.
"Hmm edi kung may pag kakataong mag level up gagawin ko" sagot pa nito.
"Oh sya sige payag nakong makipag kaibigan ka sakin tumigil ka lang sa pangungulit mo dahil nakakasira ka ng araw" imbyernang saad ko.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
РазноеAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...