"Gusto mo bang kantahan kita?"
Sa totoo lang parang gusto ko na talagang masapak ang lalaking 'to. Tinotoo nga talaga niya 'yong sinabi niyang maaaring siya daw ang Mr Right ko. Tatlong buwan na din ako sa Millton High. Marami na akong kaibigan, at saka nae-enjoy ko na ang school life ko. Walang nagbago sa amin ni Ivan, lagi pa rin kaming nag-aasaran.
May mga panahon na sobrang lambing niya na ewan, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, basta kung hindi man niya ako inaasar, para naman siyang boyfriend ko kung maka-asta. Actually, marami ang gustong manligaw sa akin. Hindi naman ako nag-aassume kung sinusundan ba ako nitong si Ivan, basta ang alam ko sa tuwing may gustong magtanong na pwede ba silang manligaw, dadating bigla si Ivan, then he would say.
"Taken na siya, p're."
Hindi ko nga alam kung ano ang problema niya, pero wala naman akong kontra doon kasi ayoko din naman sa mga lalaking nanliligaw sa akin. And I just somewhat feel protected by him. 'Yong feeling na parang importante din ako sa kanya.
"Gusto mo ba akong tulungan sa paggawa ng project natin?"
May pagkasarkastikong tanong ko pabalik. Naggugupit kasi ako ngayon ng mga construction papers para sa project namin. By pair kasi tapos siya 'yong katabi ko kasi pumapasok na si Synnex. Kaya hindi na ako makakatabi kay Amythest.
Nandito kami ngayon sa sala nila, si tita nandon sa kusina, nagluluto ng meryenda. Namiss ko tuloy si mama na pinaglulutuan ako niyan, pero palagi ko naman silang tinatawagan. Malapit na din naman akong bumalik doon.
Nakabusangot ang mukha niya habang tinitignan ang mga papel na nandon sa table. Nasa tabing upuan ko lang siya. May hawak pang gitara ang loko, buti na lang patapos na 'tong project namin, kundi ibabalibag ko talaga ang halimaw na 'to.
"Kakantahan nalang kita para naman ma-inspire ka sa boses ko."
I grinned, saka napailing. Nagfocus nalang ako sa paggupit. Narinig ko ang pag-strum niya sa gitara kaya napangiti nalang din ako. He was just wearing a simple loose plain white shirt, saka black na trousers. Ako naman isang black na T-shirt dress saka denim shorts.
Next week pa ang pasahan ng project pero gusto ko ng matapos 'to. Gusto ko na lang magpahinga, ilang buwan na rin kasi at final exams na. Gusto ko munang i-refresh ang utak ko.
"♪Well, you done done me and you bet I felt it.
I tried to be chill, but you're so hot that I melted.
♪I fell right through the cracks and now I'm trying to get back."
Kung may tubig lang siguro ang boses niya baka noon pa ako nalunod. Hindi na rin ako makapagfocus sa ginagawa ko dahil sa boses niya. His voice is so gentle and smooth. Para bang isang lullaby na humihili sayo sa isang paraiso.
Instead of continuing my works, nakinig nalang ako sa kanya saka humarap. Huminto naman siya sa pagkanta saka nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.
"Oh, bakit ka tumigil?" Tanong ko sa kanya, saka pinagkrus ang mga braso, habang nakasandal sa upuan.
Umiling lang siya saka nagpatuloy sa pagkanta. Nakatingin lang ako sa kanya the whole time. Ang gwapo niya talaga kahit kailan. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mga mata saka ang perpekto ng pagkakahugis ng mga panga. Para bang ang hirap tanggalin ng mga titig ko sa kanya.
Sa bawat segundo, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang mas nagiging mabilis ang paghinga ko at nararamdaman ko lang 'to sa tuwing kasama ko siya. Aba, ewan. Para na akong tangang nakikipag-debate sa sarili ko.
YOU ARE READING
Hold On
Fanfiction"Please hold on. I wanna be with you forever. I love you, don't leave me. Please hold on for me...for us..." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #4 ᴍɪɴᴀᴛᴏᴢᴀᴋɪ sᴀɴᴀ-ᴡᴇɴ ᴊᴜɴʜᴜɪ