Zerraine
Nagmamaneho ako ngayon, papunta sa trabaho pero hindi ako papasok.
Bibisitahin ko lang si Bri, naiinip na rin kase ko sa bahay.
Nang makapag park na ako, maglalakad na sana ko papasok ng may mahagip ang mata ko.
Si Jacob at Meryl na magkayakap, napangiti na lang ako ng mapakla sa nakita ko.
Tanggap ko na, pero sana lang may magandang rason si Jacob sa ginawa niyang panloloko sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanila hanggang makaalis si Meryl, aalis na sana ko pero huli na nakita na ako ni Jacob.
Tinawag niya ako, at sinabing mag usap kami.
Pumayag na ako kahit alam kong hindi maganda ang sasabihin niya.
Nauna na akong maglakad at maupo sa nakita kong bench.
Nang makaupo siya walang nagsasalita sa amin, pero maya-maya nagsalita na siya at binigkas ang mga salitang kinakatakutan kong marinig.
"Ze, I... I'm b-breaking up with you." Nahihirapang saad niya.
Hindi ako nakapagsalita agad, bigla ko na lang naramdaman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak.
Damn, ang sakit sakit. Bakit ganon? kung kailan minahal mo na ng todo atsaka ka naman sasaktan?
"May isang tanong lang ako sayo." Saad ko sa kaniya.
"Ano yon?" Nagtatakang tanong niya.
"Minahal mo ba ko?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi siya nakasagot agad kaya tiningnan ko siya, at para akong hinihipnotismo ng mga ngiti niya damn, how i miss those smile.
"Sobra Ze, sobrang mahal kita. Alam kong nasasaktan ka dahil sa mga nangyari pero Ze, sana pagdating ng panahon mapatawad mo ako sa nagawa ko, may rason ako Ze kaya ko nagawa yon, sana mapatawad mo pa ako I'm so sorry ze." Umiiyak niyang saad.
Oo, mapapatawad kita Jacob pero yung sugat na binigay mo sa akin, sa tingin ko hinding hindi maghihilom.
Siguro nga tama na, masyado na akong nasasaktan.
Suko na ko, pagod na pagod na ko masaktan. Hindi ko na kaya.
"Sige." Simpleng saad ko sa kaniya.
"A-anong s-sige?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Maghiwalay na tayo." Simpleng saad ko sa kaniya.
Alam ko pati siya nabigla sa naging sagot ko pero hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa, inunahan ko na siya.
"Sige Jacob, paalam na hanggang sa muli nating pag kikita." Saad ko sa kaniya habang paalis na.
"Goodbye Jacob." Paalam ko sa kaniya.
At nauna na akong umalis, may narinig pa akong sinabi niya pero hindi malinaw kaya hindi ko na pinansin.
~~
Natuloy ako sa pag bisita kay Bri kahit na ganon ang nangyari, kinwento ko na din sa kaniya lahat.Syempre si gaga todo confort sa akin.
Hindi ko na rin masyadong inisip yon.
Masyado na akong pagod, gusto ko nalang magpahinga. Ayoko ng masaktan ulit.
Sabi nila hindi ka nagmamahal pag hindi ka nasasaktan? Bakit kailangan pa natin masaktan para masabing nagmamahal tayo? Hindi pa ba sapat yung naibibigay natin na pagmamahal?
Umuwi na rin kami agad ni Bri, pag katapos ng trabaho niya dahil pagod na rin kami parehas.
Kahit wala naman akong ginawa kundi mangulit sa kaniya.
Nang makauwi ako dumiretso na ko kaagad sa kwarto para magpahinga.
Ayoko ng mag isip ng kung ano ano, nakakapagod lang.
Pumikit na lang ako, at hindi ko na namalayan na nakatulog na ko.
~~
JakePapunta na sana ko sa kotse ko para umuwi na ng may makita akong taong nakahandusay sa parking lot, dali dali akong lumapit at halos nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino to.
"Damn! Jacob? pre? gising pre!" Sigaw ko sa kaniya.
Natataranta na ako dahil hindi siya gumigising kaya dali dali ko siyang binuhat at sinakay sa kotse.
Damn, mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para lang makarating agad sa ospital.
"Pre! kapit lang, gago wag ka muna mamamatay. Laban lang!" Sigaw ko sa kaniya.
Kahit hindi ko alam kung naririnig ba niya ko o naiintindihan.
Nang makarating na kami sa ospital, binuhat ko agad si jacob at tumawag ng nurse.
"Nurse! Nurse! tulong ang kaibigan ko." Sigaw ko sa kanila.
May mga dumating ng nurse at chineck na si Jacob pagkasakay sa kaniya sa stretcher dinala na siya sa Er.
Nagtataka ako bakit sa Er? May sakit ba si Jacob?
Mga ilang oras akong naghintay sa magiging lagay ni Jacob, ako lang ang nandito sa ospital dahil hindi ko naman alam ang contact number ng mga magulang niya.
Sana ayos lang si Jacob, natigil ako sa pag iisip ng may magsalita.
"Iho? kaano-ano kaba ng pasyente?" Tanong ng doktor.
"Ah eh, kaibigan ho. Kamusta na ho ba siya?" Tanong ko.
Pero ilang minuto ang lumipas hindi pa rin sumasagot ang doktor kaya tinatanong ko siyang muli.
"Doc?" Nakakunot noo kong tanong.
"Iho, wag ka mabibigla." Saad niya habang nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"ano bayon doc?! sabihin mo na!" Naiinis kong saad dahil nag aalala na ako sa kalagayan ng kaibigan ko.
"Wala na ang pasyente." Saad ng doktor.
A-anong? W-wala? Hindi mag sink in sa utak ko yung narinig ko pero paulit ulit sa isip ko.
"Wala na ang pasyente."
"Wala na ang pasyente."
"Wala na ang pasyente."D-damn, h-hindi..
"Anong wala na?! Nagbibiro kaba?!" Galit kong tanong sa kaniya.
"Wala na siya iho, hindi na niya kinaya." Saad niya.
"A-anong hindi kinaya?" Nanlulumong tanong ko.
"May cancer siya, kumalat na ang cancer sa buong katawan niya hanggang sa umabot sa puso na siyang kinamatay niya, hindi nagamot ang cancer niya dahil wala pa itong gamot." Mahabang paliwanang niya.
Hindi ako makapag salita, dahil sa tagal naming magkaibigan ni hindi niya nabanggit sa akin ang bagay na yon. Iniwan na ako ng doktor matapos ipaliwanag ang lahat.
Tumayo na ko at pumunta sa kwarto kung nasan si Jacob.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Short StoryHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?