Zerraine
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pag iisip kay Jacob, dahil hindi ko maisip na hahantong lang sa ganito ang lahat.
Bakit kailangan kunin na naman sa akin yung taong mahalaga sa akin?
Ang saklap naman masyado ng tadhana sa akin.
Napabalik na lang ako sa wisyo ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Bri.
"Ze? tara na." Yaya niya sa akin.
"Sige susunod ako." Matamlay kong saad sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita at tumango na lang.
Papunta kami ngayon ni Bri sa bahay nila Jacob dahil nakaburol na daw ito, ayoko pa ngang sumama dahil hindi ko siya kayang makitang nasa ataul na lang.
Hindi ko kaya na hanggang tingin na lang ako ngayon sa kaniya, dahil kahit kailan hinding hindi na kami mag kikita pa.
Tumayo na ako at sumunod na kay Bri.
Habang nasa biyahe kami nakatulala lang ako sa labas, at nag iisip ng kung ano ano.
Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nila Jacob.
Andito na rin pala ang mga magulang niya, pati na rin si Meryl.
Hindi ako galit kay Meryl dahil nagmahal lang din naman siya eh.
At alam ko namang nasaktan din siya sa mga nalaman niya.
"Ze." Tawag sa akin ni Jake.
Napatingin naman ang mga magulang ni Jacob sa akin at hindi na nag atubili pang yakapin ako, lalo akong naiyak ng marinig ang mga impit na iyak ng mga tao dito ngayon lalo na ng magulang ni Jacob.
Nang bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin, dahan dahan akong lumapit sa ataul kung nasaan si Jacob.
Ang hirap, ang sakit sakit na makita siyang nasa ataul na lang.
Yung matatamis niyang ngiti, hinding hindi ko na ulit makikita pa.
~~
Oras na ngayon ng pagbibigay ng speech.
Hindi ko alam kung kaya ko bang magsalita, pero kakayanin ko para kay Jacob.
"Ze, ikaw na." Saad ni Bri.
Hindi ko namalayan na ako na pala.
Dahan dahan akong tumayo at naglakad papalapit sa entablado at nanginginig kong hinawakan ang mikropono at huminga ng malalim.
"Galing ako sa isang masakit na nakaraan, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay, pakiramdam ko wala na akong kwenta simula nung mawala si Daniel, ang taong dapat ay mapapangasawa ko, pero ng dumating sa buhay ko si Jacob, nabalik ang dating saya at sigla ko para bang nakalimutan ko na galing ako sa isang masalimuot na nakaraan, kapag kasama ko siya humihinto ang paligid at siya lang ang nakikita ko, ang mga ngiti niyang nakakahipnotismo, mga bagay na hindi ko na mararanasan kasama siya, mga bagay na gusto kong subukan kasama siya, akala ko habang buhay na pero sabi nga nila hindi lahat ng dumarating nananatili.
Ngunit, kahit iyon ay panandaliang saya lamang kasama siya ay ayos lang sakin dahil nadama ko kung gaano kasarap magmahal muli."
Pagkatapos kong magsalita, ay hindi ko na napigilan ang mga hulang kanina pa gustong kumawala, nang makabalik ako sa pwesto ko ay dali dali akong niyakap ni Bri at pinakalma.
~~
Nang matapos ang speech, pumunta na kaagad ako sa tabi ni Jacob para bantayan siya.Sinusulit ko na ang oras at araw na maaari ko pang makita ang maamo niyang mukha.
Nakatitig lang ako sa mukha niya at kinakabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya ng may nagsalita galing sa likod ko.
"Ze." Tawag ni Bri.
"Hmm?" Tanging saad ko.
"Kumain kana." Saad niya.
"Ayoko Bri, wala akong gana." Matamlay kong saad sa kaniya.
Umalis na rin siya dahil alam niyang hindi niya ako mapipilit, dahil wala talaga akong gana ngayon.
Ang gusto ko lang ay ang pag masdan ang mukha ni Jacob.
~~
Mag gagabi na at marami na rin ang umuwi sa kani-kanilang bahay, pauwi na rin kami ni Bri para makapag pahinga."Tita, tito mauna na po muna kami." Paalam ko sa kanilang dalawa.
"Sige iha, ingat kayo." Saad ni tita.
Tuluyan na kaming umalis ni Bri.
Tahimik lang kami ni Bri sa kotse at walang gustong magsalita dahil, hindi pa rin namin matanggap na bigla na lang nawala si jacob ng ganon kabilis.
Matapos ang isang oras na biyahe ay nakarating na rin kami ni Bri sa bahay.
Gusto niya daw ako samahan.
Nako, hindi pa niya sabihin na gusto niya lang makalibre ng pagkain.
"Sige na Bri, akyat na ako sa kwarto." Paalam ko kay Bri.
"Oh sige, good night. Manunuod na muna ako dito." Saad niya habang nakatutok ang mata sa tv.
Napailing na lang ako dahil doon.
Napapikit naman na lang ako ng maramdaman ko ang malambot kong kama.
Napadilat naman ako bigla ng maalala ko ang mukha ni Jacob ng una kaming mag kita.
Yung mata niyang nagiging kulay tsokolate kapag nasisinagan ng araw.
Yung ilong niya na masarap pisilin dahil sa tangos.
Yung makapal niyang kilang na nakakatuwang tingnan kapag nagdidikit kapag naiinis siya.
"Ang daya mo naman Jacob eh." Kausap ko sa sarili ko.
"Kung sana sinabi mo lang sa akin yung sitwasyon mo, maiintindihan naman kita eh."
"Kase ganon kita ka mahal."
"Pero bakit sinarili mo lang? Dahil ba ayaw mong mag alala ako sayo?"
"Pero kase Jacob, gusto ko sana yung dalawa tayong magkasama na susolusyunan yung problema eh."
"Kase ganon naman dapat ang ginagawa ng dalawang magkarelasyon hindi ba?"
"Kapag hindi na kaya nung isa, susuportahan nung isa. Ganon dapat hindi ba?"
"Pero ang selfish mo eh, sinarili mo lahat."
"Alam ko naman na ginawa mo lang yun dahil mahal mo ako, pero mahal rin naman kita eh. At gagawin ko ang lahat para sayo."
Tuluyan ng pumatak yung mga hula na kanina ko pa pinipigilang kumawala.
At dahan dahang bumibigat ang talukap ng aking mata.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Short StoryHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?