はち

141 13 44
                                        

"Ang bigat mo kaya, Shaira!"



Natatawa nalang ako sa mga reklamo ni Ivan. Nakapiggy back ako sa kanya, at tuwang-tuwa na nakikita siyang nahihirapan. Hindi naman talaga ako masyadong mabigat, reklamador lang talaga 'tong lalaking 'to.

Makakalakad naman ako pero mas pinili ko magpabuhat sa kanya. May kasalanan pa kaya siya sa akin. Akala niya siguro nalimutan ko na 'yong sinabi niya kay tita Fe nong nakaraang araw. Parang mababaliw na nga yata ako kakaisip non. May kami daw, aba malandi lang talaga 'tong si Ivan.

Nandito kami ngayon sa isang flower field, inaya niya kasi ako. Tapos ang excuse niya sa mama niya, magde-date daw kami. Nakakapanibago pa rin talaga, parang noon gusto kong patayin ang lalaking 'to. Pero ngayon parang ilang taon na kaming magkakilala at sobrang close namin. Wala namang masama don, 'di ba? At saka alam kong hindi naman 'to seseryusohin ni Ivan eh. Pero hindi ko maiwasan na umasa.

Pati nga rin ako naguguluhan na sa sarili ko. Posible kayang nagkakagusto na ako sa kanya?

"Doon tayo, tapos picturan mo 'ko." Turo ko sa isang part na may magagandang bulaklak. I heard him groan in annoyance, pero bahala siya. Siya ang nag-aya sa akin dito, kaya kailangan niyang gawin lahat ng pinapagawa ko.

Naglakad na siya patungo doon, alam kong nasisira na ang mukha niya. Habang ako dito abot langit ang ngiti. Mahangin din dito, kaya naging magulo ang buhok namin. Inabot ko ang buhok niya gamit ang isang kamay ko, bago inayos 'yon. Narinig ko siyang tumawa, pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yon. I'm doing him a favor kaya dapat magpasalamat pa nga siya.

Ibinaba niya ako nang umabot kami doon. Hinawakan niya pa ang mga braso niya, ang arte naman ng halimaw na 'to. Inirapan ko na lang siya bago ako pumwesto. Nasa kanya na naman ang cellphone ko kaya handa na ako para makuhanan ng litrato.



"Sige na Ivan, picturan mo na ako."




Nakita ko siyang umirap, habang pailing-iling na nakangiti. Takte, bakit ang gwapo niya kapag ganon. Ang lakas pa talaga ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa ngayon. Parang feeling ko ang saya-saya ko.

"Then let's try making it real."

Baka tinotoo niya nga ang sinasabi niya. Napangiti nalang ako dahil don, pwede namang umasa 'di ba. Alam ko ang nararamdaman ko pero sadyang hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag. Sobrang kakaiba nito sa mga nararamdaman ko noon.



"1...2...3....Smile!"



Agad din akong ngumiti habang nakatutok ako sa camera. Tinignan niya 'yong litrato bago tumango at tinignan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano?"

"Ang plain ng ngiti mo. Try mo mag-fierce." Sabi niya kaya agad ko din namang sinunod.

Nilagay ko sa bulsa ang nga kamay saka tumingin sa camera na walang ngiti. Actually, hindi din ako makafocus kasi napapansin kong sobrang focus niya sa pagkukuha ng litrato ko. Lihim akong napangiti nang marinig ang isang click mula sa camera.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang cellphone ko pero agad din naman niyang itinaas 'yon para hindi ko makuha. Tinaasan ko siya ng kilay, pero sinuklian niya lang ako ng ngiti bago ako inakbayan. Nagulat ako dahil don, pero napansin ko na naka-open ang front camera kaya agad din naman akong ngumiti.

Akala ko naman kung ano na ang gagawin niya. Gusto niya lang pala mag-selfie kami pero ang dami pang moves. Kinuha ko na ang cellphone sa kanya saka tinignan ang mga larawan. Aba, ang galing niya din palang kumuha ng litrato ah.

Napangiti na lang din ako bago inilagay sa bulsa ang phone.

"Saan ka pupunta?"

Hold OnWhere stories live. Discover now