Chapter 16
"Good morning" bulong ni elijah at yumakap mula sa aking likod kaya agad akong natawa.
"hmm" ungot nito siguro ay nagtataka kung bakit ako natatawa.
"Hapon na elijah, ni hindi kana nga naka kain ng tanghalian dahil ayaw mong bumangon kanina" sagot ko at itinigil ang pag gugupit ng mga colored paper.
"Wala akong gana" tugon nito at ramdam ko pa ang pag nguso nito kaya hinarap ko na sya at inayos ang magulong buhok.
"You need to eat. Paano kang gagaling nyan?" tanong ko rito pero imbis na sumagot ay isinubsob lamang nito ang kanyang mukha sa aking leeg. Bahagya akong natigilan dahil sa naging kilos nito.
"I-initin ko lang yung food mo" Utal na paalam ko bago kumalas mula sa pagkakayakap.
Hindi naman na ito umangal pa kaya mabilis akong nakababa at ininit ang kanyang pagkain.
pagbalik ko sa kwarto ay natanaw ko itong nagbabasa ng libro sa balcony kaya doon na ko dumeretso dala-dala ang pagkaing ihinanda ko kanina pa.
"Hey, kain ka muna" salita ko ng mailapag sa table ang mga pagkain.
Agad din naman nitong inilapag ang librong binabasa at nagsimula ng kumain.Naupo ako sa kaharap nitong upuan at ipinatong ang aking mukha sa aking mga palad para mas lalong mapagmasdan ito.
"What are you looking at?" kunot noong tanong nito kaya nakangiti akong umiling-iling.
"Wala, Napansin ko lang na mas pogi ka pala pag may sakit" pagbibiro ko.
"At mas maganda naman kung bigyan mo na lang ako ng kiss" tugon nito.
"Walang kiss hanggang hindi ka gumagaling" pagtataray ko kaya napa ismid naman itong ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.
"Psh, alam ko namang hindi ka makakatiis sa kagwapuhan ko" Nakangisi nitong bulong habang ang paningin ay nasa kanyang pagkain.
"Let see" paghahamon ko bago sya abutan ng gamot na agad na pinukulan nya ng masamang tingin.
"I really hate capsules" salubong ang kilay nitong sambit pero kinuha pa din nya ang gamot na inaabot ko at deretso itong ininom kasabay ng isang basong tubig.
"Kailangan mo yan para gumaling ka" saad ko at lumapit sa kanya at ipinatong ang isang palad ko sa kanyang leeg para masuri kung bumaba ba ang kanyang lagnat.
"hmm, Medyo bumaba na ang lagnat mo. Mag pahinga ka lang at wag kang kumilos ng kumilos, baka mabinat ka" mahabang paliwanag ko bago kuhanin ang mga pinagkainan nito.
"Salamat, jewel" Nakangiting pasalamat nito kaya tumango na lang ako bago ko sya iwanan sa balcony.
Paglabas ko ng aking kwarto ay nakasalubong ko si manang kaya kinuha na nito sakin ang mga dala ko kaya muli akong bumalik sa aking kwarto at naisipang maligo.
Saktong natapat ako sa sink at nakita ko sa salamin ang aking sariling repleksyon, nakita ko kung paanong tumulo ang dugo mula sa aking ilong kaya agad akong yumuko at nag hilamos ng mukha.
"Summer na talaga" i whispered, Siguro kaya nag dugo ang ilong ko ay dahil sa init.
Binuksan ko ang cabinet na malapit sa sink at kumuha ng tissue para ipamunas sa aking ilong. Matapos noon ay pumasok na ko sa shower para maligo.
Naalala ko na naman ang kapatid ko ng matamaan ko ito ng bola sa kanyang ilong sanhi ng pagdurugo ng ilong nya.
Sobra ang kabang naramdaman ko noon dahil ayaw pang tumigil ng padudugo sa kanyang ilong akala ko pa noon ay kailangang palitan ang ilong nito dahil naisip kong baka may nabaling buto pero ng tignan ito ng doctor ay agad akong nakahinga ng maluwag ng sabihing maayos naman daw ito.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
AcakAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...