-dream bride-

34 5 2
                                    

aki's POV

hinatid namin sa terminal si roehl kasama si faye. bago sumakay si roehl sa bus ay nag-uspa muna silang dalawa. narinig ko na lang na nagpapaalam na si roehl kay faye.

"pano ba yan, ilang araw lang ako mawawala baka pagbalik ko may iba kana!" roehl

aba at ano tong naririnig ko? sila na ba? at paano nangyari,, sabagay gusto naman ni faye si roehl, lalo na si roehl! bagay naman sila eh!!habang pinakikinggan ko sila ay natatawa akong mag-isa sa conversation nilang dalawa.

"di mangyayari yun no, basta siguraduhin mo lang na babalik ka dito,naku pag hindi ka bumalik,,pupuntahan kita dun sa probinsya at pepektusan kita! faye 

"i love you! " roehl 

"bat ka nag-iilove you,,tayo na ba?" faye 

"pagbalik ko,tayo na!sasagutin na kita" roehl 

"ha?? at ako pa talaga ang sasagot sayo.baliktad ata,,ako ang babae ah!"faye 

"basta,i love you" roehl

after ng sweetness nila ay umakyat na at sumakay ng bus si roehl, kinikilig ako sa kanilang dalaw, biruin mo, pinsan ko at bestfriend ko! biruin mo yun!!

meanwhile, habang nasa byahe, bumaba ako sa tapat ng simbahan. hindi na sumama si bes dahil kasabay nyang magsimba mamaya ang family nya. kokonti pa lang ang tao sa simbahan, maaga pa kasi at di pa nagsisimula ang misa.  

lumuhod ako sa may luhuran at pagkatapos kong magdasal ay pumunta ako malapit sa may altar, panandaliang nagdasal ulit. pagkatapos napansin kong may lalaki na akong katabi, mukhang pamilyar pero di ko na sya masyadong napansin. isang hakbang palayo sa kanya ay narinig kong "nung bata ako pinangako ko na ang unang babae na ihaharap ko sa Kanya ay ang babaeng mamahalin ko habang buhay, pero mukhang di na yun mangyayari,unti-unti na nya akong nilalayuan ng di ko alam ang dahilan" napalingon ako ng marinig ang malungkot nyang boses. nagulat ako ng makita ang lalaking halos katabi ko lang, " ikaw aki, naramdaman mo na ba ang ganung pakiramdam na nilalayuan ng taong mahal mo?" medyo napaisip ako sa sinabi nyang yun, lumingon ako sa paligid pero hindi ko nakita ang hinahanap ko, si Jhane! " may problema ba kayo ni jhane?" kinakausap ko sya habang palabas kami ng simbahan pero napakatahimik nya. "aki, si jhane at ako ay wala namang. . . " biglang naputol ang sasabihin nya ng may lumapit sa amin na bata, nakakaawa ang itsura nya, gulagulanit ang damit, walang tsinelas, madungis at may dalang lata na may lamang kaunting barya. walang laman ang wallet ko kundi pamasahe, kinasanayan ko na kasi na tama lang at walang palabis ang dinadala kong pera pag umaalis ng bahay. "ah, raven, pwede bang humiram muna ng 100 bayaran ko na lang bukas sa school" binigyan naman nya ko ng 100 sabay ngiti. parang biglang may kuryenteng dumaloy sa akin nong mahawakan nya ang aking kamay habang ang mukha nya kaninang malungkot ay tila naplitan na ng saya at ngiti. bigla akong bumaling sa bata na nasa harapan ko." ah, eh... neng nagugutom ka na ba? tara bili kita ng pagkain dun oh." alok ko sa bata pero di sya kumikibo sa kinatatayuan nya, "gusto mo bang kumain?" tanong ni raven sa bata pero umiling to. " pera na lang po, mas kailangan namin yun kesa sa pagkain, kailangan po ng gamot ng tatay ko" lalo akong naawa sa bata kaya pati laman ng wallet ko ay naibigay ko na sa kanya, nakangiti akong pinagmamasadan ang bata na palayo sa amin pagkatapos magpasalamat, malaking tulong daw talaga ang binigay naming tulong. " alam mo, nakakaawa sila, maswerte pa rin tayo" sabi nya sabay tingin sa akin. bigla akong napayuko at sa pagyukong yon ay napansin ko ang wallet ko na wala na palang laman. "ah, raven, pwedeng isa pang favor"? pwedeng makisabay, naibigay ko na kasi yung pamasahe ko dun sa bata eh" tumawa sya sa sinabi ko pero wala akong choice kasi di ko naman dala ang phone ko para maitext sila bes para magpasundo. "yan kasi, sobrang bait mo, nalimutan mo na tuloy na last money mo na yun, tara na!" habang nasa byahe kami ay nagpatugtog sya ng music. .

"Promise me  

you'll always be  

Happy by my side  

I promise to sing to you  

When all the music dies 

And marry me Today and everyday  

Marry me  

If I ever get the nerve to say hello in this cafe 

Say you will  

Say you will  

Marry me"

naalala ko tuloy yung sinabi nya kanina habang nasa harap kami ng altar, gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit di nya kasama si Jhane pero nahiya na ako kasi sino ba naman ako para makialam sa kanilang dalawa

up and downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon