"Ano 'to? Pagkatapos ma-broken ni Winter, si Ivan na naman?"
Sabi ni Xyrel na para bang nakakatawa 'yon. Akala niya lang talaga, tignan natin kapag natamaan ni kupido 'tong gagong 'to. Nandito kami ngayon sa bahay, kasama si Winter, Xyrel, Xander, saka si Ashton. Wala 'yong iba kasi may inaasikaso.
Pumunta sila dito para daw hindi ako malungkot, pero mukhang ginagatungan pa nga ako. Napailing nalang ako, kahapon lang kasi nagsimula ang klase para sa second semester. Akala ko ang saya na, pero nakakagago 'yong nasaksihan ko. Yumi, my girlfriend or should I say ex-girlfriend is kissing a guy in front of me and now, she wants me back. Nababaliw na ba siya? Baka nakakalimutan niya na ginagamit niya lang din ako. Yes, she's using me to be famous or whatsoever.
May pagkatanga ako pero hinding-hindi na ako babalik sa taong alam kong lolokohin lang naman ako. Mukha man akong manloloko at mayabang, I can atleast stay in a relationship and be loyal. Pero kapag ako na ang niloko, ayoko ng bumalik kahit mahal ko pa ang taong 'yon. That would hurt my pride.
May pride naman din ako, hindi lang halata. Kapag masyado na akong nasasaktan, ayoko ng bumalik at magpaka-tanga. Hindi naman kasi ako ganong klaseng tao. Saka, maybe Yumi was just a trial so that I can finally find the one meant for me. Baka hindi naman pala talaga si Yumi. Galit ako sa kanya, pero I can't be merciless to her. Yumi is actually suffering from cancer, and as day passes by, she's dying.
Tsk, saka ko lang din napansin na sobrang sama din pala ng ugali ng babaeng 'yon. Hindi ko napansin noon kasi nga I was somewhat blinded by love. Pero then again, I can't hate her so much.
"At least I already moved on." Winter said saka kumuha ng isang lata ng beer. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Well, kung noon naaasar ko pa siya dahil kay Autumn, mukhang ngayon hindi na. In love din kasi siya sa iba.
Natawa lang ang iba. Bale ako lang mag-isa sa isang sofa, tapos sa harap ko sina Winter at Ashton, tapos sa isang sofa naman si Xyrel at Xander.
I will move on, soon. Bigyan lang nila ako ng isang linggo. At saka maybe, her, cheating and using me are the reason that I should really move on. At saka if she's wanting me back, wala na akong pakialam pa sa kanya. Wala naman yatang nagkulang sa akin, 'di ba? So, it's her loss.
"Boys. I see, your having fun." Napatayo kaming lahat ng dumating si mommy. Ayos lang naman sa kanya na uminom kami, nasa tamang edad na naman din kami.
Tumingin siya sa akin, kaya nagpunta ako sa kanya para mahalikan siya sa pisngi. I'm so close to my mom, since maagang pumanaw si dad. Pero hindi kami naghirap kasi nakapundar din naman si mommy.
"Nga pala. Do you remember your tita Jane's daughter? Si Mau? She's gonna stay here since she'll be an exchange student in your school."
Hindi ko alam kung mabuti o masama ba ang balitang 'yon. Mau, I know her but I haven't seen her yet. Napabuntong hinga nalang ako saka tumango. Atleast may magiging kasama ako sa bahay na'to. Minsan lang kung umuwi si mommy kaya halos mag-isa ako dito. Gusto ko nga sanang bumili nalang ng condo unit, may savings naman ako. Pero hindi ko naman pwedeng iwan si mommy dito.
"Bro, baka siya na." Biro ni Ashton na inismiran ko lang. Tsk. "Pupusta ako mahuhulog si Ivan don." Sabi pa ni Ashton. Ako mahuhulog don? Baka nga 'yon pa 'yong mahulog sa akin.
"Gago, lahat naman tayo ganon lang din ang pinupusta." Asik ni Xander na hindi ko na lang pinansin.
Nandito ako sa sala ngayon, nanonood ng pwedemg panoorin. Hindi kasi ako pinayagang lumabas ni mommy kasi dadating na daw 'yong anak ni tita Jane. Kahit labag sa kalooban ko, hindi ko pwedeng balewalain ang utos ni mommy.
YOU ARE READING
Hold On
Fanfiction"Please hold on. I wanna be with you forever. I love you, don't leave me. Please hold on for me...for us..." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #4 ᴍɪɴᴀᴛᴏᴢᴀᴋɪ sᴀɴᴀ-ᴡᴇɴ ᴊᴜɴʜᴜɪ