Chapter 3

118 81 0
                                    

Zerraine

Nag iikot-ikot kami ni Jacob ngayon sa mga stores, actually nag eenjoy ako na kasama siya kase hindi ko akalain na madaldal pala siya.

And for some reason, ang gaan ng loob ko sa kaniya.

"Uy Ze, pagod ka naba?" Tanong niya sa akin.

"Ha? medyo lang hehe." Nahihiyang saad ko naman sa kaniya.

"San mo ba gusto kumain? treat ko." Saad niya.

Hala, nakakahiya naman.

Sinamahan na nga niya ko mamili, ililibre pa niya ako ng pagkain.

Kahit naman makapal mukha ko, nahihiya pa rin naman ako no.

Hindi ako kagaya ni Bri na makapal talaga ang mukha at walang katiting na hiya sa katawan.

"Nako, wag na nakakahiya jacob." Nahihiyang saad ko sa kaniya.

"Ano kaba Ze, wala yun basta ikaw." Nakangiting saad niya.

Lagi na lang siya nakangiti. Hindi ba nangangawit labi niya sa kakangiti.

Pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil nakakahawa yung ngiti niya.

Para bang nakapa positive na tao niya.

"S-sige, s-salamat." Nauutal kong saad sabay ngiti.

Naglakad na ulit kami ni jacob papuntang fastfood, and talagang nilibre niya ako, natuwa naman ako dahil ang gentleman naman niya.

Habang kumain kami hindi ko napansin na may sauce na pala yung gilid ng labi ko, pupunasan ko na sana kaso nagulat ako, dahil pinunasan na yon ni jacob.

Hindi ako agad nakakilos dahil sa ginawa niya.

Para akong naging tuod dahil don.

"Haha, ang cute mo kumain Ze." Saad niya habang nakangiti.

Shit! nakakahiya ka Ze! Ang takaw takaw mo kase ayan tuloy nakita na ni Jacob kung gaano ako katimawa.

Pero ayus lang yun siguro, atleast nakikita niya kung ano ang tunay na ako. Atleast, hindi ako katulad ng iba na nagpapaka plastic sa harap ng ibang tao.

                            ~~

Nang matapos na kaming kumain ni Jacob, naglakad lakad muna kami at nang may makita siyang magandang pwesto hinila niya ko papunta roon at pinaupo.

Tahimik lang kami at walang nagsasalita sa amin.

Hindi naman awkward yung katahimikan.

Pero naputol yung katahimikan na iyon ng magsalita si Jacob.

"Ahm, Ze? may itatanong sana ako eh." Nakayuko at mukhang nahihiya niyang saad.

Nangunot naman ang noo ko sa inakto niya.

"Ano bayon?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"A-ahm, m-may boyfriend ka na ba?" Nauutal niyang tanong sa akin.

Di ako nakasagot agad sa pagkabigla.

Dahil ngayon nalang ulit may nagtanong sa akin tungkol sa pagbo-boyfriend.

Kahit pamilya ko hindi nila inoopen ang topic na iyon dahil alam nilang nasasaktan pa rin ako.

"Ze?" Tawag niya na nakapagbalik sa akin sa wisyo.

"H-ha? ah w-wala bakit?" Nauutal kong tanong sa kaniya.

"Pwede ba kitang ligawan?" Nahihiya niyang tanong.

Her Cruel FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon