Chapter 13
2 weeks had passed simula ng maging kami ni elijah and sa mga nag daang araw na yon ay nagiging magaan lahat ng araw ko.
Sya na ang hatid sundo ko sa araw araw. Hindi ko pa nga din nasasabi kay sanya ang tungkol samin ni Elijah dahil alam ko naman na magiging OA na naman ang bruhang yon.
"Alam mo nakakairita talaga ang matandang prof na yon!" inis na reklamo sakin ni sanya.
"Hayaan mo na intindihin mo na lang matanda na eh" sagot ko habang naglalakad kami papunta sa gym dahil may P.E kami ngayon.
"Eh kamusta na nga pala kayo ni elijah?" tanong nito kaya agad akong napatigil sa pag lalakad kaya napatigil din sya.
"E–h a–ano kase" utal na sambit ko bago mag iwas ng tingin, sabihin ko na ba sa kanya? kung mas lalo ko pang patatagalin ay baka mas lalo itong mag tampo sakin.
"Ano yon?" taas kilay nitong tanong habang pinagmamasdan ako.
"Kami na" i said at ilang segundo ang naging katahimikan sa amin bago ito naka pag react.
"Ano nga ulit yon? hindi ko masyadong narinig paki-ulit" sabi nito kaya napasimangot na lang ako.
"Ang sabi ko kami na" pag uulit ko kaya muli itong natulala saglit bago ako nakatanggap ng hampas.
"Kelan pa?!" sigaw na tanong nito kaya agad kong natakpan ang bibig nito.
"Ms.Cruz and Ms.Alquiros hindi oras ng kwentuhan ngayon!" sigaw sa amin ng prof kaya agad kaming napalakad at mabilis na pumasok ng gym.
"Kasalanan mo yan eh ang ingay ingay kase!" paninisi ko kay sanya bago kami mag kahiwalay sa pila.
By surname kasi ang pila namin at hindi naman kami gaanong magkalayo ni sanya.
Hindi na ko nito sinagot at inirapan na lang.
Maya-maya lang ay nag umpisa na ang warm up namin.
Pinatakbo pa kami isa-isa, ito ang ayoko sa P.E namin ang pag takbo like duh pinapagod lang nila kami.
Matapos ang warm up ay doon na kami nag simula, habang nag e exercise kami ay may sinasagutan din kami sa papel.
Ilang minuto pa bago kami matapos doon bago kami pinabalik sa room.
Dumeretso naman kami ni sanya sa locker at kumuha ng damit.
"Alam mo pinag iinitan talaga ako ng matandang yon e" pikong sambit nito ng makalabas kami sa powder room.
"Pero hindi mo pa nga pala sinasagot ang tanong ko, kelan mo pa sinagot si elijah?" pag iiba nito ng usapan kaya napakamot ulo na lang ako.
Akala ko pa naman ay hindi na kami mababalik sa usapang iyon, pero nakalimutan ko nga pa lang masyadong matalas ang pag-iisip ni sanya mahirap mautakan ang isang to.
"2 weeks na kami" sagot ko na lang kaya hinila nito ang buhok kong nakatali.
"Aray ko sanya naman ano ba napaka sadista mo talaga!" reklamo ko bago muling inayos ang nagulong buhok.
"Gaga ka 2 weeks na kayo tapos hindi mo man lang sinabi sakin?! kaibigan ba talaga kita? ang daya mo!" sumbat nito.
"Ayan na naman po tayo sa sumbatan portion....sorry na okay? hindi ko lang nasabi sayo kase alam ko namang mag re-react ka na naman ng OA" sagot ko kaya sinamaan ako nito ng tingin.
YOU ARE READING
Chasing After You [On-Going]
AcakAlam mong gagawin ko ang lahat para sa pag mamahal na ito. Alam mong hindi ako bibitiw sayo. Alam mong ipaglalaban ka ng pag ibig ko. Alam mong aasa pa din ako na babalik ka. Aasa pa din ako kahit saan ka man dalhin ng mundo. You're always in my he...