じゅうさん

118 13 54
                                    

For the past month, wala akong nagawa kung hindi ang umiwas sa kanya. Gusto kung maiyak sa tuwing magkakasalubong kami. Actually, doon muna ako nakitira kina Autumn, alam na ni tita Fe 'yon and she understands me.

Everytime na magkakasalubong kami sa hallways, hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin. Sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, para bang may galit din siya sa akin. Ang unfair lang kasi, para bang may galit siya sa akin gayong hindi naman ako ang nagkasala. Pero sa kabila ng lahat ng 'yon, all I ever wanted was to bring everything back. 'Yong mga masasayang araw, lahat ng mga ngiti at yakap niya.

Tangina, ang rupok ko. Pero as Shaira Minatozaki, hindi ko dapat pinapahalata na hanggang ngayon sobrang sakit parin. He did try explaining himself pero parang ayoko muna. Nasasaktan ako dahil sa nakita ko, pero nasasaktan din ako kasi ang layo niya sa akin.

And there's many rumor na nagkabalikan daw sila ni Yumi. Maski nga ako nakikita silang magkasama. Nag-expect ako na hihintayin niya 'yong time na marealize namin na kami talaga, pero bakit parang ako lang 'yong humahawak non? Why am I holding on when he's already out there seemingly giving up.

Sabi niya 'di ba, he will never let me go? Pero nasaan na 'yon? Bakit parang ang dali lang na gawin sa'kin 'to.

"Ipinagpalit ka kasi sa malapit," inirapan ko nalang si Cheska na nasa kama ni Autumn. Nakaupo ako sa isang sofa sa loob ng kwarto ni Autumn habang 'yong isa nasa baba, naghahanda ng makakain.

Sumandal nalang ako sa sofa na 'yon bago napabuntong hininga.

"But still, nagawa ko naman ang tama, kasi he looked happier. Unlike you na pinakawalan ang lalaking sobrang mahal ka." Tugon ko sa kanya kaya diretsong tumama sa mukha ko ang isang unan. Kahapon lang natapos ang final examination kaya plano naming magbonding, kaming tatlo.

Umayos ako ng upo saka ipinatong ang unan sa may hita. Nakasuot ako ngayon ng isang jacket saka high-waisted shorts. Nakatali sa isang messy bun ang buhok ko at tumitig sa cellphone kong biglang tumunog.


From: Matt

I'm planning to ask her out now. Sobrang kinakabahan na ako



Natawa ako dahil sa sinabi niya. Agad akong napailing habang nagtitipa ng pwedeng i-reply.

"Smiling, eh? May bagong pamalit ka na?"

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Cheska. Takte, may iba naman palang gusto si Matt, pero inamin niya na may gusto siya sa akin. Pero alam naman niya kung sino ang mahal ko. Kahit pa nasasaktan ako, I still wanted to be with him and by that time, nakakasiguro na ako na hindi na kami magsasakitan. Tawagin man akong tanga ng lahat, but all I ever wanted was to bring back all the smiles with him.

I was holding on kasi in the first place ako 'yong nagsasabi na babalikan ko siya kapag narealize na namin na kami talaga. Pero bakit parang ako lang ang nag-iisip na kami talaga? Bakit ako lang 'yong nag-iisip ma mahal parin namin ang isa't isa? Kasi kung titignan ko siya, parang masaya na siya kasama 'yong babaeng 'yon.

Nagulantang ako nang biglang tumabi si Autumn sa akin. Jusmi, aatakehin yata ako sa puso nito. Nandon na pala 'yong snacks namin sa side table niya. Sumandal siya sa balikat ko tapos non naramdaman ang butil ng mga luha na bumabagsak sa balikat ko. Agad akong tumingin sa kanya, pati si Cheska napadpad sa gawi ko.

"Anong problema mo?" Tanong ko. Suminghot pa siya saka pinahiran ang luha. Gaga, umiiyak na walang dahilan. Parang road to mental hospital na yata 'tong babaeng 'to.



"Ang sakit pa rin."





"Gosh, akala ko naman kung ano na nangyari. But that guy doesn't deserve you, Autumn. Maybe you can find someone else. Wala naman kasing tumatagal, kasi nga walang forever."


Hold OnWhere stories live. Discover now