raven's POV
tapos na ang klase ko para sa araw na ito, uuwi na ako pero sa di maipaliwanag na dahilan ay napadpad ako sa may gym. may mga estudyante dito . naupo ako sa may tabi at nagmasid. halos lahat ng mga estudyante ay nakasuot ng jersey. basketball siguro ang lesson nila for this week. narinig kong may tumawag sa aking pangalan at ng makita ko kung sino ito ay agad akong lumapit. si miss marian,nagpapatulong para sa lesson nila dahil wala pa raw yung inimbitahan nyang trainor.malalate daw ng konti, no choice ako kundi tulungan si miss, syempre teacher sya at ako estudyante lang , nakakahiya namang tanggihan. at nakita ko rin si faye at emkaye na naglalakad at kung andito sila isa lang ang ibig sabihin nun, andito rin si aki,
habang nagtuturo ako sa mga kapwa ko estudyante ay iniisa-isa ko silang tinitingnan. nakita ko ang grupo nila emkaye na nasa bandang likuran. pero wala roon si aki. si aki..nasan sya?? tumatakbong nakita ko sya kasama ang isang lalaki na, si carlo?? hindi,,hindi si carlo yun! pero sino?nadinig ko ang pag-uusap nila miss marian at aki.
aki: miss sorry nalate ako,,sinundo ko pa po si roehl sa labasan eh!
roehl: sorry miss, trapik po kasi eh.kaya ngayon lang nakarating!
ms. marian: ok lang yun, sige dito tayo!
narinig ko halos lahat ng pinag-usapan nila, palapit na sila noon kaya pakitang gilas ako sa pagtuturo sa mga kapwa estudyante ko,syempre para mapansin din ako ni aki, pero mukhang bigo ako, sino ba naman kasi tong kasama nyang to,,sarap upakan. ngingiti-ngiti pa habang magkausap sila tapos itong si aki naman wagas makahampas sa braso nitong si roehl na ito,,bwisit! oy aki may klase ka kaya,dun ka nga sa tabi ng barkada mo. konting konti na lang talaga at sisigawan na kita aki.
hinati ni miss marian ang kanyang mga estudyante sa dalawa.isa palang trainor tong si roehl eh. actually ok naman sya, pero di ako magpapatalo sa kanya para kay aki, teka nakikipagkompetensya ba ako sa kanya?! di ko ugali yun ah. hanggang sa lumipas ang mga araw at laging ganon ang tema, minsan pa nga lumiliban ako ng isang klase para makapagturo sa mga estudyante ni miss at nagbabakasakaling mapansin na ulit ako ni aki, alam ko kasi na galit sya sa akin dahil sa mga nangyari nung isang linggo. pero ni isang sulyap o ngiti manlang ay walang akong napala sa kanya. last day na ng pagtuturo ko, i mean namin ni roehl. naging masaya naman kami dahil nagkaroon ng practicum. naging masaya ang laro dahil sa mga estudyante na hindi nakapag-apply ng tamang paglalaro ng basketball.
after ng game ay nakita kong magkakasama sila roehl at ang barkada ni aki, nagulat ako at nainis ng makitang umakbay si roehl kay aki habang tumatawa at habang nakahawak naman ang kamay ni aki sa bewang ni roehl. naiinis ba ako o nagseselos, may relasyon ba silang dalawa?! may kung anong kumurot sa puso ko ng makita ko silang magkasamang masaya.