Zerraine
Nang matapos na ako sa trabaho ko, nagpahinga na muna ako at tumingin sa paligid, At huminto ang mata ko sa isang tao.
Kay Jacob, hmm mukhang madami siyang iniisip ah, nakatulala eh. Ano kaya iniisip nito tss.
Lunch na, pero hindi pa rin napapansin ni Jacob dahil siguro sa iniisip niya.
Kung hindi pa siya lapitan ng kaibigan niya hindi siya matitinag.
Binaliwala ko na lamang yun dahil baka personal problem lang.
Sumunod na ako kay Bri para mag lunch, hay sana okay lang si Jacob.
~~
MerylHello everyone i'm Meryl.
Ang ex ni Jacob, yeah niloko ko siya at talagang nagsisi ako kaya bumalik ako ng pilipinas para makuha siya at mapasa akin muli.
Hindi ko siya kaagad hinanap dahil akala ko siya na mismo ang lalapit sa akin at makikipag ayos.
Oo alam ko, masyadong makapal ang mukha ko para isipin na si Jacob ang unang maghahanap sa akin kahit ako naman yung nagloko.
Dahil alam ko naman kase kung gaano ako kamahal ni Jacob kaya alam ko na hindi niya ako matitiis pero mali pala ako.
Nung nahuli niya ako, yun ang huling beses na nakita ko siya.
Nadala lang rin naman ako ng bugso ng damdamin kaya ko nagawang magtaksil kay Jacob.
Alam ko ang tanga ko dahil sa tinagal ng pagsasama namin at kung kailan pa kami ikakasal atsaka ko pa naisipan na magloko.
Pero lumipas ang ilang buwan at taon, ni anino ni Jacob wala na akong nakita.
At doon ko naisip na masyado akong naging kampante na kahit anong gawin ko, mapapatawad at mapatatawad ako ni Jacob dahil mahal niya ako.
Kaya napagdesisyunan ko na umuwi ng pilipinas at hanapin siya para makipag ayos.
At ngayon na nakita ko siya ulit hinding hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ito.
Kahit na may iba na siyang mahal, wala akong pakielam. Hindi ako titigil mapapasa akin lang siya ulit.
Aagawin ko siya sa bisugong Zerraine na yon. Hindi ako papayag na maagaw ng Zerraine na yon si Jacob.
Dahil akin lang si Jacob, akin lang!
~~
ZerrainePalabas na kami ngayon ng mga kasama ko dahil maaga kaming pinauwi ng boss namin ngayon dahil may pupuntahan pa daw siya at para rin daw makapagpahinga na kami ng maaga.
At talaga namang tuwang tuwa kami ni Bri ng marinig namin iyon.
Dahil isa pa sa mga nagpapasaya sa amin ni Bri ay ang pag uwi ng maaga.
Hay buti na lang talaga maaga kami pinauwi pagod na pagod na ako eh.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Bri ng biglang dumating si Jacob.
"Ze? dinner tayo treat ko." Nakangiting yaya niya sa akin.
Susmaryosep, sino ba naman ako para tumanggi hindi ba? Oo agad diba?
Syempre gusto ko rin kasi siyang makasama pa at makilala pa ng lubusan.
"Sige ba." Nakangiti kong saad sa kaniya.
Napangiti naman siya dahil doon.
"Sige tara na." Nakangiti niyang saad.
"Bri, una na kami ha magdidinner lang kami ni Jacob." Paalam ko kay Bri.
"Sige mars enjoy kayo." Nakangisi niyang saad.
Nako, tutuksuhin na naman ako nito pag kaming dalawa na lang.
Well, as you can see may pa dinner na si Jacob kase ilang buwan na rin naman siyang nanliligaw sa akin and yung si Meryl? ayon lapit pa rin ng lapit kay Jacob na akala mo linta, pero hinahayaan ko lang dahil hindi rin naman pinapansin ni Jacob eh.
Kahit nga si Bri, naiinis na din sa ginagawa ni Meryl. Pero sinabihan ko naman siya na hayaan na dahil mapapagod din iyon.
Tahimik lang na nagdadrive si Jacob pati na rin ako, pero okay lang dahil hindi naman awkward, dahil hindi ba masarap din minsan ang katahimikan.
Yung kotse ko nga pala ay iniwanan ko na sa office. Wala naman kukuha non eh.
Nakarating na kami sa restaurant na pagkakainan namin, at sa mamahalin na restaurant pa niya ako dinala.
Maganda ang loob at mukha talagang mahal ang mga sineserve nila dito.
Sa mga simpleng restaurant or coffee shop lang kasi kami ni Bri pumupunta eh.
Hindi naman sa hindi namin afford, ayaw lang namin gumastos sa mga ganon kung wala namang okasyon.
Umupo na kami sa bakanteng upuan at may lumapit na sa aming waiter.
Nang makaorder na si Jacob, kumain na din kami.
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si Jacob.
"Ze? Alam ko masyado akong mabilis pero, can you be my girlfriend?" Seryosong saad niya.
Muntik ko ng maibuga yung kinakain kong soup sa gulat! bwiset, wala man lang preno tong si Jacob.
Tiningnan ko naman siya at nakatingin din siya sa akin ng diretso at ng may seryosong mukha.
Pero.. papayagan ko na nga ba siya? eh, kase naman mahal ko na rin naman na siya kahit sa maikling panahon na iyon, naiparamdam naman niya sa akin na seryoso at wala siyang intensyon na masama sa akin.
At alam ko namang hindi niya ako sasaktan.
Sana nga.
Hay kaya sige susugal ulit ako sa pangalawang pagkakataon.
"Yes Jacob." Nakangiti kong saad sa kaniya.
Bigla naman nanlaki ang mata niya sa gulat.
Lihim naman akong napatawa sa itsura niya ngayon. Medyo papasa na siyang kapatid ng isang tarsier.
"T-talaga?" Tanong niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala.
"Oo nga! ang kulit hahaha." Natatawang saad ko sa kaniya.
"Yes!" Mahinang sigaw niya.
Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin at bigla niya akong binuhat at inikot, gosh! nakakahiya naman pinagtitinginan na kami dito.
"J-jacob, ibaba mo na ako ang daming nakatingin sa atin." Nakayuko at nahihiya kong saad sa kaniya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng ibinaba na niya ako.
"A-ay oo nga sorry Ze, masaya lang." Nahihiyang saad niya.
Natawa naman ako ng napakamot pa siya sa ulo at tila hiyang hiya.
~~
Nang matapos na kaming kumain, nagpasya na kaming umuwi.Inihatid na muna ako ni Jacob sa bahay ko syempre, paano ako uuwi eh nasa office yung kotse ko.
"Sige Ze, see you tomorrow. I had fun." Saad naman niya.
"Yeah, see you tomorrow. I also had fun and thankyou sa palibreng dinner ha." Saad ko naman
Kumaway na man na muna si Jacob bago tumalikod sa akin at sumakay sa kotse niya.
Pagka alis niya ay pumasok na rin ako sa aking bahay at nagdiretso na agad sa kwarto.
Kahit pagod ako, worth it naman dahil nakasama ko ang taong mahal ko at talaga namang nag enjoy ako ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Short StoryHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?