Si Shane Altamera ay isang babaeng laking siyudad. Nakasanayan na niya ang pamumuhay sa lugar na iyon. Kaya naman nang sabihin ng magulang niyang sa probinsya na sila titira ay hindi niya ito matanggap. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi sundin ang desisyon ng kanyang magulang kahit pa labag ito sa kanyang kalooban. Paano kung sa probinsyang inaayawan ay makilala niya ang apat na probinsiyanong magpapagulo ng buhay at pati na rin ng puso niya? Hahayaan kaya nito na mahulog ang pihikan niyang puso sa isa sa apat na Promdi Boys?