Chapter:Twenty Three

50 1 0
                                    

Final Flashback Part 4

Nasa bahay ako kase sabado ngayon.Mamaya pang 10:30 ako susunduin ni Remz para sa date namin mamayang one pm.Halos dalawang oras pa akong maghihintay wala pa naman sila mom rito dahil may meeting sila sa isang buyer ng paintings nila at si dad syempre sinamahan si mom.Kaya nagiisa ako rito sa bahay nandyan naman si yaya Felly pero kausap nya ang anak nya ngayon sa probinsya kaya di nya ako mapagtuunan ng pansin.Tumayo nalang ako dahil naisipan kong magbake nalang muna ng cup cakes para mamaya may maibigay naman ako.

Tanlented yata ito.Kanina lang rin pala ay kausap ko si Jzelle nangangamusta sya dahil sya lang naman ang may alam ng nangyari sakin kahapon at hindi narin ako nagbanggit kay Remz baka kasi mag-alala pa iyon at ayokong makaabala pa para lang sa laro ni Blood.Kung sino man sya ay hindi ko sya papatulan gusto ko lang malaman kung bakit kailangan nya akong gawan ng mga bagay na iyon.Pilit kong iwinaksi ang mga isiping iyon at itinuon ang pansin sa dapat kong gawin.A special cup cakes for Remz and others baka magtampo si Cj dahil kaibigan ko rin sya hindi ko man lang sila ginawan.Naiisip ko tuloy ang nakangusong labi nya kapag iisipin kong para lang kay Remz ang gagawin ko.And syempre kapag meron rin sila Cj ang nagtatampong muka naman ni Remz ang naaalala ko.

Ang childish nila.

"Ineng'Kyze may naghahanap sayo sa labas kaibigan raw ng daddy mo.".nilingon ko si Mang isko.

"Po?Kaibigan ni daddy?"

"Kylie Santiago raw."

Napakurap ako.Parang familair sakin ang pangalan pero nagloloading ang utak ko kung saan nga ba kami nagkakilala hanggang sa..

"Hala!"napatakbo ako sa labas ng bahay namin at nandon nga sya nakangiying naghihintay sa labas."Tita Kylie!"

"Kyze."binuksan ko ang gate at lumapit sa kanya na para bang mommy ko na sinalubong ko lang.Mabilis naman nya akong niyakap pabalik.

"A-Ano pong ginagawa nyo rito?Tara po pasok tayo saktong gumagawa ako ng cup cakes."

Ngumiti sya."Talaga?Pero baka nandyan ang daddy mo o ang mom--"

"Wala po sila.May inaasikaso pong business kaya ako lang magisa.Tara na po sa loob."

Iginaya ko sya sa loob at pinaupo sa mahabang sofa sa sala namin at tumakbo papuntang kusina.Nandon si yaya Felly at nagtitimpla ng juice.

"Naku,Hija hindi mi naman sinabi na may darating ka palang bisita sana naglinis muna ako bago kausapin si Dely."

Natawa ako."Naku manang Felly ayos lang po hindi ko nga rin po inaasahan ang pagdating ni tita Kylie rito."

"Tapos ka na ba?Ibibigay ko muna ito sa bisita mo ha."

"Opo pakidala narin po iyong brownies.Titignan ko pa po sa oven ang ilang pirasong cupcakes na nagawa ko."

"Sige."

Muntik pa akong mapaso sa sobrang pagmamadali ko natataranta kasi ako di ko gustong paghintayin si tita Kylie.Masaya akong nandito sya ang laki parin ng pasasalamat ko sa kanya dahil sa pagdalo nya sa pagsasabit sakin ng medal ko noong quiz bee winners.Noong natapos ako ay nag-ayos ako ng kunti at naagtungo na sa sala.Dala ang apat na pirasong cupcake.Dalawang chocolate cup cake at ube cup cake iyon hindi ko alam kung anong paborito nya at hindi pa ako nakakagawa ng ibang flavor.

"Ito po."

"Naku naabala ko pa yata ang pagbebake mo sorry ha napadaan kasi ako rito para kamustahin ka."

"Ayos lang po ako.At ang saya ko pong napadaan kayo rito sa bahay namin sana magustuhan nyo ang cup cakes."

Ngumiti sya at kinuha ang ube flavor.

The Pain Change HerWhere stories live. Discover now