Nakadungaw lang ako sa bintana simula kanina pa. Sabado ngayon tapos sobrang lakas pa ng ulan sa labas. At saka hindi pa din umuuwi si Ivan galing sa basketball practice nila para sa upcoming foundation day. Ilang buwan na rin kaming dalawa. Dapat kanina pa 'yon umuwi eh, kasi ang sabi niya baka mga alas diyes sila matapos, pero alas dose na.
Hindi ako mapakali, ang lakas ng kabog ng dibdib ko tapos bumibilis na ang paghinga ko. Mariin kong pinikit ang mga mata saka bumaba sa sala. Wala din si tita dito kasi may orientation yata para sa pagkuha ng passport. Kaya ako lang mag-isa dito, hindi naman ako natatakot sa multo, natatakot ako sa mga kulog at kidlat.
I was just walking back and forth, kinakagat ang kuko dahil sa kaba. Kanina ko pa siya tini-text pero walang reply galing sa kanya. Ni hindi niya nga 'yon nababasa.
Naglakad ako patungo sa pinto, ngunit wala pa rin talaga siya. Dinala niya 'yong sedan nila, baka- Takte, bakit ba ako nag-iisip ng ganito.
Naglakad ako patungo sa isang couch, hindi ko kayang i-on ang TV. Ayoko munang makakita ng balita ngayon, para na akong malalagutan ng hininga dahil sa pag-aalala ko. Agad akong tumayo nang marinig na tumunog ang cellphone. I opened the chatboxes.
Halos lumipad ang kaluluwa ko dahil sa text na natanggap ko. It was from an unknown number, hindi ko alam kung totoo ba 'yon. Agad kong binaba ang cellphone saka lumabas ng pinto.
Hindi ako makapaglakad ng maayos dahil nanginginig ang mga tuhod at kamay ko. Isa-isa na ring pumatak ang mga luha sa mga mata ko.
From: Unknown Number
Ito po ba si Miss Minatozaki? Kayo lang po ang matawagan namin ngayon, naaksidente po kasi si Mr Ivan Wen. Na-admit po siya sa Central Medical Hospital.
Tanging gusto ko lang ngayon ay maabutan siya sa ospital na 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang basa ko na rin. Hindi ko na mapigilan ang kaba ko, pati ang mga luha ko. Napahinto ako sa labas ng gate, napaupo ako doon at tinakpan ang mukha ng mga palad.
Gago mo, Ivan! Bakit ba ganito? Sabi ko naman kasi sa kanya huwag na siyang pumunta kasi halatang ang sama ng panahon. Takte, bakit ba nagkakaganito? Akala ko ang saya na namin eh. Bakit kailangan pang mangyari 'to.
"Shaira!" Para akong praning na napatayo bigla, pagkatapos marinig ang boses niya. Nanginginig ang mga labi ko habang nakatingin sa kanya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang wala siyang galos.
Hindi ako nagdalawang isip na sumugod sa kanya. I wrapped my arms around him saka sumandal sa dibdib niya. Napahinga ako ng maluwag nang malamang hindi ko lang naman 'to imagination. Hindi niya lang kaluluwa 'to. He wasn't involved in an accident. Jusmiyo, hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon.
At hindi pa rin maubos-ubos ang mga luha sa mga mata ko. Salamat naman at ayos lang siya, kundi talaga susuntukin ko siya.
"Hey, prank lang naman 'yon, babe." Sabi niya at tumawa ng bahagya, pero nawala din 'yon nang marinig niya ang iyak ko. Pinaghahampas ko siya sa dibdib, habang siya panay ang ilag. Tapos basang-basa pa ako ngayon sa ulan. Takte, gusto ba niya akong mabaliw?
Agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Tangina naman, may paganon pa talaga siya.
"Ba't mo naman ginawa 'yon?! Alam mo bang para akong mamamatay sa pag-aalala sayo, Ivan! Kasi ayokong mawala ka sa'kin! Ayokong maging malungkot, knowing na kukunin ka sa akin!"
I held his collar, while screaming each words. Panay ang hagulgol ko habang sinasabi 'yon. Papatayin niya ba ako sa takot at pag-aalala? Kasi kung oo, mas mabuti pang ibalibag ko siya. Takte, kung alam lang niya kung gaano niya ako pinag-alala. Kung alam lang niya kung paano nanginig ang mga paa at kamay ko. For how I even run under the raindrops.
YOU ARE READING
Hold On
Fanfiction"Please hold on. I wanna be with you forever. I love you, don't leave me. Please hold on for me...for us..." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #4 ᴍɪɴᴀᴛᴏᴢᴀᴋɪ sᴀɴᴀ-ᴡᴇɴ ᴊᴜɴʜᴜɪ