Emkaye's POV
oh yeah!! hang-over parin sa vacation trip naming magbabarkada sa province nila bebe,,parang ayaw ko ng bumalik dito sa manila.. naghiking kami para marating yung falls na sinasabi nila,, the best daw yun sa lugar nila, kaso di naman namin nakita,, so ayun nagcamping nalang kami sa bundok,, tapos naligaw pa kami pabalik,, inaway ko tuloy si bebeko, kasi sya yung taga probinsya tapos di nya alam ang pasikot-sikot sa lugar nila, sa paglalakad namin, nagulat nalang kami ng may marinig na malakas na agos ng tubig, sa di inaasahang pagkakataon ay nakita namin yung falls,, grabe, ang ganda-ganda nung falls,, meron kaya dito sa manila nun,, naku kung meron lang, dun na ako titira sa malapit. sayang nga lang at di na kami nagtagal dun,,hay naku,, oh well, wala nakong magagawa kasi naman pasukan na ulit, need na namin bumalik sa dito sa manila. naks naman,, 3rd year na kami,, biruin mo yun.. ang bilis ng panahon.. parang kahapon lang ay nagtransfer si aki sa school namin nung highschool tapos nabuo yung grupo,. 3rd year na kami, ang galing naman,, sa wakas malapit ng matapos ang kalbaryo namin sa kolehiyo,, naman!! kalbaryo talaga,, i mean masasayang kalbaryo! :)
naging ok naman ang life namin sa ikatlong taon, as usual, fieldtrip, pero sosyal ngayon ha,, HK ang destination namin,, dahil si bebeko ay nakarating na sa HK,, isinama nya kami minsan sa isang the best na pasyalan doon,, ayon date dito,date doon, wagas ang dating session namin kahit bantay sarado sa mga prof.. pero soya naman,, at least magkakasama kaming lahat di ba!
camping naman namin noon, pero si ako nakasama, nagkasakit kasi ako bigla, di narin sumama ang bebeko sa camping dahil babantayan nalang daw nya ko at aalagaan, tapos nung nalaman nila bes na di ako makakasama, di narin sila sumama, tanging kaming pito lang ata ang di nakasama sa camping, pangako na kasi sa isat-isa yun eh, walang iwanan dapat samasama lagi,walang maiiwan, walang mauuna!
intramurals, sumali ako sa theater club, nagperform kami sa harap ng mga estudyante, kinabahan ako dun pero syempre suportado naman ako ng mga bes ko. after ng theatre ay pumunta na kaming gymnasium,for the basketball tournament, syempre pati narin sa cheerleading competition, di na ako sumali sa cheerleading kasi mas nagfocus ako sa theater,, naintindihan naman ako ng mga bes ko,, alam naman nila na dream role ko yung ginanapan ko, at syempre nagcheer narin kami para kay raven at kay roehl, grabeng matili si bes faye, ang saya nung game nila kahit na dinadaya ang team namin, pero wala ring nagawa ang pandadaya nila, team parin namin ang nanalo, after the basketball, nagmamadali kaming pumunta sa may pool, laban naman ng aking bebe sa swimming, last year sya ang nagchampion sa swimming competition, nagwave ako ng kamay sa kanya before magstart ang game, "para sayo to bebeko," sigaw nya sa akin,, yiee.. para sa akin daw yun, di naman nya ko binigo, sya parin ang may hawak ng title.. ang galing talaga nya
after ng intrams ay sembreak, kahit sembreak aral parin ang inaatupag namin ng mga classmate ko or should i say mga bes ko, kailangan kasi naming matapos ang film making namin,, sa tulong ng mga bes-boys natapos namin yun before magstart ulit ang schooldays,, thanks to them,, iba talaga ang grupo namin, sa wakas ligtas na kami sa last exam bago matapos ang taon,
nagkaroon ng isang mini-concert sa school namin for the celebration of valentines day, syempre belong kami sa concert na yun. naging successful naman ang performance sa harap ng mga guest at mga manunuod. after that celebration back to normal nanaman ang peg namin,, busy para sa mga projects, nalalapit nanaman kasi ang end of school year,,"YAHOO gagraduate na tayo" sigaw ko habang magkakasama kaming lahat,, nagtawanan naman sila tapos sabay-sabay sabing " sa isang taon pa"...