Chapter 27- Death

49 4 0
                                    

2nd Day na nga pala ng vacation namin dito sa ilocos.
Mamayang hapon babalik na kami sa city..
Next week kasi opening of classes na.

Habang kumakain, nakatingin si sam sakin at ganun din naman ako.

"ehem, magkapalit kayo ng mukha niyan", pang-aasar ni Cherry nung mapansing magkatinginan kami ni Sam.

"ha? Eh haha, may iniisip lang ako", palusot ko pa.

"hmmm, eh bakit kay samuel ka nakatingin?", hirit pa niya.

"hindi ah, sa window ako nakatingin", dag-dag ko pa.

"okey guys, i-ready niyo na ang mga gamit niyo, we'll back to manila later", sabi ni Brent.

"can we extend for a day?", si Elize.

"naku, elize hindi na pwede", hirit pa ni Brent.

"aww ganun ba? Sayang naman hindi kami masyadong nakapag-ikot-ikot", si Elize.

"It's okey, we'll be back here again next vacation", sabi ni Brent.

"really?", si Elize.

"oo naman, why not?"

After ng lunch, umakyat na kami sa taas para asikasuhin ang mga gamit namin.

"Sam", sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"oh jie, bakit? ", respond niya habang nakangiti.

"ah eh, wala naman", at bumalik na kami sa pag-aayos ng gamit.

Maya maya tumunog ang cellphone ko.

"uhm Sam, wait lang ah, sasagutin ko lang to", pagpapaalam ko.

"h-hello, Sojie ang mama mo, isinugod sa hospital, umuuwi ka na aga dito hijo", si Tita Sabel.

Natulala ako sa mga narinig ko, i know na lagi nadadala si mama sa hospital, pero ngayon lang sila tumawag sakin, which is, i've concluded na critical yung lagay ni mama.

Agad akong umaakyat sa kwarto at inaayos ang mga gamit ko.

"oh jie, anong nangyari? Bakit natataranta ka yata?", usisa ni Samuel.

"i need to go back sa manila, it's urgent, isinugod daw sa hospital si mama", paliwanag ko.

Tamang-tama at nakaayos na rin pala ang mga gamit ng iba naming kasama and ready na rin silang umuwi.

"Brent bilisan natin, emergency kasi ei", sabi ko kay Brent habang iniistart yung engine ng sasakyan.

Mabilis ang naging takbo ng sasakyan, nasa maximum speed na kami, ok lang naman kase wala naman gaanong dumadaan na sasakyan sa lugar na yun.

"jie, ano bang nangyari?", usisa ni Brent habang nagmamaneho.

"eh kasi si mama, dinala daw sa hospital, tumawag si tita Sabel kanina lang." , paliwanag ko naman.

"ah ganun ba?, sige we'll be fast, makakarating tayo with in few hours", dag-dag pa niya.

Naka-akbay naman si Sam sakin, gusto ko siyang yakapin and same as him, pero hindi pwede kasi may iba kaming kasama sa sasakyan.

"jie okey lang yan, tita will be fine", pagcocomfort niya sakin sabay hawak sa kamay ko, pero patago.

"salamat sam"

After few hours, nakarating na kami sa mainland.

Sa hospital na ako dumiretso, tita sabel texted me the hospital kung nasaan sila.

Naabutan ko si tita sa labas ng operating room, hindi mapakali.

"tita, si mama po kamusta na?", bungad kong tanong.

"jie buti nakarating ka na, wala pang result yung doctor eh", malungkot na tono ng boses ni tita.

After 10 minutes, lumabas ang Doctor with a bad news.

"I'm sorry, we've done our best, pero hindi na talaga namin siya nailigtas, we're very sorry", malungkot na tono ng doktor.

Para akong binagsakan ng langit sa mga narinig ko, biglang dumaloy sa mga mata ko ang mainit na luha.

Nagsi-iyakan na ang lahat nf kasama ko sa labas ng ER, napayakap na lang ako kay Sam sa mga oras na yun, wala na akong pakealam sa iisipin ng mga kasama ko, sobrang sakit ng naramdaman ko sa mga oras na yun.

"Sojie, it's okey, kaya mo yan, nandito lang ako, at mga kaibigan mo, hindi kita iiwan, pangako", pagcocomfort niya sakin.

"bakit kailangan mangyari to? Bakit kelangan ang mama ko pa?", mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Inaya ako ni Sam na umuwi na muna samin.

"jie magpahinga ka na muna, masyado kang pagod, magiging okey din ang lahat, kapit ka lang kay God", si Sam.

"mahirap Sam eh, mahirap, ang Diyos?
Diba nga siya ang kumuha sa mama ko?
Bakit pa ako hihingi ng tulong sa kanya?", naiiyak kong sabi

"hindi ko alam jie, hindi ko alam ang plano ng Diyos kung bakit ginawa niya ang bagay na yun", si Sam.

Umiiyak pa rin ako habang nakasandal ako sa balikat ni Samuel sa loob ng taxi.

Nagpaalam na din muna kasi sina Brent na umuwi na.

After few minutes, nakarating na kami sa bahay, agad akong tumungo sa kwarto ko, sumunod sakin si Sam.

Humiga ako at umupo siya sa gilid ng kama ko.

Nagising na lang ako at napansing tulog na din si Sam sa tabi ko, kahit namamalat ang mata ko, pilit ko siyang tiningnan, inaaninag ko ang natutulog niyang mukha, naisip ko kung gaano kaswerte ang taong mamahalin ni Sam, ang swerte ko kasi ako ang mahal niya, sana hindi niya ako iiwan kagaya ng iba, kagaya ni Khiel.

Hinimas ko ang mga pisngi niya habang natutulog siya, bigla siyang dumilat.

"jie, gising ka na pala, kamusta na ang pakiramdam mo?", tanong niya.

"hindi ako okey, hindi", malungkot kong tugon.

"nagugutom ka ba? Teka sandali ipagtitimpla kita ng gatas",

Lumabas siya ng kwarto ko at tumungo sa kusina.

Kahit ayaw kong bumangon, pinilit ko ang sarili kong tumayo sa pagkakahiga.

Kinuha ko yung cellphone kong nakacharge, balak ko sanang itext si Tita Sabel, pero biglang nagbago ang isip ko, natatakot akong makarinig ng balita sa pagkamatay ng mama ko, although alam ko naman na at alam kong hindi ako nanaginip.

Maya-maya bumalik si Sam na may dalang baso ng gatas.

"jie, inumin mo na to, wala ka pang kinain maghapon, kailangan mong maging matatag, isa lang tong pagsubok, wag mong hayaang lamunin ka ng lungkot", pagpapanatag niya sakin.

Ayaw ko man sanang inumin yun ngunit ginawa ko na lang, nag-effort siya tapos, i must appreciate it.

Matapos kong inumin ang gatas, napatingin ako kay Sam, nakatingin din siya ng tahimik sakin.

"everything will be fine, sabay halik sa labi ko"

Yesterday's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon