いち

418 13 40
                                    

Goodness, nakarating na din ako sa bahay ni tita Fe, bestfriend ni mama. Hindi niya ako nasundo sa airport kasi may aasikasuhin pa daw siya sa salon niya. Exchange student kasi ako sa Millton High, kasama ko dapat si Autumn pero inuna niya 'yong boyfriend niya kaysa sa bestfriend niya eh. Namiss ko tuloy si Cheska, isa ko pang bestfriend.

Second semester na ako lumipat, saka Friday naman ngayon may araw pa ako para maghanda. Nagsisimula na rin ang klase doon. Kumatok ako sa gate, wala paring sumagot. Takte, napaka-init pa naman dito sa labas at saka ang bigat kaya ng mga dala kong bagahe.

Sa wakas may lumabas din na lalaki. Matangkad at saka guwapo. Pero hindi ko siya type, mukhang manloloko eh. Nakasuot lang siya ng isang jersey tapos jogger pants. Ang gulo din ng buhok niya. Pinagbuksan niya ako ng gate saka tinaasan pa ako ng kilay. Aba, ang sungit ng boy nina tita.

"'Di ba boy ka dito? Paki-dala ng mga bagahe ko please."


Nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya saka ngumisi. Ang gwapo niya talaga, hindi napaghahalataang boy sa isang bahay. I wonder if nag-aaral pa kaya 'to.

Umiling pa siya saka sinandal ang braso sa gate. Napakurap-kurap nalang ako saka tinignan siya pabalik. His smirk was so deadly, jusmiyo, parang ikamamatay ko 'yon.

"I'm not the boy here, hindi mo pa yata ako kilala. Pero dahil you said the magic word, I'll carry these." Aniya at dinala na 'yong dalawa kong bagahe. Nagsingkit pa ang mga mata ko habang nakatingin sa likod niya.

Kung hindi siya ang boy dito, siguro bisita lang siya ni tita. Wala naman kasing nababanggit na anak si tita sa tuwing may time kaming mag-face time. Close ko sobra si tita kaya alam kong hindi ako mahihiya dito at saka wala naman akong hiya sa katawan, 'no. Bahala na ang mga taong manghusga, kahit hindi naman nila dapat ginagawa 'yon.

Nagtungo na ako sa loob ng bahay saka sinarado ang gate. May ground na may kulay green na mga damo, tapos two meters away non ang bahay nila. May dalawang sasakyan sila sa garage nila. Ang laki din ng bahay ni tita. Siya lang ba isa nakatira dito? I mean, mas malaki pa nga 'to sa bahay namin sa Japan.

Pumasok na kami sa main door ng bahay, akala ko wala si tita pero nagulat nalang ako ng salubungin niya ako ng mahigpit na yakap. Niyakap ko naman siya pabalik saka ngumiti. After a few seconds, we pulled away from the hug saka hinawakan niya ang mukha ko.

Tita Fe always look so beautiful, pero namatay na ang asawa niya, 12 years ago. Tito was an engineer back then kaya expected na ang ganda ng bahay nila.

"You're so beautiful na, Mau."

I smiled when I heard her calling me Mau. Shaira Maureen Minatozaki ang pangalan ko, pero I preferred being called Shaira. Pero kung ano ang gusto nilang itawag sa akin, ayos na 'yon.

Napansin kong nawala na 'yong lalaki kanina. Siguro umakyat na don sa kuwarto ko. Pero paano niya naman nalaman kung saan ako mananatili? Hindi ba talaga siya boy dito?

Pinaupo muna ako ni tita sa isang sofa sa living room nila. Nagkukuwentuhan pa kami ni tita, tinatanong niya kasi ang lagay nina mama sa Japan. Para kami yata ang magbestfriend nito. She even invited to go shopping with her tomorrow since wala naman daw siyang aasikasuhin sa salon niya.

"Nga pala, paano mo kinulit 'yong anak ko na pagdalhin ng mga bagahe mo?"

Anak? Napakurap-kurap ako sa sinabi ni tita. Naguguluhan din ako kasi nakangisi siya sa akin. Sinong anak? 'Yong lalaki ba kanina? Hala, anak niya pala 'yon. Halos sumabog na ako sa hiya at mas lumala 'yon ng lumapit siya sa amin at naupo sa kaharap na sofa.

Wala siyang reaksyon, casual lang. Hindi ko siya kayang titigan, nahihiya ako sa ginawa ko. Alam kong hindi naman siya mukhang boy, kasi nga ang gwapo niya. Hindi ko naman din kasi alam na may anak pala si tita. Hindi niya naman 'yon nakukuwento sa amin.


Hold OnWhere stories live. Discover now