Inayos ko na ang mga gamit ko kahapon kaya tutulong nalang ako sa paglilinis ng bahay ngayon. Mamayang hapon pa naman kasi kami pupuntang mall ni tita kasi may inaasikaso pa siya sa salon niya. So, ako lang at si Ivan ang tao sa bahay na 'to. Wala namang problema don aside sa pang-aasar niya sa akin.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko, alas nuwebe pa naman ng umaga. Wala nga akong magawa kasi walang namang update sa anime na pinapanood ko. I've always love anime and manga comics. 'Yon ang hilig ko sa tuwing wala akong magawa.
Nagulantang ako nang may biglang kumatok. Tatayo na sana ako pero binuksan na ng isang hinayupak 'yon. Aba, hindi man lang nagtanong kung pwede ba siyang pumasok. Napairap nalang ako saka tinignan siya na nakasandal sa frame ng pinto.
"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.
"You said yesterday na tutulungan mo ako sa paglilinis, 'di ba?"
"Oh, tapos?" Naging mataray ang tono ng boses ko kaya napairap na naman siya. May dugong babae yata ang lalaking 'to.
Bumuntong hinga siya saka naging seryoso ang titig. As if naman seryoso 'yan, eh mukha pa lang manloloko na. Nilagay niya ang mga kamay sa bulsa.
"Tulungan mo 'kong maglinis ng garahe, okay?" Sabi niya kaya napatango nalang ako. Agreement namin 'yan and I'm always true to my words. Hindi ako manloloko kagaya niya.
Tumayo na ako. Wala na akong planong magbihis, ayos na 'tong suot ko. Puting tank top tapos denim shorts. Hindi naman yata ako mamanyakin ng lalaking 'to, wala naman kasi sa mukha. Mukhang manloloko lang pero hindi manyakis.
Nauna na siyang naglakad kaya nakasunod lang ako sa kanya ngayon. Hindi na siya nagsalita pa o nang-asar, tahimik lang din naman akong nakasunod sa kanya. Alangan naman makipag-usap ako, eh hindi naman kami close. Madaldal lang ako pero hindi maman feeling close sa taong ayaw sa akin. Duh, sobrang halata na ayaw ng lalaking 'to sa'kin. Ayaw ko rin naman sa kanya kaya patas na kami.
Isang minuto lang yata ang dumaan, at nandito na rin kami sa garahe. May dalawang sasakyan don, isang black na sedan saka puting SUV. At ilang taon bang hindi nalilinisan 'to?
Napatingin ako sa gawi ni Ivan, may hawak na siyang dalawang sponge saka sabon. Tinignan niya lang din ako saka tinaasan ng kilay. Aba mataray ang gago ah.
"Akin na." Kinuha ko kaagad sa kanya 'yong isang sponge, hindi naman siya nagreklamo. Pinanood ko lang siyang kinukuha 'yong hose bago ko nalagyan ang isang balde para doon ilagay ang sabon.
Tinali ko ang buhok ko, kaya may kaunting buhok na natira sa gilid ng tainga ko. Bumula na din 'yong tubig kaya sinimulan niya ng buhusan ng tubig ang mga sasakyan. Seryoso naman siya, ni hindi na nga nang-aasar. Aba buti naman.
Malapit na rin kaming matapos, saka lang ako nagsasalita kapag nagpapatulong sa kanya. Hindi naman kasi kami close kaya para kaming mga timang na walang imik sa isa't isa.
Akala ko wala siyang masamang gagawin pero parang nagsitaasan ang mga balahibo ko ng itinoun niya ang hose sa akin. Napasigaw tuloy ako dahil ang ginaw din ng tubig na tumama sa katawan ko. Dahil sa inis, binato ko siya nung sponge pero nakailag lang siya saka tumawa.
Gusto ko ng magmura sa harapan niya.
"Gago ka Ivan!" Sigaw ko sa kanya habang nakahawak sa sidsid ng damit ko. Ang basa ko na jusmiyo! Hindi pa kasi ako nakakaligo dahil ang aga pa. Plano ko pa talaga na mamaya na maligo, pero gago 'tong lalaking 'to.
Masama ang tingin ko sa kanya, nasa kabilang side kasi siya ng sedan, tumatawa ma parang walang bukas.
"Gago ka Ivan!" Pang-gagaya niya. Aba at may gana pa talaga siyang mang-asar ah. Gusto ko yatang mangsabunot ngayon. Napupuno na ako ng sobra sa lalaking 'to, parang isang araw ko pa 'tong kilala pero gusto ko na yatang masakal 'to.
YOU ARE READING
Hold On
Fanfiction"Please hold on. I wanna be with you forever. I love you, don't leave me. Please hold on for me...for us..." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #4 ᴍɪɴᴀᴛᴏᴢᴀᴋɪ sᴀɴᴀ-ᴡᴇɴ ᴊᴜɴʜᴜɪ