Calie

416 11 6
                                    

*HeavenInMyEyes*

Part17
Warning SPG

Rio*
POV

Natameme ako dito sa kinauupuan ko habang nakangisi naman si Calie saken.

"Umatras na ko sa Pustahan ah." Mataray na sabi ko.

"Walang aatras." Sabi ni Calie.

"Aba magaling... Talagang ipaglalaban mo yang Gusto mo ah umatras na nga ko e." Sabi ko.

"Ikaw tong naghamon diba? Bakit ako, Umatras ba ko nung pumayag ako sa Gusto mo na Tatakbo akong nakahubo sa Labas ng Building na to." Sabi nya at tinarayan pa ko.

"Bahala ka. Ayaw ko... Basta umatras ako." Sabi ko.

"Gagapangin kita mamaya." Sabi nya.

Natatawa tuloy yung mga Tao dito tapos pinagtitinginan nila ko.

"Excuse me po. Eto na po ang Food nyo Ma'am at Sir." Sabi nitong Waiter at nilapag dito yung Pagkain namin ni Calie.

Inasikaso ko na nga to at hindi na tinitignan si Calie kase inaasar lang ako ng Ngiti nya.

"Hays." Bulong ko.

Nagsimula na kong Kumain.
Kung kailangan kong Bilisan gagawin ko para lang makatakas ako sa Kalokohang pinasok ko.

"Hoy, dahan-dahan naman sa pagkain? Baka mabilaukan ka... Saken ko lang gustong magbara yang Lalamunan mo. Wag sa Pagkain Pangit tignan." Sabi ni Calie.

Na ibuga ko tuloy tong nginunguya ko tapos tinatawanan nya ko.

"Jusko, mas Pangit tignan yung Sinabi mo." Sabi ko.

Uminom ako ng Juice tapos nagpatuloy na ulit sa Pagkain ko.

"Hmm. Sarap sarap. Diba?" Sabi nya.

Tinarayan ko sya.
Nginitian lang nya ko.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagkatapos naming Kumain ni Calie sya na tong nagsuot sa Kaliwang pulsu-pulsuhan ko ng Bracelet na Regalo raw nya saken.

Mamahalin to kaya tinanggap ko.
Syempre aarte pa ba ko.

"Ang Ganda." Bulong ko.

Tinignan ko si Calie sa Mukha nya tapos nakangiti ito habang inaayos tong pagkakasuot saken ng Bracelet.

"Mas maganda ka." Sabi nito.

"Malandi. Magka-away parin tayo Pre." Sabi ko.

Natawa ito.
Ganun ko sya tawagin Dati e.

"Tara na sa Room mo o sa Room ko." Sabi nito na parang iniinis ako.

"Ano ba. Umatras nga ko diba?" Mataray na sabi ko.

Binabasa ng Dila nya yung Labi nya kaya napapanganga ako habang tinititigan yung Mapula na yun.

"Aatras ka pa ba? Masarap na tong nag-aaya sayo." Sabi nito.

"Bahala ka nga dian... Hays. Babalik na ko sa Room ko kase babalik pa ko sa Farm bukas. Gagawa pa ko ng Alak remember?" Sabi ko.

"Oo nga pala. Hmm. Kaya hindi kita pwedeng puyatin. Tsk. Excited pa naman akong Kumain." Sabi nito habang nakangisi saken.

Nabubulabog ang Kalandian ko sa Katawan.
Bakit ba ganito si Calie.

"Tumigil ka Pre. Hindi parin tayo Bati ah. Hmp." Sabi ko at tinalikuran na sya.

*****
Calie*
POV

Nakakatuwa si Rio.
Hinaharot ko lang naman sya pero pakiramdam ko naaakit na ito Saken.

Heaven in my Eyes (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon