Zerraine
Nagising ako sa sikat ng araw na dumadampi sa mukha ko, pag bangon ko tanghali na pala.
Hindi na muna ako papasok sa trabaho, hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa siya kayang makita lalong lalo na dahil sa katarantaduhan na ginawa niya.
Hindi ko na muna inisip yon at bumangon na sa pagkakahiga.
Nakita ko naman sa kabilang sofa si Bri na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Napangiti naman ako dahil hindi siya umalis sa tabi ko.
Dumiretso na ako sa kusina at nagluto ng umagahan namin ni Bri.
Nang matapos na akong magluto, naghahain na ako ng pagkain at pagtingin ko sa lamesa naka upo na si Bri, napangiti na lang ako ng makita siya hay nako eto talagang babae na to pag naamoy ang luto ko nagigising agad.
"Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya.
"Good morning din." Bati niya habang kinukusot pa yung mata.
Napangiti naman ako sa inakto niya.
Para siyang bata.
Naupo na rin ako at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain.
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na si Bri na uuwi muna at papasok daw siya kahit late na.
"Papasok ako kahit late na, sayang din kasi yung oras." Saad ni Bri.
"Atsaka wala kasi akong mapaglilibangan kaya hindi rin ako mapapakali sa bahay." Dagdag pa niya.
"Alam ko naman." Natatawang saad ko sa kaniya.
"Kahit gusto kitang samahan dito, alam ko naman na kailangan mo ng panahon mag isa para makapag isip isip." Dagdag pa niya.
Kilalang kilala talaga niya ako.
"Magiging maayos din ang lahat." Nakangiting saad ni Bri.
"Sana nga." Saad ko ng may pilit na ngiti.
"Osige bye!" Paalam niya.
~~
Nang makaalis na si Bri, dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga.
Wala naman kasi akong ibang gagawin.
Wala naman akong mapaglilibangan.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagbabaka sakali na baka magpaliwang si Jacob, pero nanlulumo ko lamang nilapag ang cellphone ko ng makita kong ni isang text o tawag ay wala.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung ano bang nagawa kong mali para lokohin niya ko, ginawa ko naman lahat eh para lang maramdaman niya na mahal ko siya pero siguro tama nga sila, wala talagang marunong makuntento.
At kung sino pa ang nagmamahal, siya pa ang niloloko at sinasaktan.
Wala naman akong ibang gusto eh.
Gusto ko lang naman na makasama yung taong mahal ko.
Gusto ko lang naman bumuo ng bagong alaala kasama yung taong mahal ko.
Masyado bang mahirap yung gusto ko?
Bakit napaka unfair naman ata?
Kung kailan masaya ako, atsaka ako nilulunod ng kalungkutan.
Sa kakaisip ko, hindi ko na napansin na pumapatak na pala yung luha ko.
Napahagulgol na lang ulit ako ng maalala ang eksena kung saan nadatnan ko ang panloloko sa akin ni Jacob.
Kahit kailan, hindi ko naisip na magagawa sa akin ni Jacob yon.
Masyado ba akong naging kampante?
Masyado ba akong naging kampante na ako lang yung mahal niya?
Oo nga pala, mas nauna niyang minahal si Meryl kaysa sa akin.
Sa sobrang iyak at pagod hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
~~
JacobDahil sa nangyari kahapon, usap usapan ngayon kami ni Ze sa office.
May nagtatanong pa nga kung ano daw ba ginawa ko, pero hindi ko na sila sinasagot.
Dahil kahit ako, hindi ko naisip na kaya kong saktan ng ganon yung taong mahal ko.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin siya, kung okay lang ba siya, kung kumain na ba siya.
Hindi ko siya matawagan or ma itext dahil nahihiya ako, ang kapal naman siguro ng mukha ko para magtanong pa sa kaniya hindi ba?
Papasok na ako sa office ng makasalubong ko si Bri, yung kaibigan ni Ze.
Nang tignan ko siya para na niya akong papatayin, hindi ko naman siya masisisi eh.
Lalagpasan ko na sana siya ng tawagin niya ko.
Paglingon ko..
Pak! Pak!
Dalawang malalakas na sampal ang natanggap ko sa kaniya, hinayaan ko na lang siya.
Karapatan niyang magalit dahil nasaktan ko yung kaibigan niya.
"Ako na lang sasampal sayo, dahil hindi ka kayang saktan ni Ze!" Nang gigigil niyang saad sa akin.
Hindi ako nag salita, nakayuko lang ako matapos niya akong sampalin.
"Napaka walang hiya mo! Akala ko iba ka! Hinayaan ko kayo ni Ze, dahil alam kong masaya siya kapag kasama ka niya. Tapos sasaktan mo lang pala siya!" Nang gagalaiti niyang saad sa akin.
Hinayaan ko na lang siyang mag labas ng sama ng loob sa akin, deserved ko naman eh.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dito dahil sa lakas ng boses ni Bri at dahil na rin sa pag sampal niya sa akin.
Patuloy lang niya kong sinusumabatan, pero hinahayaan ko lang siya.
Pero sana bago ninyo ko hinusgahan alamin ninyo muna ang dahilan.
Matapos ng sinabi niya, umalis na rin siya kaagad at iniwan na ako.
Napailing na lang ako atsaka napabuntong hininga, nagpatuloy na ako sa paglalakad at nang makarating ako sa office, hinanap ko si Ze pero wala siya.
Syempre, wala siya. Alam kong ayaw niya kong makita.
Sino ba naman ang gugustuhing makita pa yung taong nanakit sa kaniya hindi ba?
Dumiretso na lang ako sa desk ko at nagsimula ng magtrabaho.
Pero hindi ako makapag focus dahil naiisip ko si Ze.
Gustong gusto ko siyang makita.
Gustong gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat.
Kaso natatakot ako.
Napaka duwag ko talaga kahit kailan.
Lagi na lang akong tumatakbo sa mga bagay na hindi ko kayang solusyunan.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Historia CortaHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?