Chapter 14

59 32 0
                                    

Meryl

Masaya akong naglalakad ngayon papasok sa office namin, lalo pang lumaki ang ngiti ko ng makita ko si Jacob at wala si Zerraine.

"Hi jacob." Masayang bati ko sa kaniya.

Pero isang tango lang ang na tanggap ko, nagtaka naman ako dahil hindi naman siya ganito ah.

Hindi ko na lang siya kinulit dahil baka wala lang sa mood.

Umupo na ako sa desk ko at nag simula ng magtrabaho, mamaya ko na lang kakausapin si Jacob.

                            ~~
Jacob

Busy ako sa pag aayos ng papel ng may bumati sa akin, tss si Meryl lang pala.

Napag desisyonan ko na din na sabihin sa kaniya na ginagamit ko lang siya para hindi na siya lalong masaktan at umasa na mamahalin ko pa siya.

Alam ko namang makakahanap pa siya ng mas higit sa akin, at alam ko namang nakokonsensiya lang siya sa panlolokong ginawa niya sa akin noon kaya siya nagkakaganito ngayon.

Balak ko na din makipag usap at makipag hiwalay kay Ze.

Oo alam kong nasasaktan pa rin siya sa nangyari at heto ako si gago lalo pa siyang sasaktan, wala na akong choice kundi sabihin sa kaniya ang totoo kaysa patagalin ko pa.

Ayokong itanim sa isip ni Ze na niloko ko siya, ayoko. Dahil hindi naman yun ang dahilan.

Tapos na ang trabaho namin, kaya nag aayos na ang iba para umuwi.

Nang makita ko si Meryl na paalis na, tinawag ko siya.

"Meryl!" Tawag ko sa kaniya.

"Yes jacob?" Malambing na saad niya.

"Mag usap tayo." Seryosong saad ko sa kaniya.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka, ngunit kalauna'y tumango din.

Nauna na akong maglakad at naka sunod naman siya.

Napagpasyahan ko na sa kotse na lang kami mag usap para kaming dalawa lang.

Nang makapasok na kami sa kotse, hahalikan pa sana ako ni Meryl pero mabilis kong iniwas ang mukha ko.

Nakita ko kung paano siya nainis sa ginawa ko pero wala na kong pakielam.

"Meryl." Panimula ko.

Nakatingin lang siya sakin at tila hinihintay ang sunod na sasabihin ko, kaya hindi na ako nagpaligot ligoy pa at sinabi na ang totoo.

"Meryl, ang totoo niyan ginagamit lang kita para lumayo ang loob ni Ze sa akin. Ginamit kita, dahil alam kong mahal mo pa ako. Pero meryl, nagsisisi naman ako sa ginawa ko dahil nasaktan kita, kayong dalawa ni Ze. Ayos lang kung hindi mo na ako mapapatawad, pero gusto ko pa rin humingi ng tawad sa nagawa ko sayo." Mahabang paliwanag ko sa kaniya.

Hindi ako nakarinig ng kahit ano galing kay Meryl kaya inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang umiiyak na.

"Hahaha alam ko naman yon." Saad niya habang umiiyak.

Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka, anong alam niya? alam niyang ginagamit ko lang siya? P-pero.. hindi man lang siya nagreklamo, hinayaan niya lang ako.

"Alam ko naman na hindi mo na ako mamahalin ulit eh, pero umasa pa din ako na baka sakali diba? kaso wala eh. Mas mahal mo si Zerraine, na nagawa mo pa ngang mang gamit ng iba para lang sakaniya." Tumawa siya ng mapakla matapos sabihin iyon.

Hindi ako makapag salita, dahil totoo naman ang sinabi niya.

"Bakit ganon? ang unfair mo naman masyado Jacob, pero okay lang naiintindihan kita. Mahal mo siya eh. Salamat sa pagsasabi ng totoo Jacob." Saad niya habang pinupunasan ang luha niya.

"Sorry." Saad ko habang nakayuko.

"Ano kaba ayos lang." Saad niya.

"Oh sige mauna nako Jacob, goodbye." Pagpapaalam niya.

"Hatid na kita sa kotse mo." Pagpepresinta ko sa kaniya.

"Okay." Nakangiti niyang saad.

Nang makalabas na kami sa kotse, naglakad na kami papunta sa kotse niya.

Sasakay na sana siya ng bigla siyang napatigil.

"Oh bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi siya sumagot, at bigla na lang akong niyakap.

Niyakap ko din siya pabalik dahil huli na to.

"Goodbye Jacob." Paalam niya.

Pabalik na sana ko sa kotse ko pero napahinto ako ng pagharap ko nandoon si Ze na walang emosyon na nakatingin sa akin.

"Ze." Mahina kong usal ngunit alam kong narinig niya.

"Jacob." Malamig niyang saad.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" Kinakabahan kong tanong.

Ngunit hindi ako nakarinig ng sagot sa kaniya, tanging tango lang ang ibinigay niya.

Nauna siyang naglakad at naupo sa isang bench malapit.

Nang makatabi ako sa kaniya, walang nag tangkang magsalita.

Kaya huminga muna ako ng malalim atsaka binigkas ang mga salitang alam kong lalong magpapadurog ng puso niya.

"Ze, I... I'm b-breaking up with you." Nahihirapan kong saad.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya at biglang sumikip ang dibdib ko ng makita siyang umiiyak at nasasaktan.

Damn, I'm so sorry baby.

"May isang tanong lang ako sayo." Saad niya habang umiiyak pa rin.

"Ano yon?" Nagtataka kong tanong.

"Minahal mo ba ko?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ako nakasagot agad, pero nang makabawi na ako binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at sinagot ang tanong niya.

"Sobra Ze, sobrang mahal kita. Alam kong nasasaktan ka dahil sa mga nangyari pero Ze, sana pagdating ng panahon mapatawad mo ako sa nagawa ko, may rason ako Ze kaya ko nagawa yon, sana mapatawad mo pa ko I'm so sorry Ze." Saad ko habang umiiyak.

"Sige." Simpleng saad niya.

"A-anong s-sige?" Nagtataka kong tanong.

"Maghiwalay na tayo." Simpleng saad niya.

Napatingin ako bigla sa kaniya, dahil parang wala lang sa kaniya yon habang sinasabi niya.

Nakatingin lang siya sa ulap at para bang may iniisip.

"Sige Jacob, paalam na hanggang sa muli nating pag kikita." Paalam niya habang tumatayo.

Napangiti ako ng mapakla sa narinig kong iyon, muling pagkikita? Sana nga Ze, Sana.

"Goodbye Jacob" Saad niya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Iloveyou Ze." Bulong ko sa hangin at may malungkot na ngiti sa labi.

Nang mawala na sa paningin ko si Ze, saka na tuluyang dumilim ang paningin ko at bumagsak.

Her Cruel FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon