Gaya ng napagkasunduan namin ni troy.
Sinundo niya ko sa entrance ng school ng mga around 2pm.
May basketball event daw kase yung ex niya sa astrodome ng school nila.
Gusto niyang manuod kami ng magkasama para daw pag nakita kami ng ex niya eh magselos eto.
Dumaan muna kami sa 7/11 para bumili ng snacks bago bumalik sa school nila.
"anong gusto mo? ",tanong niya.
"eto na lang, piattos tsaka c2",sagot ko.
Libre naman eh kaya okey lang.
Binayaran na niya yung mga binili namin tsaka sumakay sa scooter niya.
Nagsisimula na yung game nung makarating kami sa astrodome.
Maraming tao kaya medyo nahirapan kaming makahanap ng space.
Dun kami naupo sa malapit harapan kung saan nakapwesto malapit yung mga players.
Naghihiyawan na yung mga fans ng bawat team.
"teka troy, asan ba jan yung ex mo? ",tanong ko.
"ayun oh, yung nakasuot ng jersey #28",sagot niya sabay turo dun sa nakatalikod na lalaki.
"bi din ba yan? ",tanong ko ulit.
"oo, pero he's so discreet and hindi mo talaga masasabing bisexual siya sa unang tingin mo lang",paliwanag niya.
"haha, tayo din naman eh",sagot ko
"so ano bang naging problema bakit kayo nagbreak",dag-dag ko pa.
"eh kase, time management",sagot niya.
"what's with it? ",tanong ko ulit.
"nawawalan na siya ng time para saming dalawa",malungkot niyang sagot.
"ahh,ganun ba",
Oh, nagsisimula na pala yung game.
Pinagmasdan ko yung guy na sinasabi ni troy na ex niya.
He look familiar!?
"troy, sure ka bang ex mo yan?",tanong ko ulit.
"oo naman, alangan namang magkamali ako eh araw-araw ko yang nakikita sa campus",paliwanag niya.
Parang yun yung lalaking nakabangga ko nung pumunta ako sa national bookstore.
Tama, siya nga.
Akalain mo nga naman ang pagkakataon oh.
Napaka-playful talaga ng destiny.
Napatingin yung guy sa kinaroroonan namin.
At parang nagulat siya pero agad binawi yung tingin niya kase kasalukuyan siyang nasa game.
Pinagmasdan ko kung paano siya maglaro, he's so professional.
Makapigil hininga yung bawat moment na hawak niya yung bola.
In the end, they won.
Yung team ni guy na naka jersey #28.
Naghiyawan yung mga fans ng team niya.
Niyaya ko na si troy na lumabas.
Palabas na sana kami ni troy ng astrodome nang bigla niya kaming tawagin.
"hey, saglit lang",
Lumingon kami na kanyang ikinagulat.
"t-troy? ",utal niyang tanong.
"yes? "
"sino yang kasama mo? ",tanong niya.
"oh, si sojie, new partner ko",nakangiting sagot ni troy.
"oh, really? Congrats kung ganun",pero may lungkot na makikita sa mga mata niya.
"you look familiar? Have we met before",tanong niya.
"i think so, sa bookstore right? ",sagot ko.
"oo,tama ikaw nga, i'm samuel, troy's ex",pagpapakilala niya.
"sojie, tara na",si troy sabay hatak ng kamay ko.
"wait!! ",sabi ni samuel.
"don't look back",utos ni troy habang diretso kaming naglalakad.
"teka troy, wait lang, bakit mo ba ako hinatak? ",maang kong tanong.
"wag ka ngang makikipag-usap sa lalaking yun, dapat kunware sweet tayo para magselos siya, okey? ",sabi ni troy.
"okey po",pagsang-ayon ko.
"basta yung pinag-usapan natin ha"
"oo wag kang mag-alala, siya nga pala uuwe na ko ah",pagpapaalam ko.
"sige, ihatid na kita sa village niyo"
"naku wag na, may dadaanan pa ako eh",sagot ko.
"ah, ganun ba, sige, ingat ka ah"
Sumakay na siya sa scooter niya at tiningnan ko siya habang paalis.
Naglakad na din ako.
Napansin kong parang may sumusunod sakin.
Lumingon ako at may tao nga.
"s-samuel? ",gulat kong tanong.
"uhm hi"
"bakit ka sumusunod? ",tanong ko.
"can i ask a favor? ",tanong niya.
"uhm,ano yun? ",
"can i have your #?",tanong niya
"for what? ",tanong ko ulit.
"gusto ko lang makipagfriends",sagot niya.
"friends? With your ex's new partner?",tanong ko.
"why not? ",sagot niya.
"okey sige sige, 094986*****",
"thanks",sabay ngiti niya.
"pero wag mong ibibigay yan sa iba ha",hirit ko pa.
"promise",sabay kiss niya sa cheeks ko.
Nagulat ako sa ginawa niya at yun ang gumulo sa isip ko habang naglalakad pauwi.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Promise
Документальная прозаNormal lang na magkagusto ang isang lalaki sa isang babae, at ang babae sa isang lalaki. Pero paano kung ang isang lalaki ay magkagusto sa kapwa niya lalaki? At ang babae sa kapwa niya babae? Normal lang ba yun? Kung ako ang tatanungin, OO. Maybe sa...