よん

126 10 75
                                    

Nagdismissal na kaya naglalakad na ako ngayon sa hallway. Wala na ngang masyadong tao kasi kaming mga nasa senior year ang pinakahuli ang uwian. Nakauwi na rin sina Cheska at Autumn, kaya malamang sa mokong na 'yon naman ako sasabay.

Tumitingin lang ako sa bawat classroom, para hindi naman ako mabagot kakalakad mag-isa. Huminto muna ako sa may locker area para ilagay don 'yong isang librong bitbit ko. 143 pa talaga ang number nito, nananadya ba 'to? Parang paepal, 'no. Pero pwede naman kasi 'yong 'I hate you' o di kaya'y 'I kill you', di ba.

Aalis na sana ako sa locker area pero may biglang kamay na pumigil sa akin. Parang na-corner yata ako dito. Marahan akong humarap sa kung sino man ang taong 'yon. Nagsalubong ang kilay ko nang makita na si Ivan 'yon. Nakangisi pa talaga ang gago.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, instead he stared at me. Wala akong magawa para pigilan siya, hindi ko nga man lang mailayo sa akin. Wala akong gusto sa kanya, pero pakiramdam ko may kailangan na naman 'tong gagong 'to sa akin.

Nasa gilid ng ulo ko ang mga braso niya, kaya nakulong ako sa pagitan niya at ng locker. Itinaas ko ang isang kilay, nang hindi pa rin siya magsalita. Ano bang problema niya?




"Huwag kang gagalaw..."




'Yon lang ang sinabi niya. Naguluhan ako dahil don, ano na naman bang kademonyuhan ang sumanib sa kanya? Para akong tanga na tumango. Aba, feeling close din 'tong lalaking 'to ah.

Suwerte siya at nakatira ako sa kanila, kundi binugbog ko na 'to, matagal na. We stayed like that hanggang sa may isang babae na dumaan. Sa pagkakaalala ko, siya 'yong tinanong ko na tinarayan pa ako. Tsk, wala akong pakialam sa kanya. Mas maganda naman kasi ako don.




"Bayad 'to sa utang mo."






Magtatanong na sana ako kung ano 'yon, pero parang sasabog ako nang bigla niya akong halikan. As in hinalikan! Hindi nga ako makagalaw.

Nakapikit lang si Ivan na parang feel na feel niya 'yong ginagawa niya. Aba! Pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako makagalaw, parang may kung ano sa akin na bigla nalang akong pumikit. Napahawak pa ako sa dibdib niya.

Gaga, nakakahiya 'yon, pero I go with the flow. Ano na namang katangahan ang ginagawa ko?!




"I-Ivan...."




Binuksan ko ang mga mata ko nang bigla siyang lumayo. Tinawag kasi siya ng babaeng 'yon. As if naman nabitin ako, duh.

Hindi niya hinarap 'yon instead, may binulong siya na mas lalong ikina-inis ko.





"Act properly, just this time."





Bulong niya bago hinawakan ang kamay ko at pareho naming hinarap ang babae. Parang mangiyak-ngiyak na nga 'yong babae. Aba, gago kasi 'tong lalaking 'to. Nagnanakaw ng halik, first kiss ko pa naman 'yon. Pero hindi naman big deal 'yon, at least gwapo siya kahit gago, saka ang galing din humalik.

Jusmiyo, nakakaloka na ako.

Hinarap namin 'yong babae habang magkahawak kamay. Wala akong choice, kaya ngumiti ako sa babae. Ano bang gusto niyang gawin ko? At saka kaano-ano ba niya 'tong babaeng 'to?

Baka isa sa mga babaeng niloko niya. Tinignan ng babae ang magkagawak naming kamay, saka masama akong tinignan. Oh, problema niya? Instead na tarayan siya, inantay ko na lang si Ivan na magsalita. Tangina niya, hindi ko alam ang sitwasyon nila, 'no.

"Hi Yumi," sabi ni Ivan, ni walang ngiti sa mga labi niya. Nakakapanibago lang kasi sa tuwing kasama ko siya, nakangisi 'to palagi eh. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang gwapo talaga ng lalaking 'to, ang tangos ng ilong tapos ang ganda ng jawline. He looks just so perfect.

Hold OnWhere stories live. Discover now