Three -Mayabang-
"Ate sabi ni mommy tulungan daw natin mamaya yung bagong lipat sa kabilang bahay sa tapat." sabi ni Carl.
"And why would I do that?" tanong ko sa kanya. Hindi pa nga namin kilala, nakakahiya kaya.
"Eh kasi business partner daw ni Dad yung lilipat dyan. As far as I remembered, yung anak ata yung mauuna dyan e." sabi nya.
"Edi ikaw na lang tumulong Carl, tinatamad ako." sabi ko, nakakatamad kasi talaga.
"Ate dali na, kelangan ko lang pumunta kala Andrei, hindi ako makakaalis pag nandito ka sa bahay." sabi nya, at aba sinama pa ko sa kalokohan nya.
"Edi lumabas din yung gusto mo talaga, aba Carlito wag mo kong isama dyan sa kalokohan mo. Dun ka kay mommy magsabi." Hangggang ngayon grounded pa din sya, kaya nga nung nagbakasyon ako dito lang talaga sya sa bahay haha.
"I already told mom, pero ayaw nya.Tulungan na lang daw natin yung bagong neighbor natin. Dali na ate, mabilis lang ako kila Andrei." sabi nya, pero feeling ko hindi sya kela Andrei na bestfriend nya pupunta.
"I know you, Carl. You're not going to Andrei's house. Right?" Pagpumupunta sya sa bahay ng bestfriend nya, hindi sya ganyan magpaalam.
"Kala Andrei ako pupunta." sabi nya at biglang namula ang loko. Oh I can see something fishy here.
" Really, why are you blushing? Ohmyghad! Carl, wag mong sabihing babae yan." Itong batang to, naku talaga.
"Ate kasi ano, ano ba yun." okay, I knew it.
"What??"
"Kelangan kong magsorry dun sa pinsan ni Andrei." Oh himala, magsosory haha. It's very unusual to Carl to say sorry to others even sakin.
"Basta ate, dali na. I will buy you stick-o. A lot of stick-o, remember ate wala ng stock dyan." nagliwanag ang isip ko nang marinig ko yung stick-o, my undying favorite stick-o. OMG! I'm craving.
"Okay, fine basta wag kang magpapagabi. Pero kelangan ko pa bang tumulong dun sa bago nating kapit-bahay?" pumayag na din ako, makulit e.
"Yes, sinabi din ni Daddy na tulungan sila, and you can do it ate.Balita ko lalaki yun. Sige bye." Magaling na bata, ready na ready sa pag-alis. Ngumisi pa nung sabihing lalaki yung anak. So what? As if I care. Tsk. Pero bakit kelangan ko pang tumulong. Tinatamad ako, pero kelangan. Fine, mag-aayos muna ko.
Kanina pa ko dito sa tapat ng bahay nung bagong kapit-bahay namin. And where the hell is he? I'm so pissed off right now. Sila na nga tutulungan, ang tagal pa. Okay, Magui. Patient, more patient.
*Beep...beep..beeep*
"What the hell!" Sigaw ko, papatayin ata ko nito e.