Calie

185 3 0
                                        

*HeavenInMyEyes*

Part7

Calie*
POV

Nakisuyo ako sa Babaeng nagpapicture saken na sya yung magbayad sa Counter nung Napkin na binili ko tapos inabutan ko sya ng Pera.

Napapakamot Ulo tuloy ako kase nasilip ko si Rio na nakasimangot habang nakatingin saken.

"Jusko po... Kala yata nya lumalandi ako dito." Sabi ko.

"Hehe. Crush Eto na po yung Napkin tyaka Sukli mo." Sabi nitong Babae.

Hinarap ko agad to saka nginitian.

"Nako, salamat ah. Hehe. Sayo na yang Sukli. Hihi. Aalis na ko kase may Umuusok na ilong sa Kotse ko." Sabi ko saka kinuha itong Supot kung san nasa Loob yung Charmy with Wings.

"Hala. Salamat po Crush. Ang Laki pa nitong Sukli oh? Akin na to??" Sabi nito.

"Oo, sayo na yan. Hehe. Bye. Salamat ulit ah." Sabi ko.

Tumango-tango habang nakangiti itong Babae tapos naglakad na ko saka Lumabas dito sa 7/11.
Lumapit na ko sa Kotse ko saka Sumakay sa Driver Seat ko.

Nakasimangot si Rio nang iabot ko tong Napkin.

"Oh? Bakit galit ka... Akala mo nakikipaglandian ako dun?" Sabi ko.

"Hmp. Hindi pa ba? I saw you. Nakikipag-bulungan ka pa. Hayp ka." Gigil na sabi nito.

"Hala sya oh... Nakisuyo lang ako dun sa Babae e kase hindi ko alam kung anong Bibilhin ko. Malay ko ba sa Pantapal na ginagamit mo." Sabi ko.

Tinanggap nito yung Supot na inaabot ko pero Matalim nya ko kung Titigan.

"Hmp. Iba pa naman ang Ugali ko pag may Dalaw ako. Nako, yari ka talaga saken." Sabi nito.

"Mga Babae talaga." Sabi ko.

"Hays. Saan ako maglalagay ngayon ng Napkin? Tyaka paano tayo makakapunta sa Mall e may Tagos ako? Tyaka wala akong pamalit na Panty. My god." Sabi nito.

"Uuwi na tayo sa inyo... Wag na muna tayong Gumala kung may Regla ka. Delikado pa e. Baka tagusan ka Ulit sa daan pa." Sabi ko at pinaandar na tong Kotse ko.

Tumahimik na si Rio.
Nagbukas nalang ako ng Radio para makapakinig ng Tugtog para maka Kalma ako sa nangyayare ngayon.

*****
Rio*
POV

Tahimik kame ni Calie habang nasa Byahe pabalik sa Bahay ko.
Nag-aalala tuloy ako na naTurn Off ito sa Ugali ko.
Sumandal ako dito sa Sandalan ng kinauupuan ko tapos palingon lingon ako kay Calie na Busy sa pagmamaneho nya.

"Hoy. Sorry na. Masungit lang talaga ako pag may Dalaw." Sabi ko.

"Ha? Wala naman saken yun ah." Sabi nito na hindi manlang ako tinitignan.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kase pakiramdam ko naTurn Off ito kaya ganito na kaseryoso.

"Hays... Infairness... Nagselos ako dun sa mga Babaeng nagpapicture sayo." Sabi ko.

Ngumiti ito.

"Oh, bakit ngumingiti ka. Haha." Sabi ko.

"Wala lang." Sabi nito habang nakangiti.

Umayos ako ng Upo dito kaya lang talagang lumalabas tong Dugo ko.

Para bang hinahabol habol ni Calie yung Hinga nya kaya nag-aalala akong baka Maselan ang pang-amoy nito Tapos baka nandidiri sya kaya ganito.
Napapailing iling kase sya.

"I'm sorry ah." Sabi ko.

Hindi ito sumagot basta binuksan nya yung Bintana ng Kotse nya para hindi magkulob yung Amoy ng Dugo ko.

Heaven in my Eyes (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon