CHAPTER TEN

8 4 0
                                    









Chapter Ten






"Good Morning yaya!" Bati ko kay yaya ng makapasok ako sa kitchen.




"Oh ano at maganda ata ang gising ng alaga ko?" Nakapamewang nitong tanong kaya agad akong ngumiti bago umiling.




"Wala lang, Bakit bawal pang mag good morning sa pangalawang ina ko?" Malambing kong tanong kaya napataas ang kilay nito at sinusura pa ako.




"Hindi mo ko malolokong bata ka alam kong may dahilan yang pagiging masaya mo ngayong araw" Sagot nito bago ilapag ang gatas sa dinning table.




"Wala nga po yaya maganda lang ang gising ko" Sagot ko din at naupo na.




"Nako basta ako hindi ako naniniwala sa palusot mong iyan. Malalaman ko din ang dahilan ng magandang mood mo" Sambit nito kaya nag kibit balikat na lang ako.




Kumain na ko ng umagahan dahil maaga ang morning class namin, Na i forward na din sakin ni sanya ang ginawa nila kahapon kaya naka pag aral ako kaninang madaling araw.



"Sino ba ang sundo mo ngayon? Naka balik na ba si tyler?" Tanong ni yaya kaya tumingin ako dito.




"Baka next week pa po ang balik nya" Sagot ko at muling ipinagpatuloy ang pagkain.



Nang matapos akong kumain ay umakyat ako ulit sa taas para mag toothbrush, Matapos ko don ay saktong nag ri ring ang phone ko at agad ko namang nakita ang name ni elijah.



"Hello?" I said ng pababa na ako sa hagdan dala ang gamit ko sa eskwela.




[Im here] he said.


"Yes, Palabas na..bye" sambit ko bago patayin ang tawag.



"Yaya aalis na po ako" i shouted at nag mamadaling lumabas ng bahay ni hindi ko na nga narinig ang sinabi ni yaya.




"Good morning" Bati ko kay elijah ng makasakay ako sa loob ng kanyang kotse.




Hindi ito sumagot at lumapit lang sakin para kabitan ako ng seat belt kaya nabigla pa ako.



"Good morning" he said and smile to me.



"How's your sleep?" he asked while driving.




"Maganda ang tulog ko" sagot ko habang ka chat si sanya.




"Syempre ako ang last chat mo e" Naka ngisi nitong bulong pero narinig ko kaya tinaasan ko ito ng kilay.



"Asa ka, Hindi ikaw ang last chat ko" i said kaya natawa ito.



"We? pa check nga ng phone mo" Pang aasar pa nito bago ako sulyapan.




"Shut up, fine ikaw na" Nakasimangot kong tugon kaya natawa ito.



"Umagang kay pikon" Sabi nito kaya
napa irap na lang ako.



Agad din naman kaming nakarating sa school ko dahil masyado pang maaga at hindi pa ma traffic.



"Thank you, ingat sa pag da drive" i said ng tanggalin na ang seat belt.



"Iingatan din kita" Sagot nito kaya napakunot ang noo ko itong tinitigan.




"What did you say?" i asked again kaya agad itong napatakip sa kanyang bibig at umiling iling.




Chasing After You [On-Going]Where stories live. Discover now