Chapter 16

60 32 0
                                    

Meryl

Matapos ang huling pag uusap namin ni Jacob, umalis na ako ng pilipinas.

Bumalik na ako ng ibang bansa, bakit pa ko mananatili doon kung wala naman na kong pag asa.

Sana lang maging masaya na siya.

Wala akong galit kay Jacob kahit na ginamit niya ako, ganoon ko siya kamahal.

Pero siguro panahon na din para mag move on.

                             ~~
Zerraine

Nagising ako dahil kanina pa nag ri-ring ang cellphone ko.

Pag tingin ko sa labas hapon na pala, nang tignan ko ang cellphone ko pag kakita ko puro missed call galing kay Jake? Bakit kaya?

Mamaya ko na lang siya tatawagan ulit.

Papunta na sana ko sa banyo para maligo ng marinig ko ang sunod sunod na doorbell, kaya dali dali akong bumaba at tignan kung sino yon.

"Tekaaa sandali eto na!" Sigaw ko sa kung sino man yon.

"Ze! buksan mo to bilis!" Sigaw pabalik ni Bri.

Si Bri?

Ano ginagawa nito dito? Hapon na ah.

Pag bukas ko ng pintuan dali dali niya akong hinila paupo, atsaka siya huminga ng malalim bago nagsalita.

Ano ba nangyayari sa kaniya?

Kinakabahan ako sa inaakto niya eh.

"Ze." Seryosong saad niya.

Lalo akong kinabahan dahil sa pagiging seryoso niya.

Bakit ganito? kinakabahan ako, parang ayoko marinig kung ano man ang sasabihin ni Bri.

"Si jacob..." Mahinang saad niya.

"Oh bakit si Jacob?" Nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

"k-kase.. Ze.. p-patay na siya." Utal utal at mahinang saad niya.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano ba naman tong si Bri, magbibiro na lang hindi pa maganda.

"Gaga wag ka nga magbiro." Saad ko sa kaniya habang tumatawa pa.

Pero napatigil ako ng bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso, kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Ze, seryoso ako. W-wala na si Jacob." Seryosong saad niya.

A-anong? w-wala na? paano nangyari yon?

Okay pa naman siya nung huli naming pag uusap ah.

Hindi ako nakasagot agad kay Bri, dahil pinoproseso ko pang mabuti sa isipan ko ang mga sinabi niya.

"Ze, I'm sorry." Saad niya sabay yakap sa akin.

"N-no! H-hindi totoo yan Bri!" Sigaw ko sa kaniya.

Nagsimula ng mag unahan sa pagpatak ang mga luha ko.

"Sorry Ze." Naiiyak niyang saad.

"N-no, h-hindi! h-hindi siya patay!" Naiiyak kong sigaw sa kaniya.

Nakayakap lang si abri sa akin hanggang kumalma na ako, nang kumalma na ako dali dali akong pumunta sa kwarto para mag bihis at para na rin puntahan kung nasaan man si Jacob.

                            ~~
Habang papunta kami ni Bri sa ospital hindi ko pa den mapigilan mag isip, paanong? may sakit siya? hindi man lang niya sinabi sa akin.

Sabi kasi ni Bri, cancer daw ang kinamatay ni Jacob sabi sa ospital.

Sa dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa ospital, parang bigla akong napako sa kinatatayuan ko at parang ayoko siyang makitang isa na lang malamig na bangkay.

Pero, hinila na ako ni Bri at wala na akong magawa kundi ang sumama.

Habang palapit kami ng palapit, pabigat ng pabigat naman ang nararamdaman kong kaba.

Nasa tapat na kami ng pinto, at ng buksan ni Bri ang pintuan napako na lang ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang maamong mukha ni Jacob na parang mahimbing na natutulog lang, at ang mga mata niyang kahit kailangan ay hindi ko na makikita pa.

Hindi ko na kinaya pa at napaluhod na lang sa aking nakita.

"J-jacob." Mahinang tawag ko sa pangalan niya habang humahagulgol ng iyak.

                            ~~
Bri

Alam kong napakahirap para kay Ze na makita ang pinakamamahal niya na nakaratay sa higaan at hindi na humihinga pa.

Nilapitan ko si Ze para yakapin at pakalmahin, nang maging maayos na siya lumakad siya at tumabi sa wala ng buhay na si Jacob.

Walang gustong magsalita sa amin, para bang ninanamnam namin ang katahimikan.

Ngunit nabasag ito ng magsalita si Ze.

"Anong nangyari jake?" Tanong niya.

Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula kay Jake na halatang wala sa wisyo ang isip dahil na rin siguro sa pagkawala ng nag iisa niyang kaibigan.

Napalingon kami ng may mag bukas ng pintuan, at nakita namin si Meryl na namamaga ang mata at mukhang nagmamadaling pumunta dito.

Lumapit siya kaagad kay Jacob at doon na siya tuluyang humagulgol ng iyak.

Iyak lang niya ang maririnig sa loob ng kwarto. Nang mahimas masan na siya ay bigla siyang nagsalita.

"Ang swerte mo Ze." Saad ni Meryl.

Napakunot naman ako ng noo ng sabihin ni Meryl iyon.

Maski si Ze ay mukhang nagulat at hindi rin alam ang ibig sabihin ni Meryl.

"Dahil nagawa niyang manakit ng iba, para lang sa kapakanan mo." Pagpapatuloy pa niya.

Lalo pa kaming nagtaka at nabigla sa sinasabi niya, lalo na si Ze.

"Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Ze.

"Ginamit niya ko para layuan mo siya." Diretsong saad ni Meryl.

Nang dahil sa sinabi niyang iyon, napatingin kami sa kaniya at makikita mo ang lungkot sa mga mata niya.

"Alam niyang mahal ko pa siya, kaya sinamantala niya yon para gamitin ako para layuan mo siya, para isipin mo na niloloko ka niya." Pagpapatuloy pa niya.

"Pero hindi siya nagloko Ze, wala siyang choice kundi ang gawin yun dahil sa tingin niya yun ang tama." Dagdag pa niya

Matapos namin marinig yon galing sa kaniya, namutawi ang katahimikan sa aming tatlo.

Walang nakapagsalita sa amin dahil don, maski si Ze ay hindi rin nakapagsalita.

Dahil, ang buong akala namin niloko ni Jacob si Ze.

Pero mukhang mali kaming lahat.

Her Cruel FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon