Chapter 6

82 55 0
                                    

Zerraine

Gumagayak na ako ngayon papasok sa trabaho ko, medyo late na nga ako eh.

Kaya heto nagmamadali na akong sumakay sa kotse ko at nag drive na papuntang trabaho.

Makalipas ang isang oras na biyahe papuntang trabaho, pagka baba ko ng sasakyan ay nakita ko si Bri na pababa na din sa sasakyan niya at mukhang nagmamadali din.

Kase nga late na kami, magkaibigan talaga kami ng babaeng 'to. Pati pagiging late bonding na namin.

Hindi niya pa ata ako napansin sa kakamadali niya, kaya tinawag ko na siya.

"Hoy bri!" Malakas na sigaw ko sa kaniya yung alam kong rinig na rinig niya.

At hindi nga ako nagkamali dahil nagpalinga linga pa siya ng marinig ang sigaw ko.

Nang makita na niya ako ay dali dali na siyang naglakad papalapit sa akin.

"Hala Ze, late na tayo tara na." Nagmamadali niyang yaya sa akin.

Duh, alam ko naman iyon. Hindi na niya kailangan ipaalala.

"Sige." Pagsang ayon ko sa kaniya.

Habang naglalakad kami papasok sa office hinahanap ko si Jacob, at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya na papalapit na din sa pwesto namin.

Napangiti nalang ako ng makita ko siya, at ginantihan naman niya ako ng isang matamis na ngiti.

Shit! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Feeling ko nga namumula na naman iyong mukha ko.

Nakakahiya ang aga aga eh.

Buti na lang hindi ako napapansin ni Bri.

"Aga aga naglalandian kayo, at sa harap ko pa talaga ha." Saad no Bri.

Shit! Akala ko hindi niya na mapapansin. Lakas talaga ng pakiramdam nito.

"Hi Ze, good morning." Nakangiting bati ni Jacob.

"Hello, good morning din sayo. " Nakangiting bati ko din sa kaniya.

"Andito din ako Jacob, bakit si Ze na naman lang ang binati mo?" Nakasimangot na tanong ni Bri.

Napatawa naman kaming dalawa ni Jacob ng dahil sa sinabing iyon ni Bri.

May sasabihin pa sana ako kay Jacob kaso naputol iyon ng may biglang magsalita.

Yung boss pala namin at, teka? may kasama siyang babae na maganda atsaka sexy.

Mukha din siyang sopistikada.

At mukhang hindi ko siya makakasundo.

Yung aura pa lang niya, sinasabi na agad na hindi siya makikipag usap sa isang katulad ko.

Napabalik naman ako sa wisyo ng magsalita ulit yung boss namin.

"May i have your attention everyone?" Nakangiting saad ni sir.

Napabaling na kami sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya.

"So, as you can see may kasama ako dito, which is our new Architect again." Masiglang saad ni boss.

Ha? na naman? bakit andami atang nag aapply dito sa amin.

No offense ha, maganda naman yung trabaho dito pero hindi talaga madami ang nag aapply sa amin kaya nagtataka ako na meron na namang bagong architect.

At bakit imbis na matuwa ako eh, naiirita pa ako sa presensiya ng babae na ito.

Mukhang walang gagawing maganda eh. Parang si Bri. Hindi kata magkapatid silang dalawa?

"So everyone, she's Meryl Lee." Masiglang pakilala ni sir sa bagong katrabaho namin.

"Hi everyone, nice to meet you." Mahinhin na bati ni Meryl sa aming lahat.

Bakit feeling ko, hindi totoo yung pagiging mahinhin niya?

Bakit pakiramdam ko nagpapakitang tao lang siya?

Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at binati na lang din siya pabalik.

"Nice to meet you din." Sabay sabay naming bati sa kaniya pabalik.

Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang malalagkit na tingin niya kay Jacob, na talaga namang nakapag pakulo ng dugo ko.

Ano tinitingin niya diyan? dukutin ko mata niya eh tsk!

"Hoy Ze, para ka namang papatay." Nakangising saad ni Bri.

Talagang nang aasar pa siya eh.

"Talaga, mamaya patay yan sa akin." Seryosong saad ko sa kaniya.

"Aba mukhang may nagseselos." Saad niya na may panunuksong tono.

"Tss. Tigil tigilan mo ako Bri." Naiinis na saad ko sa kaniya.

Tumawa naman ito ng mahina dahil sa sinabi ko.

Tiningnan ko naman siya ng masama pero ang gaga lalo pang tumawa.

Enjoy na enjoy na naman siyang sirain ang araw ko.

Matapos magpakilala si Meryl, bumalik na din kami sa trabaho namin, kaso lalo pang kumulo ang dugo ko ng malaman kong katabi ng desk ni Jacob si Meryl.

Hay ano bayan! bwiset talaga. Baka mamaya inaahas na non si Jacob eh.

Hindi ko na lang muna inisip yon, at sinimulan ng magtrabaho.

Habang nag i-sketch ako, may narinig akong boses, boses malandi eh.

Alam ko na agad kung sino yon bwiset.

Edi sino pa? edi si Meryl.

Alam kong mali ang mang husga ng kapwa pero kahusga husga naman kasi yung itsura ni Meryl. Mukha lang matino, pero nasa loob talaga yung baho.

Lumapit ako ng konti sa table nila para malinaw kong marinig ang kung ano mang pinag uusapan nila.

Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba, pero kase may nagtutulak sa akin na makinig sa kung ano man ang pag uusapan nila.

"Namiss kita Jacob, how are you?" Malanding tanong ni Meryl.

Ha? magkakilala sila? Atsaka, nasobrahan naman ata sa landi yung boses ni Meryl.

"Tss okay lang ako." Malamig na saad ni Jacob.

hala? ano nangyari don? bakit naging cold?

"Ano kaba naman Jacob, para namang wala tayong pinagsamahan kung tratuhin mo ako ngayon." Saad ni Meryl ng may malungkot na tono.

ha? pinagsamahan? so magkakilala nga sila? magkaano ano kaya sila?

"Kinalimutan ko na yon Meryl, at wala akong ex na manloloko." Malamig na saad ni Jacob.

Ano? mag ex sila? kaya pala ganoon na lang ang tingin ni Meryl kay Jacob kanina.

Pero kung mag ex na sila, hindi ba dapat hindi na lapitan ni Meryl si Jacob at hayaan na niya si Jacob?

"Babawiin kita jacob, mapapasa akin ka ulit." Seryosong saad ni Meryl.

Kapal niya! Hindi ko ibibigay si Jacob sa kaniya no!

"May mahal na akong iba at si Ze yon." Saad ni Jacob.

Shit! bigla na lang kumabog ng malakas yung dibdib ko dahil sa narinig ko. Mahal na pala niya ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.

"At sino naman yon? yung mukhang bisugo kanina na tinititigan mo?" Nayayamot na saad ni Meryl.

Anak ng! bisugo daw?! mas mukha nga siyang bisugo kaysa sa akin eh!

Nako bwiset ka talagang babae ka!
Wala na akong narinig pa mula sa kanila, mukhang hindi na rin pinatulan ni Jacob yung kamalditahan ng babaeng yun tss mabuti na lang.

Bumalik na lang ulit ako sa trabaho ko matapos makinig sa usapan nilang dalawa.

Her Cruel FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon