Jake
Papasok na ako sa trabaho ngayon at tahimik lang na naglalakad papunta sa office.
Habang naglalakad ako papasok sa office namin, nakarinig ako ng mga bulungan, hindi ko na sana papansinin kaso narinig ko ang pangan ni Ze kaya nakuha nito ang atensiyon ko.
"Grabe kawawa naman si Ze no." officemate1.
"Oo nga, ano kaya nangyare." officemate2.
"Ewan, nakita na lang namin mugto na yung mata niya." officemate1.
Nang dahil sa narinig ko, dali dali akong pumunta sa pwesto kung saan nagkukumpulan yung mga katrabaho ko.
At para makita na rin kung anong nangyayari.
At hindi nga ako nabigo, dahil nakita ko si Ze na nakaupo sa sahig at namumugto ang mata at nakatulala na lang na parang napakalalim ng iniisip.
Damn, anong nangyare? tanong ko sa sarili ko.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Jacob at ang tarantado nakatingin lang kay Ze ng malamig, samantalang si Meryl nakakapit pa sa braso ni Jacob at mukhang enjoy na enjoy pa sa nakikita niya.
Gustong gusto ko ng sugurin si Jacob dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon ngayon ni Ze.
Damn you Jacob! Akala ko iba ka, sasaktan mo lang din pala si Ze.
Binalaan na kita na huwag mong sasaktan si Ze, pero heto pa ang ginawa mo.
Galit ako, dahil naging mabuting kaibigan din naman sa akin si Ze.
At dahil nga alam ko kung ano ang nakaraan niya.
Napatingin naman ako kay Bri ng marinig ko ang boses niya.
"Omg Ze! ano nangyari sayo?" Naghihisterikal na tanong ni Bri kay Ze.
"Bri, umalis na muna tayo dito." Nanghihinang saad ni Ze kay Bri.
"Sige, sandali lang ipagpapaalam kita." Seryosong saad ni Bri.
Umalis saglit si Bri para ipagpaalam si Ze.
At pagbalik niya ay tuluyan na silang umalis na dalawa ni Ze.
Muli akong sumulyap kay Jacob na nakatingin din sa papaalis na si Ze.
At nangunot ang noo ko ng makita kong nangingilid ang luha niya.
Hindi ko na lang pinansin iyon at iniwas na ang tingin ko sa kaniya.
~~
JacobAndito ako ngayon sa loob ng office masyado ata akong maaga dahil ako pa lang ang tao.
Nag aayos ako ng gamit ko ng may biglang yumakap sa akin sa likod, pagtingin ko si Meryl pala tss.
"Ano na naman kailangan mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Kailan mo ba hihiwalayan yung girlfriend mo?" Naiiritang tanong niya sa akin.
Damn, kung alam mo lang. Hinding hindi ko siya kayang hiwalayan pero kailangan.
At hindi ko gagawin ang nga bagay na 'to kung hindi lang kailangan.
"Humahanap pa ko ng tyempo, wag ka mag-alala hihiwalayan ko din siya wag ka mainip." Saad ko sa kaniya.
"Siguraduhin mo lang." Naiiritang saad niya.
Hindi ko babalikan si Meryl, ginagamit ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Short StoryHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?