Zerraine
Sabi nila first love never dies. Pero paano naman kung yung mismong tao yung nawala?
Sa isang iglap, bigla na lang nawala yung taong nagpapasaya at bumubuo sa buhay ko.
Yung tao na nagparamdam sa akin na kahit anong mangyari magiging maayos lang ang lahat.
Yung tao na naging sandalan at pahinga ko.
Pero, malupit talaga ang tadhana 'no?
Kung kailan kuntento ka na, kung kailan masayang masaya ka na.
Bigla namang babawiin sayo ang lahat.
~~
Napabalik na lang ako sa reyalidad ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.
Si Bri pala.
"Hoy Ze! Tulala kana naman diyan!" Nakasimangot na saad ni Bri sa akin.
Lihim naman akong napatawa dahil sa itsura niya ngayon.
"Ano ba kase yon?" Tanong ko sa kaniya habang umiinom ng kape.
Andito kasi kami ngayon sa isang coffee shop. Bigla daw kasi siyang nag crave sa kape.
Kaya laging nerbyosa 'tong babae na 'to eh, puro kape kase. Baka nga kape na rin dumadaloy sa katawan niya eh, hindi na dugo.
"Iniisip mo na naman siya no?" Tanong naman niya sa akin at sabay irap.
Napaka maldita talaga nitong babae na 'to. Ako na lang ata talaga nakakatiis sa ugali niya.
"Alam mo uso din mag move on mars." Dagdag pa niya.
"Madali lang sabihin, mahirap gawin." Sagot ko sa kaniya sabay irap.
"Palibhasa kase hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend. Wala kaseng may gustong pumatol sayo." Saad ko naman sa kaniya habang tumatawa.
"Susmaryosep mars! Aba, 5 years na hindi ka pa rin move on? abay mas mabilis pang mag move on yung mga teenager sayo ah." Natatawa niyang saad.
"Atsaka, ano yung sinasabi mong walang gustong pumatol sa akin? mayroon naman 'no." Nakasimangot na saad naman niya sa akin.
"Marami ngang naghahabol sa kagandahan ko na 'to, tapos nilalait lait mo lang? masyado naman ng makapal mukha mo mars ha." Dagdag pa niya.
Napailing na lang ako sa sinabi niya, puro talaga kayabangan 'tong babaita na 'to, eh sa tagal naming magkaibigan wala naman siyang nababanggit na lalaki sa buhay niya.
Tas may maghahabol pa? baka aso talaga yung sinasabi niya na naghahabol sa kaniya eh.
"Siraulo ka talaga Bri, halika na nga baka ma late pa tayo eh." Saad ko sa kaniya habang hinihila na siya paalis sa coffee shop.
Papunta na kami ngayon sa trabaho namin ni Bri, Well parehas kaming architect ni Bri.
Wala talaga sa itsura namin ni Bri na architect kami, kung titingnan mo kase kaming dalawa para lang kaming sales lady sa mall.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Short StoryHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?