Zerraine
Nagpapahinga lang ako ngayon dito sa bahay dahil wala kaming pasok, nang may mag text sa akin at si Jacob pala.
Nagpapaalam kung pwede ba siyang dumalaw.
Nagtataka man ay napangiti pa rin ako dahil doon.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin si Jacob sa bahay at may dalang pagkain na pang fiesta ata dyusme, alam ko namang matakaw ako pero sobra naman ata to!
"Parang andami naman niyan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Ah, para pag hindi natin naubos atleast may makakain ka pa hindi ba." Nakangiti niyang saad.
Ganon ba ako katimawa sa paningin niya?
Isang tango na lang ang sinagot ko at kinuha ko na yung pagkain para ihanda.
Habang hinahanda ko ang mga dala niyang pagkain, nag iikot-ikot si Jacob sa bahay ko at nagtitingin ng kung ano ano.
Ewan ko ba diyan parang ngayon lang nakapasok sa ibang bahay.
Para siyang magnanakaw na ang daming mananakaw. Ganon yung itsura niya ngayon.
Lihim naman akong napatawa dahil don.
Nang matapos na akong maghanda, umalis na ako sa kusina dala dala ko na rin yung mga pagkain na inihanda ko at tatawagin ko na rin sana si Jacob dahil baka kung saan na siya napunta.
Ngunit, naabutan ko siya sa sala na titig na titig sa picture naming dalawa ni Daniel at para siyang gulat na gulat.
Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol kay Daniel, kaya siguri ganoon na lang ang naging reaksiyon niya.
~~
JacobNandito ako ngayon sa bahay ni Ze, dinalaw ko siya at nagdala na din ako ng pagkain.
Namimiss ko na rin kasi siya eh, kaya naisipan ko na dalawin na lang siya at dito na lang kami kumain sa bahay nila, ayoko na muna siyang ayain sa labas dahil baka mas gusto niya rin na sa bahay na lang muna.
Habang nag hahanda siya, nag ikot-ikot muna ako sa bahay niya, nang may isang litrato na nakakuha ng pansin ko.
Nilapitan ko iyon at tinignan ng maigi, nang mapagtanto ko na tama ang hinala ko, muntik ko ng mabitawan ang litrato sa gulat.
I-imposible, sila nga yon? siya yon?
Damn.
Nang makarinig ako ng yabag ng paa ay dali dali kong binalik ang litrato at binigyan ng alanganing ngiti si Ze.
Shit! sana mapatawad mo ako Ze sa kasalanan ko.
Habang kumakain kami biglang nagsalita si Ze.
"Yung lalaki sa picture, si Daniel yon. Ikakasal na sana kami non kaso naaksidente siya na naging dahilan ng pagkamatay niya." Malungkot na saad niya.
"Naalala ko na hindi ko pa nga pala nasasabi sayo ang tungkol kay Daniel, kaya siguro ganoon yung reaksiyon mo nung makita mo yung picture naming dalawa." Dagdag pa niya.
Tahimik lang naman akong nakikinig sa kaniya kahit alam ko na kung ano ang nangyari.
"Medyo matagal na rin tayong magkakilala kaya napagdesisyunan ko na rin na sabihin sayo." Dagdag pa niya.
"Kami din ni Meryl, ikakasal na sana pero nakita ko siyang may kasama at kasiping na ibang lalaki." Mahinang saad ko sa kaniya.
Hindi agad siya nakasagot, marahil siguro ay sa gulat.
Kahit sino naman siguro magugulat kapag narinig ang mga sinabi ko.
Nang matapos na kaming kumain ni Ze, at makapag kwentuhan nagpaalam na akong aalis na dahil mag gagabi na rin.
Habang papauwi ako, hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung litratong nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali sa hinala ko.
~~
ZerraineLumipas ang maraming buwan at naging maayos naman ang pagsasama namin ni Jacob, lagi akong masaya kapag kasama siya.
Na akala ko ay hindi ko na mararamdaman pa at sana ay hindi na to matapos pa.
Ngunit tama nga ang sabi nila, na ang kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan, dahil napapansin ko na unti-unting nagbabago ang pakikitungo ni Jacob sa akin, na minsan ay hindi ko naisip na mangyayari.
Akala ko magiging maayos lang ang lahat sa aming dalawa ni Jacob.
Akala ko wala kaming magiging problema.
Akala ko lang pala iyon.
Dahil isang araw bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin.
Naging malamig ang pakikitungo niya, at napapansin ko na nagiging malapit sila ni Meryl sa isa't isa.
Gusto ko siyang komprontahin kung bakit niya ginagawa sa akin to.
Pero natatakot kase ako sa magiging sagot niya.
Ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon dahil may tiwala naman ako kay Jacob.
Kahit na gusto ko na lang mag wala kapag nakikita kong magkasama silang dalawa ni Meryl at mukhang masaya, hindi ko magawa.
Dahil iniisip ko, baka may dahilan naman siya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa akin kahit na alam niyang masasaktan ako.
Hindi ko sinasabi kay Bri ang mga pagbabagong napapansin ko kay Jacob dahil ayokong mag-alala pa siya sakin.
~~
BriNapabuntong hininga na lang ako ng makita ko kung gaano kalungkot ang mga mata ng kaibigan kong si Ze.
Kahit hindi niya sabihin alam kong may problema siya.
Alam kong ayaw niya sabihin sa akin kung anong nangyayari dahil ayaw niyang mag alala pa ako.
Kita mo yung babaeng yon, may problema na pero yung iba pa ang inaalala.
Kaya hihintayin ko na lang na siya mismo ang mag sabi sa akin.
Kahit hindi niya sabihin, napapansin ko na nagiging malamig ang pakikitungo ni Jacob kay Ze, pero ayokong mangielam sa kanila.
Alam ko namang sasabihin din sa akin lahat ni Ze, pag handa na siya.
Sana lang maayos na ang problema nila, dahil ayoko ng makita ulit na nasasaktan si Ze dahil sa lalaki, ayoko na siyang makitang durog na durog.
Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik ang atensiyon sa trabahong ginagawa ko, alam ko namang kakayanin ni Ze yun.
~~
JacobAlam kong nasasaktan si Ze, sa pag trato ko sa kaniya ng malamig, at alam kong mas lalo siyang nasasaktan na makita akong malapit kay Meryl.
Oo, kay Meryl dahil sabi niya mahal pa niya ako, kaya gagamitin ko siya para layuan ako ni Ze.
Alam kong mali ang pag gamit ko kay Meryl, dahil lang sa mahal pa rin niya ako.
Pero eto lang ang nakikita kong paraan sa ngayon eh.
Wala akong ibang choice kundi ang gawin yon, para rin naman sa kaniya ang ginagawa ko.
Alam kong hindi ako maiintindihan ni Ze ngayon, pero sa takdang panahon malalaman niya rin ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng to sa kaniya, at sana pag dumating ang araw na yon mapatawad niya ko.
Napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya, at nag sisisi ako ng sobra sa mga nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
ContoHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?