CHAPTER EIGHT

6 3 0
                                    

Chapter Eight

"Jewel bakit parang namumutla ka?" Tanong na bungad sakin ni sanya ng maka labas ako ng room.

"Masakit lang ang ulo ko I think i need a rest" i said while walking.

Sabay kaming pumasok sa powder room para mag ayos.

"Kanino ka sa sakay pauwi? Sumabay ka na samin or kaya kay zairex" Sabi nito kaya tinignan ko sya mula sa salamin.

"Hindi na, Ihahatid din ako ni elijah pauwi. Saka doon din kasi sya tumutuloy muna sa tita nya bali iisang village lang kami" i said at agad naman itong ngumiti ng nakakaloko sakin.

"Really? i want to meet him, Tignan ko kung may malalait ba ko sa kanya" Sambit nito saka humalakhak ng tawa kaya binatukan ko sya.

"Tara na kanina pa nag text na nasa labas na sya. Nasaan na ba si rexer?" Tanong ko habang nag lalakad kami palabas ng school.

"Maghihintay na lang ako don sa kotse nya. Hindi pa sila tapos sa isang subject eh" Sagot nito kaya tumango na lang ako.

"Uy gaga malapit na nga pala birthday mo noh? What are you planning to do?" Biglang tanong nito kaya napa kibit balikat na lang ako dahil sa katunayan nyan ay balak ko lang matulog sa aking kaarawan.

"Well im planning to sleep all day" Natatawang wika ko kaya hinampas ako nito.

"Ano ka ba, Let's go and shopping na lang" suhestiyon nito.

"Tinatamad akong mag shopping sanya, Next time na lang" Sagot ko kaya napasimangot ito.

"Simple dinner lang kasama si yaya saka ikaw saka—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong unahan.

"Saka si elijah?" Tanong nito at saka tumawa. Tinuro pa nito ang mukha ko.

"Oo, Bakit friend ko naman sya" depensa ko agad kaya inirapan ako nito.

"Nako jewel kung ang iba maloloko mo ibahin mo ko, Hindi mo ko maloloko sa pa kaibi kaibigan mo na yan. Alam kong nagugustuhan mo na ang elijah na yon" Seryoso nitong sambit at hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil tama nga siguro sya.

Pa unti unti ko na ngang nagugustuhan si elijah.

"Jewel"

Agad akong napalingon kay elijah na kumakaway sakin sa labas.

"O to the M to the G bess! sya ba yung elijah?!" Bulong sakin ni sanya habang palapit kami kay elijah.

"Oo, Sya din yung lalaking sinasabi ko sayo sa park yung ikinwento ko sayo na naiinis ako" Bulong ko pabalik at ang gaga na una pang makalapit kay elijah.

Agad itong nag lahad ng kamay kay elijah habang si elijah naman ay parang ewan na inabot ito.

Siguro ay nag tataka ito sa ikinikilos ni sanya.

"Hello elijah im sanya, Jewel's best friend" Naka ngiting pakilala nito sa sarili at naki pag shake hands kay elijah.

"Elijah" Simpleng sagot nito bago ako sinulyapan.

"Are you okay jewel?" Tanong nito at agad akong nilapitan.

"O–oo naman ayos lang ako tara na? Gusto ko munang mag pahinga sa bahay" Saad ko kaya tumango naman ito.

"Sanya mauna na kami" Matamlay na paalam ko ng alalayan ako ni elijah na makasakay sa kanyang sa sakyan.

Kumaway pa ito bago sya sumakay sa kotse ni rexer.

"You sure you're okay? Dalhin na kita sa hospital mukhang may sinat ka" Sambit nito ng makasakay sa driver seat.

"No its okay, Ayoko sa hospital baka kulang lang ako sa pahinga" pag tanggi ko bago sumandal sa upuan.

Chasing After You [On-Going]Where stories live. Discover now