Si Sam na yung kumuha ng foods para sakin, although naiilang ako kasi nasa table lahat ng barkada ko.
Hindi ko alam kung nasesense na nila na may something samin ni sam.
I'm not saying na may relationship kami, pero the way he treat me, para kaming mag-partner, just like that.
Okey, maybe you'd think na i assume things, pero totoo namang may gusto sakin si samuel.
"jie, kain ka ng marami huh, later maglalakad-lakad tayo sa tabing dagat", sabi ni sam.
Napatingin lang ako sa kanya, at ngumiti.
Clueless ang buong tropa, kase wala man lang nagreact, busy sila sa pagkain.
Matatakaw as usual.
"guys, excuse us muna", sabi ni Mara,then kasunod niyang tumayo ang iba pang girls.
"oh, teka, saan kayo pupunta? ", tanong ni Brent.
"swimming", nakangiting sagot ni Mara.
"okey, fine"
"girl's only", hirit pa ni Cherry.
Natawa na lang kaming tatlo.
Umalis na yung ibang girls at naiwan pa kaming kumakaen.
"sam, sinong nililigawan mo ngayon? ", biglang tanong ni Brent.
"ah ehh, ano kase, wala naman, pero may gusto ako, kaya lang kahit anong gawin ko hindi naman ako kayang mahalin nun eh", malungkot na sagot ni samuel.
"hmmm, alam ba nya? ", usisa pa ni brent.
"oo, sinabi ko na pero wala talagang chance eh"
"sad naman nun dre, pero wag kang susuko, malay mo mahalin ka rin nun", dagdag pa ni Brent.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila habang kumakaen at nagccheck ng fb ko.
"How about you jie? ", tanong ni brent.
"huh? ", gulat kong tanong.
"are you with us? Di ka naman yata nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Samuel eh"
"ano ka ba nakikinig ako"
"oh yun naman pala eh, sinong gusto mo ngayon? " tanong ulit niya.
"ako? Wala naman, pero dati meron, at until now hinihintay ko pa rin siyang bumalik eh", malungkot kong sagot." eh bakit hindi mo subukang mainlove sa iba, give yourself a chance, malay mo may iba na yun", hirit pa niya.
"hindi ko alam eh, pero mukhang tama ka, siguro nga dapat ko nang kalimutan ang taong yun", sabi ko habang nakangiti.
"Jan na nga muna kayo", pagpapaalam ni Brent.
Umalis siya paakyat ng kwarto.
Naiwan kami ni Sam sa table habang kumakaen.
"jie, up for something? " tanong ni sam.
"uhm wala naman, i think", sagot ko.
"tara sa beach maglakad lakad tayo? ', suggestion niya.
"ok sige, tara, wala naman akong gagawin eh", pag-sang ayon ko.
Sa beach....
"uhm jie, gusto kita", bulong niyang sabi.
" haha, nagbibiro ka na naman eh", maang kong sagot.
"totoo yung sinasabi ko, after what happened, ikaw pa rin ang gusto ko, hindi ko alam kung bakit", hirit pa niya.
Tahimik lang akong naglalakad, nasa likod ko siya habang nagsasalita.
Malayo ang tingin ko, sa dagat, dun sa horizon kung saan nagtatagpo ang dagat at langit.
Hindi pumapasok sa diwa ko ang mga sinasabi ni samuel, may ibang gumugulo sa isip ko.
Isang desisyon kung dapat ko na bang kalimutan si Khiel, desisyong babago sa lahat.
"Jie", tawag ni Sam.
Nagulat ako paglingon ko nang bigla niya kong niyakap.
" Jie, i want to help you ease the pain in your heart", bulong niya sakin.
"Tingin ko, tingin ko mahal na din kita Sam", bulong ko ding sagot.
He kissed me gently nang marinig niya ang mga sinabi ko.
" Wag ka nang umiyak ha", nakangiti niyang sabi habang pinupunasan ang mga butil ng luha ko na tumutulo sa pisngi ko.
"oo, hindi nako iiyak, sana wag mokong iiwan ha"
"hinding-hindi ko yun gagawin sayo, mahal kita, sigurado ako dun at hindi kita hahayaang umiyak", nakangiting sabi niya.
Mahigit 2 hours kaming nasa tabi ng beach, nakasandal ako sa balikat niya habang nakatingin kami sa dagat.
Bawat paghampas nun sa mga bato, at bawat pagbalik nun sa dagat ay ang mga ala-alang dapat ko na sigurong kalimutan, naisip kong mga bata pa naman kami ni Khiel, hindi dapat ako masyadong naging loyal sa kung ano mang pangako ang iniwan namin sa isa't-isa, kasi sa pagdaan ng panahon, maaring magbago pa ang lahat.
"uhm Sam", tumingin ako sa mga mata niya.
"ano yun? ", nakangiti niyang sagot.
"mainit na kase, tara balik na tayo sa summer house", pagyaya ko sa kanya.At naglakad na nga kami pabalik sa summer house, it's 10a.m na kase kaya medyo masakit na sa balat yung sikat ng araw..
BINABASA MO ANG
Yesterday's Promise
Não FicçãoNormal lang na magkagusto ang isang lalaki sa isang babae, at ang babae sa isang lalaki. Pero paano kung ang isang lalaki ay magkagusto sa kapwa niya lalaki? At ang babae sa kapwa niya babae? Normal lang ba yun? Kung ako ang tatanungin, OO. Maybe sa...