Nandito ako ngayon sa convenience store para bumili ng mga kailangan sa bahay nina Ivan. Siya ang assign ngayon sa paglilinis, at ako naman sa pamimili. At saka ilang metro lang naman ang layo nito sa bahay nila kaya ayos lang.
Nagpunta ako sa section ng mga chip habang tulak-tulak ang isang cart para bilhin 'yong favorite namin ni Ivan. Napabusangot ako nang makitang ang layo non at hindi ko maaabot. I tried reaching for it, tumingkayad pa ako pero wala e'. Hindi naman ako pandak sadyang mataas lang 'yong lalagyan.
Aabotin ko na sana muli pero may biglang kumuha non mula sa likuran ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang biglang dumikit ang kamay ng taong 'yon sa kamay ko. To be honest, sobrang pamilyar ng pabango niya. Nang makalayo 'yon sa akin ay saka lang ako nakahinga ng maayos. I mean, naging uncomfortable lang ako kanina kaya ganon.
Agad kong tinignan ang taong 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung sino 'yon. He was smiling at me while holding the chips up.
"Matt?" Bigkas ko ng pangalan niya. Mas naging malapad ang ngiti niya bago inilagay sa cart ko ang chips na 'yon. Sinundan ko 'yon ng tingin bago binalik ang tingin sa kanya. Napangiti nalang din ako dahil don.
Atleast naman tinulungan niya ako. At saka baka madapa pa ako kaka-abot sa chips na sobrang layo sa akin.
"Thank you," sambit ko bago nagsimulang maglakad. Hindi ko naman inasahan na susundan niya ako, pero ikinibit-balikat ko nalang 'yon. Nag-usap kami ng kung ano-ano na related sa school, ganon lang. Sobrang casual at hindi dapat nilalagyan ng malisya.
Paano ba naisip nong Yumi na 'yon na I'm cheating on Ivan? Sobrang desperada na ba niya na makuha pabalik si Ivan? Kung sana hindi niya ginamit, e'di sana nasa kanya pa pero gaga siya e'. Ginamit na nga niya, sinaktan pa talaga.
Tinulungan ako ni Matt na dalhin sa counter 'yong pinamili ko. Tinanggihan ko na siya pero mapilit talaga kaya wala na akong magawa. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Jaera kahapon. May gusto kaya sa akin si Ma- Impossible.
Dalawang bag ang dala ko, he offered help kanina pero tumanggi na ako.
"Salamat, Matt. Ako na dito, malapit lang naman."
"You're always welcome, at saka you were never a burden to me, Shaira." Tugon niya bago ginulo ang buhok ko at umalis. Napailing nalang ako at nagsimulang maglakad.
Ibinaba ko muna 'yong isang paperbag para matext-an si Ivan na paparating na ako. Ibinalik ko din 'yon sa bulsa at naglakad muli.
If may gusto man si Matt sa akin, siguro alam niya na masasaktan lang siya. Aware naman yata ang lahat na mahal ko si Ivan. Kahit na halimaw 'yon, kapag kasama ko siya, everything seemed to be so fine. At alam kong ang suwerte ko sa kanya. Although nag-iiba ugali non kapag nagseselos.
I was halfway on my way, nang biglang tumunog ang phone ko. Akala ko si Ivan 'yon kaya binaba ko muna 'yong isang paperbag. Pero nagsalubong ang kilay ko,
From: Unknown Number
Hey, Shaira. Alam mo bang aagawin ko na si Ivan sa'yo. Alam ko namang mas bagay kami sa isa't isa. You don't deserve him.
Instead na magreply, umirap nalang ako sa hangin saka binalik ang phone sa bulsa. Kinuha ko na pabalik 'yong isang paperbag at naglakad.
Akala yata ng babaeng 'yon na mababagabag ako. Takte, sobrang immature niya. Umabot pa pala siya sa ganito na ganyan ang ugali niya? Sobrang boba niya kasi in the first place siya naman ang may kasalanan kung bakit lumayo si Ivan sa kanya. At saka Ivan already assured me na wala na siyang nararamdaman sa babaeng 'yon. May tama yata 'yong babaeng 'yon, 'tsaka ang duwag niya. Bakit hindi nalang kaya niya ako puntahan dito at saka ibabalibag ko siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/242047203-288-k16325.jpg)
YOU ARE READING
Hold On
Fanfiction"Please hold on. I wanna be with you forever. I love you, don't leave me. Please hold on for me...for us..." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #4 ᴍɪɴᴀᴛᴏᴢᴀᴋɪ sᴀɴᴀ-ᴡᴇɴ ᴊᴜɴʜᴜɪ