Chapter 11
Ilang araw ang lumipas at sa mga araw na yon ay lagi kong nakakasama si elijah kaya mas lalo ko itong nakilala.
"Happy Birthday self!" i shouted pagkabukas ko pa lang ng kurtina sa aking kwarto.
Today is Saturday and birthday ko din kahapon ay nag shopping kami ni sanya dahil ang kulit kulit nya.
Ginawa ko muna ang morning routine ko bago ako bumaba at nakita ko kaagad si yaya.
"Happy Birthday jewel" Bati nito sakin kaya agad akong ngumiti dito.
"Anong gusto mong lutuin ko ngayon?" Tanong nito kaya napa isip ako.
"Kahit ano na lang yaya basta pagkain" Natatawang sagot ko bago buksan ang tv.
"Tumawag na ba sayo ang mommy mo?" Tanong nito kaya agad akong umiling.
"Baka busy pa sya sa pag babantay kay josh yaya i understand naman" i said bago muling ibalik sa tv ang paningin.
Nang ma boring sa kakapanood ng tv ay muli akong umakyat sa taas at nag bukas ng social media, Bumungad sakin ang sari sari nilang mga pag bati.
Tawa ako ng tawa dahil sa mga itinag sakin ng mga pinsan at ng mga tita ko. im expecting na din naman na puro mga epic picture and throwback pictures ko ang bubungad sakin ngayon.
Nag pasalamat muna ako sa kanila bago ko i check ang instagram ko, Napasimagot ako ng makitang hindi naka online si elijah.
Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na birthday ko today at balak ko ngang i invite sya mamaya.
Mag o-off na sana ako ng biglang tumawag sakin si sanya kaya sinagot ko na ito.
[HAPPY BIRTHDAY JEWEL!] Malakas na sigaw nito sa video call kaya napa ngiwi na lang ako, Pati ba naman dito ay maingay pa din sya?
"Thank you pero pwede namang bumati ng hindi sumisigaw" i said kaya nag flip hair naman ito.
[Gusto kong bumati ng pasigaw ano ka ba? parang hindi ka na sanay sakin ah] sagot nito.
"Sa sobrang sanay ko na nga sayo nabibingi na ko e" i said kaya napa nguso ito.
[Tse by the way pwede mo ba kong samahan later? May bibilhin lang ako sa mall] she said kaya napataas ang kilay ko.
"Bruha ka bakit hindi mo ba binili kahapon? Nandoon na tayo naikot na natin ang buong mall dahil sayo" naka simangot kong sagot kaya natawa naman ito.
[Sorry na nawala sa isip ko eh, Samahan mo na ko please?] Pag mamakaawa pa nito at nag pa cute pa sa camera.
"Okay, Fine" pag suko ko dahil wala din naman akong lakad ngayon at balak ko lang talaga ay mag pahinga ngayong araw.
[Papunta na ko jan bye] she said kaya napatango na lang ako bago mag paalam.
Kumain lang ako ng umagahan bago makipag laro kay gutchi, Nag lakad lakad din muna kami at tumambay sa park at ng mapagod ay muli akong bumalik sa bahay at sakto namang kadarating lang din ni sanya.
"Hello baby gutchi" sabi nito at binuhat ang aso ko.
"Nag umagahan kana ba?" i asked ng makapasok kami sa loob ng bahay.
"Yes, Medyo natagalan lang ako papunta dito kase inipit kami ng traffic my gosh" Pag ke kwento nito.
"Anong oras nga pala tayo aalis?" tanong ko ng makaakyat kami sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
AcakAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...