dumaan ang mga buwan at nakabili na kami ng bahay si raven, maganda ang mga nakuha naming trabaho, medyo naging busy kaming lahat sa sari-sariling trabaho pero tuwing linggo ay nagsasama-sama kaming magbabarkada, magsisimba, tapos mamamasyal, pupunta ng mall at manunuod ng sine, pero syempre pagdating ng holidays, magkakasama parin kaming lahat, di namin pinalalampas ang mga panahong wala kaming ginagawa, christmas eve that time , sa province namin kami nagcelebrate kasama ang mga parents ni raven, pinag-usapan narin namin doon ang kasal naming dalawa ni raven, di gaanong malaki ang bahay na binili namin dahil kami pa lang naman ni raven ang titira doon at pag nasa trabaho naman kaming dalawa ay tanging katiwala lang ang maiiwan sa bahay, di na nila pinatagal ang preparation para sa kasal namin ni raven , 3 months lang ang binigay nilang preparation, mas ok na raw yung ganun kesa patagalin pa, "dun din naman ang punta nyong dalawa, baka pag pinatagal pa natin ay makahanap pa kayo ng iba" sabi ni papa na sinag-ayunan naman nila papa ni raven, simple lang ang kasal na gusto ko, basta andun ang mga barkada ko, ayos na saakin yun, abay silang lahat, pati si julie at ilang mga pinsan namin, after ng xmas ay bumalik na kami sa manila, habang nasa byahe kami ay bigla kong pinatigil ang aming sasakyan, nakita ko si cris na nag-aabang ng sasakyan, pinasasakay ko nya kaso ng makita nya si raven ay pinara na nya ang kasunid naming sasakyan. nakakapanibago sya , parang may iba sa kanya bukod sa batang kasama nya na nasa edad 4-6. ng nakasakay na sya ay umalis narin kami at nagpatuloy sa byahe,
excited na kami ni raven para sa kasal namin sa wakas ay matutupad na ang pinakahihintay naming pangarap. ang magsama habang buhay!