さん

118 12 71
                                        

First day ko ngayon sa Millton, hindi ko makakasabay si Autumn, kasi as usual nandon na naman siya sa boyfriend niya. Napagdesisyunan ko na magcommute pero pinigilan naman ako ni tita. Baka daw kasi mapahamak pa ako sa daan.

Sabi niya sumabay nalang daw ako kay Ivan, since may sasakyan naman daw 'yon. No choice ako, kahit pa hindi ko naman gustong kasabay ang gagong 'yon. Duh, nakakapikon pa rin siya hanggang ngayon. Gusto ko nga sanang masabunutan eh. Pero baka makulong pa ako ng wala sa oras.

Kulay light blue na long sleeve ang ang uniform, saka checkered na saya na hanggang hita ko lang, may sapaw naman kaya okay lang. Nakalugay ang mataas kong buhok, plano ko pa naman sana na pakulayan 'yon pero bawal kasi sa policies ng school. Kinuha ko na 'yong bag ko sa sofa, tapos na kaming kumain ni tita, ewan ko don kay Ivan.

Nagpunta na ako sa may garahe, nandon na nga siya. Nakasandal sa pinto ng driver's seat.




"Hindi ka ba kumain?" Takang tanong ko. Napataas naman ang kilay niya saka malokong napangiti. Ano bang problema ng lalaking 'to?

Umalis siya sa pagkakasandal saka umayos ng tayo doon. There was an amused look on his face, kaya naguluhan ako. May nasabi ba akong iba? Pinilig ko na lang ang ulo saka nagpunta sa side ng passenger's seat. Ang liwanag pa rin ng mukha niya na para bang may nagawa akong himala.




"Are you concerned?" Tanong niya pabalik. Duh, 'yon lang pala. Siyempre hindi, asa siya.

Umiling nalang ako saka hindi na pinansin ang sinabi niya. Marupok ako pero hindi ko naman siya crush. Walang epekto sa akin 'yang ngiti niya.

Pumasok ako sa passenger's seat, sumunod din naman siya, bago pinaandar ang makina. Mabuti pa siya pinapayagang magdrive. Ako kasi bawal, ang clumsy ko daw baka sa ospital lang ang hantungan ko. Ang overprotective kasi ng mga parents ko, at mahal na mahal ko ang mga 'yon. They'll always support me, only child lang kasi ako.

"Anong section mo?" He asked, out of the blue. Buti naman nagsalita siya, kasi ayoko talaga mg masyadong tahimik.

Napatingin ako sa kanya saka doon sa schedule na binigay sa akin ng principal last week.

"Sa section ni Mr Feng." Tipid na sagot ko since 'yon lang din naman ang nakalagay doon. Tumango lang siya saka tumahimik na din.

Tinignan ko kung paano siya magdrive, ang focus niya masyado sa daan kaya alam kong hindi niya 'to ibabangga. Siguro sa pagda-drive lang 'to seryoso. But he looks so good in his polo, saka may necktie na katulad ng sa akin, tapos uniform coat. Mahilig kasi akong mag-observe sa mga tao sa paligid ko.


"Titig na titig ka na sa mukha ko ah," sambit niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Tumawa pa siya ng mahina kaya umirap nalang ako sa kawalan. Ang akala ko tatahimik na siya. "Pwede mo namang sabihin na gusto mo ako, tapos tayo na. Boto naman sa akin ang parents mo, tapos ang gwapo ko pa."




"Manahimik ka na nga lang, pwede?" Tugon ko sa kanya kaya natawa na naman siya. Naiinis na kasi ako sa kayabangan ng lalaking 'to. May sayad nga talaga 'to, wala lang sa mukha.

Ilang minuto din ang nagdaan bago kami makarating sa school. Actually, ang laki niya tapos may maraming building. May parking lot din, siguro mayayaman talaga ang mga estudyante dito. Mayaman naman kami, I just don't like bragging about it, it's better to stay humble.

Matagal din bago kami nakakita ng mapaparkingan, malapit na rin kasi kaming malate. Ako ba ang matagal o itong kasama ko? Ewan ko na.

Kinuha ko 'yong phone sa bulsa, upang tignan ang oras. 7:35. Jusmiyo, ilang minuto nalang mahuhuli na kami sa klase. Argh, pupunta pa pala ako sa SSG office para makuha ang number ng locker ko, saka ang ID. Pwede naman yata akong malate, 'di ba? I mean, bago pa lang naman ako.

Hold OnWhere stories live. Discover now