DISCLAIMER:
This is work of FICTION
Names, Characters, Places, and Events are Fictitious, Unless otherwise stated.
Any Resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All right reserved. No part of this story may be Reproduced, Distributed, or Transmitted in any form or by any means without the prior permission of the Author.
PLAGIARISM IS A CRIME!
This story contains a mature contents
so please read at your own risk.PROLOGUE
"Ready na ba kayo?" tanong sa amin ng aming manager.
Sya si manager xyra, at ito din ang una naming performance sa pilipinas dahil kadalasan ay nasa mga iba't ibang bansa kami.
"Syempre naman kami pa ba?" maangas na sagot ni wyne.
Sobrang ingay na sa labas at alam kong marami talagang nag hihintay sa amin, Kami lang naman ang sikat na banda sa ibang bansa na first time na tutugtog dito sa pilipinas.
we are born victims, iyan ang ipinangalan sa aming banda na paunti unti din na sumikat.
Hindi ko din inasahan na mapapabilang ako sa isang banda dahil ng mga panahong durog ako ay dito ko ibinuhos ang buong oras ko para panandaliang makalimutan ang sakit ng kahapon.
"Labas na kayo jan kanina pa nag hihintay nang mga fans ninyo at saka isa pa may special guest daw tayo tonight" salita ni manager Xy kaya nag si tayuan na din kami at kinuha ang mga instruments nila.
"Kinakabahan ka ba?" tanong sa akin ni zack kaya tipid akong ngumiti dito bago ibalik ang paningin sa daan.
"Medyo" sagot ko. ako ang mag iisang babae sa aming banda at ako rin ang lead singer nila.
si zack ang guitar, si wyne naman ay sa drum, si damian naman ay sa piano at electric guitar naman ang kay ynno.
Lahat kami sa banda ay sanay kumanta sanay din akong mag play ng ilan sa mga instruments.
nakarating na kami sa backstage at hinihintay na lang ang pagtawag sa aming grupo.
Napalingon ako sa matangkad na lalaki na paparating at may kasamang iilang mga babae.
Napatulala na lang ako ng mag tama ang aming mga mata at parang nanlamig ako sa lamig ng kanyang titig.
"Hey guys sya ang special guest dito kilala nyo naman na siguro sya." salita ng babaeng kasama nito pero ako ay nanatiling tulala sa lalaking blangko ang ekspresyon ng mukha.
"Im sorry hindi ko pa sya kilala" salita ni zack kaya napalingon dito ang lalaki.
"Oh let me introduce my self to you, Im Elijah Miguel Navarro" salita nito sabay baling sakin ng tingin.
"And you hindi ko na kailangang mag pakilala pa sayo dahil alam ko naman na kilalang kilala mo na ko" huling sabi nito bago umalis sa backstage.
"Huy kilala mo yon?" tanong sakin ni zack habang naka akbay sakin at isinasabay ako sa pag lalakad para makalabas na ng backstage.
"O–oo" utal na sambit ko tila na blangko at at hindi alam ang gagawin.
Bakit nga ba hindi ko naisip na pwede kaming magkita dito? Sikat na sya at sikat din ang aming banda hindi malayong magkita nga kami.
"Okay ka lang ba? kakanta na tayo" tanong ni zack kaya tumango na lang ako at inabot ang hawak nitong mic.
Nang tawagin na ang aming grupo ay doon na kami tuluyang lumabas at bumungad sakin ang maingay na mga tao at mga nag ki kislapang camera.
napatakip tuloy ako sa aking mata.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
De TodoAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...