"Gago ka! Alam mong natutulog 'yong tao!"
Hinahabol ko siya ngayon sa loob ng kwarto ko. Ginising ba naman ako ng sobrang aga, eh wala namang klase ngayon kasi Linggo. Ano na namang kademonyohan ang sumanib sa lalaking 'to. Parang noong isang araw lang, naghihinagpis kay Yumi. Ngayon ako naman yata ang maghihinagpis. Halimaw din kasi 'tong lalaking 'to eh.
Hinahabol ko pa rin si Ivan, samantalang siya tuwang-tuwa na hindi ko siya mahuli-huli. Nakita ko 'yong unan kaya agad ko 'yong binato sa kanya. At boom, nasapol sa mukha ang gago. Aba, bagay lang naman sa kanya 'yon.
Nakapamaywang ako habang nakatingin sa kanya. Isang metro yata ang layo namin sa isa't isa. Nilagay niya ang unan sa gilid, saka tinignan lang din ako.
"Oh, anong problema mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at naglakad lang patungo sa akin. Humakbang ako paatras habang masama ang tingin sa kanya. Naguguluhan ako sa kanya. Kung inaasar na naman ako nito, siguruhin niya lang na makakaalis siya agad kasi mukhang mapapatay ko talaga siya.
Nabigla ako ng bigla niya akong kilitiin sa tagiliran ko. Para akong tanga na galit na natatawa. Tinulak ko pa siya pero hindi pa nagpapigil ang gago. Aba, gusto niya talagang inisin ako ah.
"Tumigil nga kayong dalawa."
Babatukan ko na sana siya nang biglang dumating si tita. Nakadress na siya na pormal, tapos nakaayos din ang buhok niya. Saan ba 'to magpupunta si tita. Ang aga naman yata para magshopping siya, 'di ba?
Pareho kaming umayos ng tayo, saka napayuko. Malilintikan talaga 'tong Ivan na 'to sa akin. Napakagat labi ako saka tinignan siya na parang nahihiya.
Aba, siya pa talaga ang nahiya.
"Diba Ivan, sinabihan kita na gisingin si Mau dahil magsisimba tayo?" Napabuntong hinga pa si tita. Akala ko kung ano na, magsisimba pala kami. Gago 'to si Ivan, hindi man lang ako sinabihan. "Ako nalang yata ang magsisimba. Anyways, iiwanan ko na kayong dalawa dito. Mamayang gabi pa ako babalik. Huwag kayong gagawa ng milagro, mga anak."
Napaawang ang labi ko sa dami ng sinabi ni tita. Milagro pa talaga. Hindi ko naman gagawin 'yon kasama ang lalaking 'to, 'no. Saka wala akong gusto sa kanya. Gwapo lang siya, oo. Nga naman.
Bakit ba ako nakikipag-monologo sa sarili ko. Pagkasara ng pinto, marahas akong huminga saka binatukan si Ivan. Napaaray naman siya saka hinimas ang parteng 'yon. Imbis na samaan ako ng tingin, napangisi lang ang gago saka tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Bastos ka!" Natamaan ko na naman siya sa ulo. Ang sama na talaga ng tingin ko sa kanya. Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Parang gustong sirain ang masasayang araw ko.
Babatukan ko na naman sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko saka tinignan ako diretso sa mata. Hindi din ako makagalaw. At ang lakas ng tibok ng puso ko.
His stares was driving me crazy. Parang manghihina ang mga tuhod ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ang gwapo niya sa malapitan, sobra. Parang nakakamatay 'yong mga titig niya. Ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Para akong tanga nito.
Bumalik ako sa huwisyo saka tinampal ang kamay niya. Tinalikuran ko na rin siya, para mahimasmasan naman ako. Hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Parang dinadala ako non sa kung anong pakiramdam.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya kaya huminto ako. Napangisi naman ako nang may naisip ako sagot. Gusto kong makita ang reaksyon niya kagaya kanina. Mahiyain din pala siya. Nakakapanibago.
"Maliligo. Sasama ka?"
Tugon ko saka lumingon sa kanya. Akala ko mag-iiwas siya ng tingin, pero nagulat ako nang ngumisi siya saka tinagilid ang ulo. Ano bang katangahan 'to at naisip ko pang ang sexy niya na ganon?
YOU ARE READING
Hold On
Fanfiction"Please hold on. I wanna be with you forever. I love you, don't leave me. Please hold on for me...for us..." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #4 ᴍɪɴᴀᴛᴏᴢᴀᴋɪ sᴀɴᴀ-ᴡᴇɴ ᴊᴜɴʜᴜɪ