きゅう

109 12 43
                                    

"Hoy ano 'yan?!"





Nabigla ako nang biglang lumapit si Autumn sa amin habang tinuturo ang mga kamay namin na magkahawak. Siguro nag-aaway na naman sila ng boyfriend niya kasi hindi na siya bumubuntot don. Ngumiti lang ako bago bumitaw sa kamay ni Ivan para mayakap si Autumn. Ewan ko pero parang bumabalik na kami sa dati simula nong nag-aaway na sila ni Harold.

Dapat ba akong matuwa or dapat akong malungkot para kay Autumn. Hindi ko na alam.

Ngumiti siya sa akin saka kay Ivan, pero halata naman na pilit ang ngiti na 'yon ni Ivan. Ikinibit balikat ko nalang 'yon bago ko pasadahan ng tingin si Autumn. Hindi naman ako mahihiyang sabihin sa kanya na kami na, actually I'm proud na kami na. Kontento na ako sa kung ano ang meron kami.

"Ang totoo niyan, kami na." Sabi ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya. Pero nagpaalam din si Autumn dahil may pupuntahan pa daw siya sa dance club. Siya pa rin kasi ang vice don, habang si Xyrel naman ang president. Aba, sa lagi silang pumupunta sa bahay nina Ivan kaya naging close din ako sa kanila. Pero mas close talaga ako kay Xyrel at Lexir kasi madaldal sila.

Naglakad na rin kami patungo sa room na magkahawak ang kamay. Maraming nakatingin sa amin kaya pwede na yata akong mag-artista nito. Dami naming fans na nakiki-chismis oh. Hindi ko na lang sila pinansin saka hinila na si Ivan sa loob. Magkatabi lang naman kasi kami ng upuan kaya walang problema.

"Kanina ka pa hindi nagsasalita," I said. Napapansin ko kasi na hindi siya nagsasalita simula kanina. Gusto ko siyang tanungin if may problema ba pero mukhang wala naman. Tahimik lang talaga siya na parang may iniisip. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.


"May iniisip lang ako, babe."



"Babe ka diyan, gusto mo ibalibag kita?" Tinaasan ko pa siya ng kilay nang kurutin niya ang pisngi ko. Binlewala ko na lang 'yon saka sinandal ang ulo sa balikat niya.

Hindi pa naman final ma siya ang Mr Right ko pero hindi ko muna iisipin 'yan. Hindi naman ako desperada sa ganitong pagkakataon. We're just eighteen, kahit alam ko na malayo pa ang lalakbayin namin, wala pa akong plano na pakawalan siya. This time I just wanted to be happy and enjoy every minute with him.

Nagulat ako nang bigla niya akong pinaayos ng upo saka pinatalikod sa kanya. Akala ko kung ano na ang gagawin niya, pero halos mapunit ang labi ko sa kakangiti nang ayusin niya ang buhok ko. He braided my hair na para bang alam niya 'yon. Is it because ginagawa niya rin 'to kay Yumi?

Ayoko man mag-isip ng ganon, it's just that para akong ginugulo ng mga 'yon. Ano kaya ang ginagawa nila noon? Pinapasyal niya din ba si Yumi? Is he treating her the way he treats me?

Para akong tangang nasasaktan sa iniisip ko, pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanya.

"Ayan, tapos na," he said bago hinawakan ang balikat ko para maharap ko siya. Ngumiti ako ng tipid sa kanya, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka kinuha ang notebook ko mula sa bag. Pagkatapos non, hindi na ako nagsalita pang muli. Ayoko lang, nasasaktan ako ng hindi ko alam. Hindi ko na kasi dapat iniisip 'to kasi kami na naman. Ako na, 'di ba.


"Hey, are you okay?"


Tanong niya, kaya tumango lang ako. Nagsimula akong magsulat kahit wala namang dapat isulat. Nawawala ang mood ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit feeling ko walang special don sa mga ginagawa niya? We never knew, baka ginagawa niya rin lahat ng 'to kay Yumi, 'di ba.

"Hey, galit ka ba?" Umiling ako bago sinarado ang notebook.



"CR lang ako Ivan."


Hold OnWhere stories live. Discover now